#TFGKabanata27

1K 15 0
                                    

RAFAELA

Pakiramdam ko ay bumalik ang lahat sa dati. Yung hanggang tingin lang ako kay Jameson. Noong hindi ko pa naging kaibigan si Kisses. Noong hindi pa kami nag-meet ni Lance. Parang nag-time travel lang ako.

Tanaw na tanaw ko mula sa bintana ng classroom si Jameson na ka-eksena si Elisa sa taping. Simula nang sinabi niya sa harap nina Lance at Kisses na girlfriend niya ako ay hindi ko na sila malapitan pa. Hanggang ngayon ay na-gui-guilty pa rin ako sa ginawa ko. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa karupukan ko ay hindi sana mangyayari 'to.

Pero okay na rin ang ganito. At least tahimik na rin ang buhay ko. Nasaktan lang talaga ako sa F.O. namin ni Kisses. Ramdam ko pa rin ang coldness niya sa tuwing nagkikita kaming dalawa. Sana maging maayos na ang lahat sa aming dalawa.

Maya-maya pa ay dumating na yung prof para sa subject na 'to.

"Good morning class." bati sa 'min ni Mr. Cedron.

"Good morning Sir Jed." sabay sabay naming bati sa kanya.

"Okay class, wala tayong klase ngayong araw na 'to. But I have a special task na ibibigay sa inyo. I will group you into three members. Ang gagawin niyo lang ay gagawa kayo ng production number or performance. Dapat both singing and dancing ay gagawin niyo just like k-pop groups. The performance should be at least five minutes and you should perform at least two songs. You only have three weeks to finish the tasks. Understood?" - Sir Jed

"Yes, Sir Jed." sabay sabay naming sagot.

"I will post the criteria later at our group chat. And now, it's time for the groupings." - Sir Jed

Sana makagrupo ko sina Kuya at Lucas.

"Blossom Del Valle, Bubbles Lopez and Bellum Salvador."

"Maxwell Stanford, Kaizer Sandford and Drake Willford."

"Clarence Marco, Clarisse Perez and Clint Navarro."

"Joseph Lim, L.A. Echavez and Lady V Jeon."

"Layzhelle Aballa, DO Diaz and Kayleen Ann Igao."

And so on...

And so on...

"Last group are Lucas Alexander Kim, Rafael Montebello and Rafaela Montebello."

Yes! Magkagrupo kaming tatlo. ^__^

"Hangga't maaga pa ay dapat niyo nang paghandaan ang gagawin niyong production number para mapa-impress niyo ang panel of judges. Makikilala niyo ang panel of judges sa takdang panahon. Sa ngayon, class dismissed. Goodbye class." - Sir Jed

Nang makaalis na si Sir Jed ay kanya-kanya na kaming plano sa gagawin naming production number.

"Ano ang una plano natin?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Magsimula muna tayo sa pagpili ng kanta. Kailangan nating mag-perform ng at least two songs." sagot ni Lucas. "May alam ba kayong kanta?"

"Puro rock songs lang ang nasa playlist ko." si Kuya Rafael.

"Sige, i-se-search ko na lang sa Google ang mga kantang pwede nating i-pe-perform." si Lucas.

"Ako na ang bahala sa choreography." sabi ko sa kanila.

"Sige." si Lucas.

Umabot hanggang lunch break ang pagpaplano namin para sa prod number.

"Sige Rafaela, mauna ka na sa cafeteria. CR muna kaming dalawa ni Lucas." sabi sa 'kin ni Kuya Rafael.

"H-ha?" nagtatakang sambit ni Lucas pero kita ko ang pamumula ng pisngi niya.

"Basta sumunod ka na lang." sabay batok ni Kuya Rafael sa kanya.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now