#TFGKabanata48

1K 14 0
                                    

RAFAELA

"WOW!"

Namangha ako bigla dahil kasabay ng paglubog ng araw ay bigla namang nagsiputukan ang mga fireworks.

"Ang gandaaaaa!" manghang sabi ko. Parang nanonood lang ako ng fireworks display.

"I'm glad you like it." narinig kong sabi ni Lance kaya napatingin ako sa kanya.

O____O

Nakatingin din siya sa 'kin.

"B-bakit mo pala ginagawa 'to?" tanong ko sa kanya.

"I want to make you happy." nakangiting sagot niya.

*dug dug dug dug dug*

Bumilis ang tibok ng puso ko nang dahan-dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

Napalunok ako bigla at hindi ako maka-iwas. Nararamdaman ko na ang hininga niya.

Waaaa! Bakit hindi ako makaiwas?

Napapikit na lang ako.

Hanggang sa naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.

*dug dug dug dug dug*

Rinig na rinig ko ang tibok ng aking puso. Mas malakas pa yata ito kaysa sa mga sumasabog na fireworks sa kalangitan.

Ilang minuto ring tumagal ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Hanggang sa siya na mismo ang unang bumitaw.

"Let's go. Mag-swimming tayo." aniya at hinawakan niya ang isang kamay ko.

Hinila niya ako papuntang elevator at bumaba.

"Teka lang Lance, wala akong dalang damit at saka gabi na para lumangoy." sabi ko sa kanya.

"No worries, you have your new clothes in your closet. At saka mas magandang mag-swimming sa gabi." sabi niya.

New clothes? Para sa 'kin?

O baka naman kay Elisa. Asa ka pa Rafaela na binili niya 'yan para sa 'yo. Mas mabuti nang hindi na ako umasa pa. At saka wala lang sa kanya ang halik na 'yon kanina. Siya na mismong nagsabing mahal niya si Elisa. 'Yon ang paniniwalaan ko.

Nang makapagbihis na kami ay pumunta na kaming dalawa sa dagat. Broad shorts lang ang suot niya habang ako naman ay naka one-piece swimsuit.

"Be careful." sabi ni Lance habang inaalayan niya ako papunta sa dagat.

Nang maramdaman ko na ang tubig sa aking mga paa ay nakaramdam ako bigla ng lamig.

"A-ang ginaw." sabi ko kay Lance.

"It's okay. Mawawala din 'yan mamaya." tugon niya.

Nang maramdaman na ng buong katawan ko ang tubig ay mas nakaramdam ako lalo ng ginaw.

"A-ang g-ginaw L-lance." sabi ko sa kanya.

Pero nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Bigla niya akong niyakap at hinaplos ng dalawang kamay niya ang likod ko.

"You feel warm now?" - Lance

"M-medyo." naiilang kong sagot.

Hinayaan ko lang si Lance na yakapin ako habang lumalangoy kami dahil ang lamig talaga kapag humihiwalay siya sa 'kin.

Hanggang sa dinala niya ako sa may pinaka-ilalim na part ng dagat.

"Gusto mo bang tingnan ang ilalim ng dagat?" tanong niya sa 'kin.

"Ha? H-hindi na. Gabi na Lance. Baka malunod tayo."

"That's why inaya kitang mag-night swimming para makita mo ang ganda ng ilalim ng dagat sa gabi." - Lance

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now