#TFGKabanata29

1K 15 0
                                    

RAFAELA

"Kanino galing ang sulat?" tanong sa 'kin ni Kuya Rafael.

"Ah a-ano... Galing kay Lucas." pagsisinungaling ko sabay tago sa likod ko ang pictures at sulat.

Tumango naman siya at saka umalis papuntang kusina.

Ako naman ay napaupo sa sofa at tinignan ang sulat at litrato.

"Sino kaya ang nagpadala nito?" tanong ko sa sarili ko.

Kung sino man ang nagpadala nito, pakiramdam ko ay matindi ang galit niya sa 'kin.

Natakot tuloy ako bigla.

Pero teka, ang sabi sa sulat ay 'stay away from Jameson'. Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

Nakakatakot talaga ang pagbabanta ng B.M. na 'to.

📌

- MONDAY -

Lunes na lunes ay napuyat ako dahil sa kagagawa ko ng dance step para sa special project at pati na rin sa pag-me-memorize ko ng script. Ang dami kong gagawin.

Pagkapasok ko pa lang sa classroom ay napansin ko agad ang tinginan ng mga classmates ko especially the girls.

"OMG! Andyan na siya."

"Totoo kaya ang lumalabas na balita tungkol sa kanya?"

"Grabe, hindi ako makapaniwalang ganyan pala siya kalandi."

"At may gana pa talaga siyang pumasok."

"Argh! I hate her."

Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga bulungan nila. Ano ba ang pinagsasabi nila?

"Rafaela." tawag sa 'kin ni Lucas.

Agad naman akong lumapit sa kanya. Pero may napansin ako kay Lucas, parang may kakaiba sa tingin niya.

"May problema ba Lucas?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi ka ba nagbukas ng social media kanina?" aniya.

"H-hindi. Nagmamadali kasi ako dahil late na akong nagising. Ano bang meron?" tanong ko.

Kinuha niya ang phone niya.

"You have to see this." sabi niya at pinakita niya sa 'kin ang nakalagay sa screen.

O____O

What the-?


DCU Chikas shared a link

Celebrity Hooker "Rafaela Montebello", pinagsabay ang dalawang top actors na sina Jameson Faulkerson & Lance Jerold Kim. Sino kaya ang viral girl na 'to?
dyosanews.ph

69K Reactions • 100K Comments • 1.3K Shares


Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko.

"Kalat na kalat na sa social media ang balitang yan." - Lucas

Binuksan ko naman ang link.

O____O

Muntikan ko nang mabitawan ang phone nang makita ko ang picture ko do'n. Pati na rin ang dalawang picture na kapareho ng ipinadala sa 'kin noong sabado.

Sino ba ang nagkalat nito?

*tenenenenenenenen!*

Bigla namang tumunog ang phone ko. May nag-text.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now