#TFGKabanata69

1K 13 0
                                    

RAFAELA

"Are you okay Rafaela?"

Bumalik naman ako sa huwisyo nang marinig ko ang boses ni Jameson.

Napatingin ako sa gawi ng dalawang taong naghahalikan sa dancefloor at nakita kong hindi pala si Lance 'yon.

"A-ayos lang ako." sagot ko kay Jameson sabay tungga sa hawak kong shake.

Ano ba 'tong naiimagine ko. Imposibleng nandito si Lance dahil kasama niya ngayon si Lucas. Basta nagpaalam siya sa akin kanina dahil may nangyari raw hindi maganda kay Lucas. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala. Pero hindi ko siya mapuntahan dahil busy ako sa last taping ng movie namin ni Jameson.

Mga bandang alas-onse na ng gabi kami natapos at umuwi. Hinatid ako ni Jameson dahil ayaw niyang mag-isa ako.

Pagkarating ko sa condo unit ay napakunot ang noo ko nang makita ko si Kuya Rafael na naka-upo sa may pintuan at may hawak na beer. He look wasted.

"K-kuya Rafael. Anong ginagawa mo rito? At b-bakit ganyan ang itsura mo?" hindi ko mapigilang mag-alalang tanong ko.

Pero hindi siya sumagot. Bagkus ay binigyan niya lang ako ng malamig na tingin.

*krrriiiiiinnnnnngggg!*

Tumunog bigla ang phone ko.

Tumatawag si Lance.

"Hello Lance." ani ko nang sagutin ko ang tawag.

("Hello baby. Kasama mo ba ngayon ang kuya mo?") narinig kong tanong niya.

Napakunot ang noo ko. "Kasama ko siya ngayon. May problema ba?"

("Meron. Isang napakalaking gago ang kuya mo para saktan niya ang kapatid ko! Pasensiya na kung nasabi ko 'to sa 'yo, pero niloko ng kuya mo ang kapatid ko!") galit niyang sabi na ikinatigil ko bigla.

Napatingin ako sa gawi ni Kuya Rafael at nakita ko ang pag-inom niya ng alak.

"A-anong sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.

("Nakita ni Lucas na may ibang kahalikang babae yang kuya mo.") sabi ni Lance.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. May namuong galit sa emosyon ko para kay Kuya Rafael.

"Tatawagan na lang kita mamaya." seryosong ani ko at binaba ko na ang phone ko.

Hindi ko mapigilang sipain si Kuya Rafael. "Napakawalanghiya ng ginawa mo kuya! Paano mo 'to nagawa kay Lucas? Bakit mo siya niloko?"

Napatingin siya sa akin at kita ko ang gulat sa mga mata niya. "L-let me explain, Rafaela. Hindi ko ginustong lokohin siya..."

"Eh ano ang tawag mo sa nakita niyang nakikipaghalikan ka sa ibang babae?" galit kong pigil sa pagsasalita niya.

"H-hindi ko ginusto ang nangyari, Rafaela. Bigla nalang ako hinalikan ng matandang babaeng 'yon. Aaminin kong tumugon ako pero wala 'yon para sa akin." paliwanag niya.

Mas lalo akong nakaramdam ng galit sa kanya. "Tumugon ka pero hindi mo ginusto? Anong klaseng explanation 'yan?"

"Alam kong mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko ngayon. Pero totoong mahal ko si Lucas at hindi ko sinasadyang mangyari 'yon. At isa pa Rafaela, lalaki rin ako. I have my needs." sabi niya.

"Ha? Anong needs ba 'yan? May kulang pa ba kay Lucas? Ano ba ang gusto mo na wala sa kanya?" tanong ko kay kuya.

"Marami... at tanging babae lang ang makakapagbigay no'n." sagot niya.

Hindi na ako nagsalita pa. Naiintindihan ko naman si kuya. But still mali pa rin ang ginawa niya. Kung mahal talaga niya si Lucas, marunong dapat siyang makuntento sa binibigay ng kasintahan niya. At saka may iba namang paraan para makuha ni kuya ang gusto niya nang hindi nanloloko. Ayokong i-tolerate ang pagkakamali niyang 'yan dahil sa kuya ko siya.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now