#TFGKabanata90

1K 14 0
                                    

RAFAELA

Hindi ako makagalaw nang marinig ko ang putok ng baril. Parang nawala ako sa sarili ko.

"DANIEEELLLL!"

Bumalik lang ako sa huwisyo nang may narinig akong sigaw.

At ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko si Daniel na bumulagta sa sahig. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala siya.

"Daniel!" sigaw ko bigla.

Nakita kong may lumabas na dugo sa kanyang bibig.

"Tumawag kayo ng doktor!" sigaw ni Valentina Snakes at nilapitan niya si Daniel. "P-patawarin mo ako anak. H-hindi ko sinasadya. H-hindi ko ginustong mabaril ka. Lumaban ka anak. Nagsisisi na ako sa mga kasalanang ginawa ko."

May biglang pumasok na grupo ng mga pulis.

"Sino sa inyo si Valentina Castro o Valentina Snakes?" tanong ng isang pulis.

"Siya po." sagot ni Mama sabay turo kay Valentina Snakes na umiiyak pa rin.

Lumapit ang mga pulis sa Mama ni Daniel. "Inaaresto ka namin Valentina Snakes sa salang drug trafficking, human trafficking, child abuse and rape. Ikaw ay may karapatang manahimik o magsawalang kibo."

At pinosasan na siya ng mga pulis. Hindi naman kumibo si Valentina Snakes. Tahimik na naluluha lang siya habang nakatingin kay Daniel.

Ilang sandali pa ay dumating na ang mga nurses. Dinala nila si Daniel sa ibang kwarto para gamutin ito ng doktor.

Hindi ako makapaniwalang magagawa niya 'to. Sana okay lang siya.

📌

Kinabukasan ay medyo maganda ang gising ko dahil si Lance agad ang bumungad sa akin. Buong gabi ay dito ako natulog sa room niya.

Nilapitan ko si Lance.

"Lance, gumising ka na. Gusto ka na naming makasama ng baby natin." hindi ko mapigilang maging emosyonal.

Kahit na nakita ko na siya sa wakas pero sa ganitong sitwasyon naman. Hindi ko pa rin magawang maging masaya dahil sa kalagayan niya.

Ang laki ng pinayat niya at namumuti pa siya. Parang naubusan siya ng dugo at kulang sa bitamina.

"Magpagaling ka at magpalakas. 'Wag kang susuko. Hinding-hindi ako magsasawang hintayin ka." sabi ko pa kay Lance.

*tok tok tok*

May narinig akong katok ng pinto.

"Pasok." ang sabi ko lang.

Bumukas naman ang pinto at nakita ko sina Kuya Rafael at Lucas.

"Kami naman ang magbabantay sa kanya Rafaela. Mag-breakfast ka muna sa cafeteria." sabi sa 'kin ni Kuya Rafael.

"Sige kuya." tugon ko.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa cafeteria ng hospital.

Pagkarating ko sa cafeteria ay konti pa lang ang tao ro'n kaya madali akong naka-order ng pagkain at nakahanap ng vacant table.

"Miss, pwede bang maki-share ng table?" may nagsalitang lalaki sa harap ko.

Napatingin naman ako sa gawi nito. Teka, siya 'yung isa sa mga gwapong lalaki kahapon. Hindi ko nga lang alam ang pangalan.

"B-bakit dito? Marami namang bakante." nagtatakang tanong ko sabay turo sa mga table na wala pang tao.

"Mag-isa lang kasi ako. It's much better kung may kasabay kang kumain sa umaga. At saka siguro naman ay napapamilyar mo ang mukha ko." sabi niya sa 'kin.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now