#TFGKabanata62

1K 14 0
                                    

KISSES

Inimulat ko ang aking mga mata.

Teka, nasaan ako?

Tiningnan ko ang buong paligid ng lugar hanggang sa makita ko si Rafaela na walang malay na nakahiga sa isang kama.

Naalala ko bigla ang pangyayari.

'Yong dating boss ni Jameson. Kinidnap niya ako.

"Gising na pala ang soon-to-be wedded wife, or should I say soon-to-be 'ended' wife." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Napatingin naman ako sa gawi nito.

O_____O

Kasama niya si Elisa.

"Mga hayop kayo! Saan niyo kami dinala!" galit kong sabi sa kanila.

"Relax lang Kisses, malalaman mo rin mamaya. Hinihintay pa namin ang dalawang magliligtas sa inyo. Or should I say, makakasama ninyo. Hindi pwedeng ako lang ang maliligayahan. May kasama rin ako rito. I'm sure excited na siya sa mangyayari. Right Elisa?" tugon ng dating boss ni Jameson.

"Of course, matagal ko na rin 'tong hinihintay. Masyado kasi silang naging epal sa mga lalaking gusto ko. Ngayon ay matutupad na rin sa wakas ang mga gusto ko." narinig kong tugon ni Elisa.

Hindi ko naman mapigilang kabahan dahil do'n. "Anong gagawin niyo sa amin?!" sigaw ko sa kanila.

"Malalaman mo rin mamaya. Pero pagkatapos no'n ay papatayin na namin kayo." sagot ng dating boss ni Jameson.

Nadagdagan ng takot ang nararamdaman ko dahil sa narinig ko.

Magsasalita pa sana ako pero tinakpan na nila ng tape ang bibig ko.

"Hhhmmmmmm! Hhhmmmmm!" sinubukan kong magsalita pero hindi ko na ito magawa pa.

"O sakto at nandito na pala sila." narinig kong sabi ng dating boss ni Jameson.

Agad akong napatingin sa gawing tinitingnan nila at nakita ko sina Lance at Jameson na nakatayo ro'n.

"Sinunod namin ang gusto mo. Kami lang dalawa ang nandito." sabi ni Jameson nang makarating sila rito ni Lance.

"Mabuti naman kung gano'n. Sa oras na may marinig akong sirena ng pulis..." Lumapit ito sa akin at nagulat ako nang tinutukan niya ako ng baril. "Patay silang dalawa."

"Tapusin na natin 'to. Anong gusto ninyong dalawa? Gagawin namin." tanong ni Lance sa kanila.

"Simple lang naman ang gusto namin. Una, linisin niyo ang pangalan naming dalawa." narinig kong sagot ni Elisa.

"Gagawin namin 'yan. Magpapatawag kami ng press conference para linisin ang pangalan ninyo, i-uurong din namin ang kaso laban sa inyo at susunugin namin ang ebidensiyang meron kami laban sa inyo." naging tugon ni Jameson.

"Siguraduhin niyo lang na gagawin niyo talaga 'yan." - dating boss ni Jameson

"Ano pa ang gusto niyo?" tanong ulit ni Jameson.

"Gusto kong paligayahin niyo si Elisa sa harap ko." sabay lapit niya kay Rafaela na wala pa ring malay. Pagkatapos ay hinipo niya ang maseselang parte nito.

"Hayop ka! 'Wag mo siyang hahawakan!" narinig kong galit na sigaw ni Lance.

"'Wag kang madamot Lance. Hindi mo pagmamay-ari ang magandang dilag na 'to. Matuto kang makipag-share sa akin." demonyong tugon nito at pinaglaruan niya ang katawan ni Rafaela gamit ang baril.

"Gagawin namin ang gusto niyo. 'Wag niyo lang sila gagalawin." may halong pagmamakaawang sabi ni Lance.

"Kung gano'n. Sumama kayo sa akin. Elisa, ikaw muna ang magbantay sa kanila." utos nito.

"Pero paano naman ang gusto ko?" narinig kong reklamo ni Elisa.

"Mamaya na ang sa 'yo. Ako muna ang mauuna dahil ako naman ang nakaisip nitong plano na 'to." narinig kong tugon nito at sinenyasan niya sina Jameson at Lance. Sumunod naman ang dalawa sa kanya at pumasok sila sa isang silid.

Kailangan kong makawala rito.

"Parati na lang siya ang nasusunod! Kainis!" narinig kong sabi ni Elisa.

"Uwaa! Uwaa! Uwaa!"

May narinig akong isang sanggol na umiiyak.

"At dumagdag pa 'tong anak ko!" dagdag pa niya at nawala na siya sa paningin ko.

Ito na ang pagkakataon ko.

Sinubukan kong kumalas sa pagkakatali pero hindi ko ito magawa. Mahigpit ang pagkakatali nila sa akin. Ginamit ko ang lakas na meron ako pero wala pa rin.

Nawalan ako bigla ng pag-asa dahil do'n.

"AAAAAAGGGHHHHHH!"

Nagulat ako nang may narinig akong isang impit na sigaw galing sa silid na pinasukan nina Lance. Kinabahan ako bigla dahil do'n. Baka kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa.

Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng silid at nakita ko sina Lance at Jameson na lumabas pero wala na silang suot na pang-ibaba. Tanging boxer shorts na lang ang suot nila habang naka-tuxedo.

"Ikaw na ang bahala kay Rafaela." ani Jameson kay Lance. Lumapit siya sa akin para tanggalin ang taling nakapalibot sa katawan ko at pati na rin ang tape sa bibig.

"A-anong nangyari? Bakit wala kayong pang-ibaba?" tanong ko sa kanya.

"Ginamit namin ang suot naming slacks pantali sa manyak na 'yon. Kailangan na nating tumakas rito." sagot ni Jameson at hinawakan niya ang kamay ko.

Tumakbo na kaming dalawa at papalabas na sana kami nang...

*bang!*

Napatigil kaming dalawa nang may narinig kaming isang putok ng baril.

Napatingin kami sa likod namin.

At napatakip ako bigla sa aking bibig nang makita ko si Lance na unti-unting bumagsak sa sahig. Nakita ko ang dugo na lumalabas mula sa kanyang bibig.

"LANCE!" napasigaw ako bigla.

Napatingin ako sa gawi ni Elisa at nakita ko ang pagkagulat niya habang may hawak itong baril na nakatutok kay Lance.

RAFAELA

Pagkamulat ko sa aking mga mata ay puro puti agad ang nakita ko.

"Hay salamat at gising ka na anak!" narinig kong sabi ni Mama. Napatingin ako sa gawi ni Mama at nakita ko ang pagluha niya habang nakatingin ito sa akin.

"A-anong nangyari?" nahihirapan kong tanong.

"May kumidnap sa inyo ni Kisses, anak. Dahil do'n ay hindi natuloy ang kasal nila ni Jameson. Jusko! Buti na lang at gising ka na. Tatlong araw na kaming nag-aalala sa 'yo." emosyonal pa ring sabi ni Mama.

Tatlong araw?

Napatingin naman ako sa gawi ni Papa at Kuya Rafael. "Kumusta naman si Kisses?"

"Okay lang siya. Hindi naman siya sinaktan. Pero si Lance..." napatigil sa pagsasalita si Kuya Rafael.

May namuong kaba sa aking dibdib.

"A-anong nangyari kay Lance?" alinlangan kong tanong.

"Hindi maganda ang lagay niya. Nabaril siya." dagdag pa ni Kuya Rafael na nagpatigil sa akin.

Pakiramdam ko ay gumuho bigla ang mundo ko dahil do'n.

📌

To be continued...

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now