#TFGKabanata75

1K 14 0
                                    

RAFAELA

Pagkarating namin sa presinto ay nagtanong kami sa pulis kung nasaan na si Papa.

"Papa!" naiiyak kong tawag kay Papa nang makita ko siya. Hawak ng dalawang pulis ang magkabilang braso niya.

"Anak." si Papa.

"A-anong nangyari sa 'yo Papa? B-bakit ka nandito?" malungkot kong tanong.

"P-pasensiya na anak. Kasalanan ko ang lahat." sagot ni Papa.

"H-hindi ko po kayo maintindihan Papa. Anong ginawa niyo para ikulong ka nila?" tanong ko sa kanya.

"A-ayoko pang sagutin ang tanong mo anak. N-nahihiya ako sa ginawa ko." sabay tungo ni Papa.

"N-nakapatay ka ba ng tao kaya ka nakakulong?" tanong ko sa kanya.

"Hindi! Hindi ako nakapatay ng tao anak. Kahit kailan ay hindi ako pumapatay ng tao." biglang tanggi ni Papa.

"Sabihin niyo na po sa akin ang totoo Pa kung bakit kayo nakulong?" tanong ko sa kanya.

Pero hindi siya sumagot. Mukhang nahihiya pa si Papa sabihin sa akin ang nangyari. Sana naman hindi ito karumal-dumal kagaya ng mga napapanood ko sa balita.

"Kung ayaw niyo pong sabihin. Ayos lang. Malalaman ko rin naman ang ginawa niyo sa pagtatanong ko sa mga pulis mamaya." sabi ko kay Papa.

"Sa iba mo na lang itanong 'yan anak. Nahihiya talaga ako. Pasensiya ka na sa nagawa ko anak. Sana hindi mo ako kamuhian dahil dito." sagot ni Papa.

Niyakap ko si Papa. "Kung ano man ang ginawa niyong kasalanan Papa. Mahal na mahal ko pa rin kayo."

"Mahal na mahal din kita anak." tugon ni Papa at niyakap din niya ako.

Tinanong ko ang mga pulis kung ano ang dahilan ng pagkakulong ni Papa. Ang sagot ng isa ay dahil daw may utang si Papa na 300 million pesos na ikinagulat ko naman.

"P-paanong nangyaring nagkaroon siya ng utang?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"May pinirmahan siyang kontrata na pinagkasunduan nila ng taong inutangan niya. Pero hindi siya nakapagbayad ng utang sa tamang panahon kaya siya nakulong at kinasuhan ng inutangan niya." paliwanag ng babaeng pulis.

"A-alam niyo po ba kung sino ang taong inutangan ni Papa ng napakalaking pera?" tanong ko.

"Si Miss Valentina Snakes po." sagot ng babaeng pulis.

Valentina Snakes.

Parang familiar sa akin ang pangalan na 'yan. Isa siya sa mga pinakamayaman na babae sa Pilipinas. Pero hindi ko pa nakikita ang mukha niya dahil may pagkamisteryoso ito.

"May paraan po ba kami upang makausap siya?" tanong ko.

"Wala po kaming alam tungkol sa kanya, Ma'am. Tanging mga tauhan lang niya ang nagpunta rito upang ipakulong ang Papa niyo." sagot ng babaeng pulis.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pag-asa dahil do'n.

Muli ay kinausap ko ang aking Papa.

"Alam ko na ang dahilan kung bakit ka nakulong Pa. Umutang ka pala ng napakalaking halaga nang hindi sinasabi sa akin? Tapos 300 million pa talaga. Ano ang ginawa niyo sa inutang niyong pera? Sagutin mo ako Pa!"

"G-ginamit ko sa sugal, anak." si Papa.

Tila ay nanghina ako nang marinig ko ito.

"Pa! Kailan pa kayo natutong magsugal?" galit kong tanong sa kanya.

"P-pasensiya na talaga anak. Gusto ko lang naman makatulong sa ating pamilya. Puro na lang kasi ikaw ang tumataguyod sa amin. Pero problema lang ang nadala ko sa 'yo." malungkot na sagot ni Papa.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now