#TFGKabanata18

1K 66 0
                                    

RAFAELA

Pagkauwi ko sa bahay ay sigaw at sermon agad ang naabot ko mula kina Mama at Papa. Alam na rin nila ang kumakalat na issue tungkol sa 'min ni Lance. Ang masakit pa ro'n ay tinawag ako ni Mama na two-timer. Huhuhu!

Pero buti na lang at nasa side ko si Kuya Rafael. Pinaliwanag ko sa kanila ang totoong nangyari at naliwanagan naman sila. Nag-sorry pa sila sa mga masasakit na salita na sinabi nila sa 'kin.

"May boyfriend ka na pala bunso. Bakit hindi mo man lang sinabi sa 'kin?" tanong sa 'kin ni Kuya Rafael.

"Sorry kung hindi ko agad sinabi sa 'yo Kuya. Alam mo namang magagalit ka kapag malaman mong may boyfriend na ako." sabi ko sa kanya.

"Syempre magagalit talaga ako. Pero sice malaki ka na, hahayaan na kitang magdesisyon para sa sarili mo. Siguro alam mo na kung ano ang tama at mali." sabi sa 'kin ni Kuya Rafael.

"Kahit na asungot ka sa buhay ko. Gusto ko pa ring magpasalamat sa ginawa mo kanina. Sa pagiging kuya mo sa 'kin. Kahit na lagi mo akong inaasar ay mahal pa rin kita." sabi ko sa kanya.

"I love you din bunso." sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. Sobrang swerte ko talaga na nagkaroon ako ng mapang-asar ngunit mapagmahal na kuya.

"Kailan mo ba ipapakilala sa 'min yang boyfriend mo? Siguraduhin mo lang na mas gwapo ako diyan." natatawang tanong sa 'kin ni Kuya.

Kung alam mo lang Kuya. Wala kang panama sa kagwapuhan niya.

📌

- NEXT DAY -

Sabay kaming pumasok ni Kuya Rafael sa school. Sa school na pala namin siya mag-aaral simula ngayon. Kahit tutol ako ay wala naman akong choice. At sa kasamaang palad, same pa kami ng kurso. Irregular student siya dahil iba kasi ang curriculum ng pinapasukan niyang school dati at sa school ko, kaya may mga subjects na mag-classmates kami. Bantay-sarado talaga ako sa kanya. T^T

Habang naglalakad kami sa corridor ay pansin ko naman ang tinginan sa 'kin ng mga estudyante. Hindi lang sa 'kin kundi pati na rin kay Kuya Rafael.

"Bakit ganyan makatingin ang mga estudyante sa 'tin?" biglang tanong sa 'kin ni Kuya Rafael.

"Wag mo na lang sila pansinin." sabi ko na lang sa kanya.

Pagdating ko sa room ay ingay ng mga classmates ko ang narinig ko pero natahimik sila nang makita nila ako. Akala ko kung bakit sila natigilan at natahimik pero dahil pala sa sabay kami ni Kuya Rafael na dumating sa room.

Shet! Mag-classmates pala kaming dalawa sa first subject namin.

Ang awkward pa na nagkatitigan lang kaming dalawa at hindi kami gumagalaw. Oo nga pala, hindi nila pwedeng malamang magkapatid kaming dalawa. Ewan ko ba rito sa kapatid ko kung bakit. May pa-mysterious effect pa siyang nalalaman.

"Rafaela! Dito!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Natauhan ako kaya iniwas ko na ang tingin ko kay Kuya Rafael at dumiretso na lang ako sa likod kung saan nakaupo si Lucas. Tumabi ako sa kanya pero ramdam ko pa rin yung tingin ng mga classmates ko sa 'kin.

"Wow naman, dito na rin pala nag-aaral ang Kuya mo?" tanong niya sa 'kin. Si Lucas lang ang nakakaalam na kuya ko siya.

"Shhhhh! Hindi nila pwedeng malamang magkapatid kaming dalawa." bulong ko sa kanya.

"Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.

"Ewan ko nga eh." sagot ko kay Lucas.

Dumating na ang prof namin. Nagpakilala naman si Kuya Rafael sa harap ng klase. Nagtataka nga ang mga classmates namin kung bakit halos magkapareho ang pangalan namin ni Kuya kung hindi naman kami magkapatid. Kung alam lang nilang magkapatid talaga kami.

"Baka naman mag-asawa sila." biro ni Prof na ikinatawa nila. Halos muntikan na nga akong masuka eh. Hindi ko pinangarap na magkaroon ng incest love story.

Pagkatapos magpakilala ni Kuya Rafael ay nagsimula nang mag-discuss ang Prof namin.

*discuss*

*discuss*

*discuss*

*riiiinnnnnnnnnnggggggg!*

"Okay that's all for today, class dismissed." sabi ng Prof namin.

Nang makalabas na kami ay nakita ko si Kuya Rafael na naglakad sa ibang direksyon. Hindi man lang niya ako pinansin.

"I have to go Rafaela. May gagawin pa kasi ako kasama ang girlfriend of the week ko." paalam sa 'kin ni Lucas.

So, mag-isa ako ngayon.

"Okay." wala sa mood kong sagot.

Wala kaming pasok sa susunod na next subject dahil sa taping pero kailangan pa rin naming mag-stay dito kahit walang klase. Bakit kasi kailangan pang i-move temporarily ang mga schedules? Dahil sa taping na yan ay inaabot na ng gabi ang klase namin.

Hinintay ko rin kanina si Jameson my loves sa bahay namin dahil baka sunduin din niya ako pero hindi siya dumating. Hindi man lang siya tumawag kanina. Siguro baka busy lang siya ngayon sa taping.

Since mag-isa lang ako ngayon. Ano kaya ang gagawin ko?

Naisipan ko na lang pumunta sa library. Hindi para mag-aral kundi para matulog. Tinatamad ako ngayon dahil mag-isa lang ako.

Pero pagkarating ko sa library ay maraming tao ang nando'n. Ang dami ngang mga wires, lights and equipments such sa cameras ang nando'n. Mukhang may taping yata rito.

"To all students that are not included in the taping, you may now leave dahil wala na ritong space." narinig kong sabi ng isang beki. Haay! Mukhang hindi yata ako makakatulog sa library.

Aalis na sana ako pero...

"Wait Miss." tinawag ako ng beki. Sa akin kasi ito nakatingin kaya baka ako nga ang tinatawag niya.

"A-ako ba?" tanong ko.

"Yes, come here." aniya.

Agad naman akong lumapit sa beki.

"You're included in the taping." sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"H-ha?"

Bago pa ako makapag-react ay hinila na ako ng beki.

"Direk, ito na siya." sabi ng beki nang makaharap namin ang isang napakagwapong nilalang. Kahawig niya si Ji Chang-Wook.

"It's a pleasure to meet you Miss Rafaela Montebello. I'm Director Tim Ramirez." pagpapakilala sa 'kin ng gwapong nilalang na 'to.

Pero teka, DIRECTOR?

"I-it's n-nice to meet y-you po Director Tim." nauutal tuloy ako.

"Hahaha! You can talk me in an informal way dear." sabi pa niya.

"Hahaha!" nakitawa na rin ako. Gusto lang siyang sabayan.

Pero teka lang, siya ang direktor ng movie na 'to? Mas mukha pa siyang artista to be honest dahil sa looks niya.

"By the way, I've been looking for you. Simula nang lumabas ang issue niyo tungkol sa inyo ni Lance ay naging interested na ako sa 'yo." nakangiting sabi sa 'kin ni Direk.

Ha? Bakit naman siya naging interested sa 'kin?

"But don't misunderstand what I've said. May asawa na ako. Hahaha!" dagdag pa niya.

"Bakit niyo pala ako pinatawag?" tanong ko kay Direk.

"As what I have said. I'm interested on you. Gusto kitang gawing cast ng movie na 'to as Lance's love interest." sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko dahil do'n.

📌

To be continued...

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now