#TFGKabanata80

1K 14 0
                                    

RAFAELA

Hindi ako makapaniwalang nandito talaga siya. Pinahid ko pa ang mga mata ko dahil baka namamalik-mata lang ako. Pero totoong nandito talaga si Lance.

Mangiyak-ngiyak akong tumakbo papalapit sa kanya. Parang nag-slow motion ang buong paligid.

Pagkalapit ko kay Lance ay agad ko siyang sinalubong ng isang yakap.

Yakap na sabik na sabik.

Yakap na na-miss mo na siya.

Yakap na ayaw mo nang pakawalan pa siya.

"I miss you damn so much baby." emosyonal niyang bulong.

Napapikit naman ako at dinamdam ang mainit niyang yakap. "Na-miss din kita Lance." tugon ko.

Bumalik muli ang aking saya dahil nandito na siya.

Ilang minuto rin kaming magkayakap. Parang hindi kami mapaghiwalay.

Humarap sa akin si Lance at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang yakap ko pa rin siya. "I'm sorry baby. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa 'yo. But don't worry dahil hindi na ako aalis pa sa tabi mo."

Napakunot naman ang noo ko dahil do'n. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Naayos ko na ang problema ni Dad. Everything back to normal for us." masaya niyang sabi.

Ngumiti naman ako. "Good for you. Gano'n din ang kay Papa." tugon ko naman. Hindi ko na sinabi pa sa kanya ang tungkol kay Kuya Rafael.

"Since matagal din tayong hindi nagkita, I deserve a kiss from you." aniya at ngumuso pa siya.

Natawa naman ako. "Ako rin."

Unti-unting lumapit ang aking mukha sa kanya at dinampian ko siya ng halik sa labi. Noong una, akala ko ay dampi lang 'yon pero pinalibot niya ang dalawang braso niya sa aking leeg at mas tumagal pa ang paghahalikan naming dalawa.

Bumitaw lang kami nang kapusin na kami ng hininga.

"That felt so great." narinig kong sabi niya. "I want more baby."

Natatawa naman akong hinampas siya. "Napakaadik mo talaga sa kiss."

"Yung halik mo lang naman ang kinaaadikan ko. Your kisses are like drugs to me." tugon niya. "By the way, how are you while I'm gone?"

"Malungkot dahil nawala ka." my answer. "Ano ba talaga ang nangyari?"

Kinuwento sa akin ni Lance ang nangyari sa kanya nang mawala siya.

LANCE

*flashback*

Nang mabasa ko ang mensaheng 'yon ay nagkaroon ako ng pag-asang maaayos ko ang problema ni Dad. Hindi naman sinabi sa akin kung paano ko masusulusyunan ang problemang 'yon. Tanging address at oras lang ang tinext sa akin at may kinalaman daw ito sa sitwasyon ng Dad ko.

5:30 PM ay pinuntahan ko ang address na 'yon. Thirty minutes din akong naghintay dahil 6 PM ang oras ng pagkikita namin ng sender na 'yon.

5:59 PM ay may isang itim na van na tumigil sa harapan ko. May lumabas na tatlong lalaking naka-tuxedo.

Hinawakan ako ng dalawang lalaki sa magkabilang braso habang ang isang lalaki naman ay piniringan ako.

"A-anong ginagawa niyo?" kinakabahang tanong ko.

"Manahimik ka na lang at sumunod sa amin. 'Wag kang mag-alala dahil hindi ka namin sasaktan. Hindi mo lang pwedeng malaman ang direksyon ng palasyo ni Reyna Valentina kaya namin ginagawa ito." ani ng isang lalaki.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now