#TFGKabanata92

1K 14 0
                                    

RAFAELA

Lunes ng hapon ay pumunta ako sa sementeryo. Bibisitahin ko ang puntod niya para magsindi ng kandila.

"Kumusta ka na? Pasensiya na kung hindi ako nakabisita sa 'yo. Masyado kasi akong busy sa pag-aalaga kay Dalancy." sabi ko habang nakatingin sa puntod niya.


R.I.P
Daniel S. Castro

Born: December 3, 19**
Died: January 22, 20**


Tatlong buwan na ang nakalipas ay hindi pa rin ako makapaniwalang binawian siya ng buhay. Ang lakas pa niya noong nagising siya sa hospital pero bigla na lang siyang namatay sa hindi maipaliwanag na dahilan. Pero kasabay no'n ay ang biglang pagkabuhay ni Lance.

Noong sinabi ng doktor na patay na si Lance ay hindi ko talaga 'yon matanggap. Parang biglang gumuho ang mundo ko dahil do'n. Nakiusap pa ako sa doktor at sa mga nurses na 'wag munang tanggalin ang mga nakakabit sa kanya. Bukas na lang nila ito gawin. Pero hindi sila pumayag sa sinabi ko.

Noong tatanggalin na sana nila ang nasa bibig ni Lance ay doon siya nagkapulso na ikinagulat talaga namin lalo na ang doktor at mga nurses. Ang sabi ng doktor ay isang milagro raw ang nangyari kay Lance.

Parang biglang napalitan ng saya ang pagluluksa ko sa mga oras na 'yon. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos. Kahit hindi pa gising si Lance hanggang ngayon ay hindi naman niya kinuha ang buhay niya.

Sa ngayon ay nasa South Korea si Lance at doon nagpapagaling. Noong sinabi sa akin ni Lucas na gising na siya ay naging emosyonal ako. Sa wakas ay magkikita na rin kaming dalawa. Hindi ko mapigilang maging excited na mayakap ulit siya.

Nagsindi na ako ng kandila sa puntod ni Daniel at nagdasal.

"Kung nasaan ka man Daniel, sana ay masaya ka sa bagong buhay na meron ka ngayon." sabi ko sa kanya. "Lord, sana po ay maganda ang kalagayan ni Daniel ngayon sa kabilang buhay. At salamat din sa binigay mong pangalawang buhay kay Lance. Amen."

Pagkaalis ko sa sementeryo ay pumunta ako sa WP Entertainment para mag-record ng panibago kong kanta na i-re-release soon. Kasabay no'n ay may upcoming concert din ako.

Si Kisses ang nag-aalaga ngayon kay Dalancy. Tuwang-tuwa nga siya dahil laging may kalaro ang anak niyang si JK. May balak pa si Jameson na ipa-arrange marriage ang mga anak namin kapag nasa tamang edad na ito na itinutol naman namin ni Kisses. Ayaw naming ipilit na ipakasal silang dalawa. Gusto namin ay magpakasal sila sa taong magugustuhan nila.

"Pumasok ka na sa recording studio, Rafaela." utos sa 'kin ni Addy na sinunod ko.

Isang korean song ang bago kong kanta. Kaya korean song dahil dine-dedidate ko ito kay Lance na may lahing koreano at dahil sa kalagayan niya ngayon, at pati na rin kay Daniel dahil nasa kabilang buhay na siya. Para sa kanila 'tong kantang 'to.

Isinuot ko na ang headset at nag-thumbs up kay Addy para simulan ang recording.

Rafaela sings "Love Poem" by IU

Nang magsimula na ang beat ng kanta ay nagsimula na rin akong kumanta.


Nugureul wihae nugunga
Gidohago inna bwa

The Fangirl [Published under Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon