#TFGKabanata67

1K 13 0
                                    

RAFAELA

Kinabukasan ay nagising ako at agad na napangiti sa mahigpit na yakap sa akin ni Lance.

Tinitigan ko ang malalim niyang pagkakahimbing. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo na nang maalala ko ang ginawa namin kagabi. Hindi ko pinagsisihang ginawa namin 'yon. Ayos lang sa akin kung magbunga man ang ginawa namin. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Masaya akong siya ang nakauna sa akin at magiging huli na rin.

Kumilos ako at kakasalasin ko sana ang braso niya upang makawala ako ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang magmulat siya at pagkunutan ako ng noo.

"Where are you going, baby?" nagtataka niyang tanong.

Napangiti ako. "Magluluto sana ako ng breakfast."

Napalitan naman ang pagtataka niyang mukha. "For me?" may kinang sa mga mata niyang tanong.

"Para sa atin." sagot ko.

Sabay kaming bumangon at tumuloy sa banyo upang maghilamos. Napangiti ako dahil nakahawak siya sa isang kamay ko at ayaw niya akong bitawan.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata niya.

"Anong gusto mong kainin?" I asked him.

"You." sabay kagat niya sa ibabang labi niya.

Napanguso naman ako. "Katatapos mo lang kagabi e."

"But nakaka-healthy ang morning sex, baby." aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo lang maka-score sa akin, Lance."

"Morning sex can boosts your immune system. It can also relieve stress. That's why morning sex is healthy. It can be a daily exercise." nakangising sabi pa niya.

Pinagpapalo ko siya dahil do'n. "Yawa ka! Dinadaan mo pa talaga ako sa katalinuhan mo. Hindi na mauulit yung nangyari kagabi. After wedding na yung kasunod." asik kong tugon.

"I will marry you right now then." asar pa niya.

Mas lalo ko siyang sinamaan.

"Just kidding, baby. Kaya ko namang maghintay." sabi niya.

Pumunta na kaming dalawa ni Lance sa kusina para magluto. At ito namang si Lance, panay ang pang-aakit sa akin habang nagluluto ako.

Pero hinayaan ko lang siya dahil sa totoo lang ay nagugustuhan ko ang pang-aakit niya. Marupok ako e. Hahahaha!

LANCE

Sinulit namin ni Rafaela ang huling araw namin dito sa Palawan.

Una naming ginawa ay ang kumain sa isang seafood restaurant.

"Wow!" mangha at natatakam na reaksyon si Rafaela nang makita ang mga pagkaing isa-isang inilatag sa harap namin.

"Ito ang mga pagkaing ipinagmamalaki nila rito." paliwanag ko sa kanya.

Inabot ko ang isang platong hipon at nilagyan ang plato niya. Naglalaway niyang pinanood ang pagkuha ko ng iba pang putahe.

"Eat well baby." nakangiti kong sabi sa kanya. Pinanood ko siyang kainin ang mga iyon.

Halos hindi ko na magawang pagtuunan ng pansin ang sarili kong pagkain. Nalilibang akong panoorin si Rafaela na tinitikman ang bawat putaheng nakahain sa amin. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing sumusubo siya. Ang cute niyang panoorin.

"Aaah!" napadighay siya nang pagkalakas-lakas nang maubos niya ang pagkain. Natutop niya ang sariling bibig at napahiyang tumingin sa akin. "Pasensiya na."

The Fangirl [Published under Dreame]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora