#TFGKabanata83

1K 14 0
                                    

LANCE

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat.

Ngunit nagkamali ako.

Ang makita kong malungkot ang babaeng mahal ko at nangungulila ang kapatid ko ay parang sinasaksak ang puso ko.

Kaya ko pinili ito dahil wala na akong pagpipilian pa. Napakatuso talaga ng babaeng 'to.

"Hindi ako makapaniwalang akin ka na talaga mahal kong hari." sabi sa 'kin ng matandang 'to habang hinahaplos ang aking mukha. "Ang napakagwapong kagaya mo ay nababagay talaga sa akin."

Palihim akong napangiwi sa mga sinasabi niya. Nakakadiri ang babaeng 'to.

"Replacing yourself here for Rafael is the best decision you ever did. Sayang din si Rafael dahil second best siya sa mga naging collections ko." - Valentina Snakes

Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi niya.

"Pero hindi ko papalampasin ang pagkakataong makuha ka because I know that you're better than him. You're the best among my collections." - Valentina Snakes

Lumayo siya sa akin. Pagkatapos ay may binigay siyang isang papel at ballpen. "Yan ang kontratang kailangan mong pirmahan. Bilang isa sa mga collections ko ay kailangan mong pirmahan 'yan."

Hindi ko na binasa pa ang kontrata. Basta-basta ko na lang ito pinirmahan.

Ayokong makita nang matagal ang pagmumukha ng babaeng 'to kaya agad kong pinirmahan ang kontrata.

Wala naman sigurong masama kung hindi ko 'yon basahin.

📌

- ONE WEEK LATER -

RAFAELA

Isang linggo na ang nakalipas mula nang tinapos ni Lance ang relasyon naming dalawa. At ngayon, heto ako, hindi pa rin alam kung paano tatanggapin ang nangyari.

Mula noon ay hindi ko na nakita pa si Lance. Sinubukan ko siyang tawagan sa cellphone upang magbakasakaling isalba ang relasyon naming dalawa ngunit out of coverage siya.

Nasasaktan ako nang sobra. Gusto ko siyang puntahan kung nasaan siya ngayon ngunit wala akong magawa dahil hindi ko naman alam ang kinaroroonan niya ngayon.

"Rafaela." tawag sa 'kin ni Jameson at umupo siya sa tabi ko. May dala siyang pagkain. "Ilang araw ka nang hindi kumakain masyado. You have to be healthy lalo na't bukas na ang music video shooting mo."

I already forgot about that.

"A-ayoko niyan. Pangit ang amoy. At saka hindi ako pupunta sa shooting." sabi ko kay Jameson.

Totoo ang sinabi ko. Ang pangit ng amoy ng niluto niyang pagkain. Hindi ko alam kung bakit since masarap naman magluto si Jameson.

At saka wala akong ganang kumain. Kapag gutom naman ako ay sa labas ako kumakain.

Simula nang mawala si Lance ay pakiramdam ko ay mag-isa na lang ako. Parang nangungulila na ako sa pagmamahal niya.

"Suit yourself. By the way, bibisita rin sina Lucas at Rafael dito. May dala silang pagkain na baka magustuhan mo." ani Jameson.

Nagkabalikan na sina Lucas at Kuya Rafael. Simula nang bumalik si Kuya Rafael ay pinuntahan agad niya si Lucas. Si Lance ang dahilan kung bakit nakabalik si Kuya Rafael sa amin. Masaya dahil nakabalik na siya sa amin lalo na si Mama na naiyak sa tuwa. Pero lungkot para sa akin dahil nawala si Lance.

Bigla akong natigilan dahil parang bumabaliktad na naman ang aking sikmura. Nagtatakbo ako papunta sa banyo at dumiretso sa may sink. Binuksan ko ang gripo at doon ako dumuwal.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now