#TFGKabanata86

1K 14 0
                                    

RAFAELA

"Kuya, may nakita po ba kayong lalaki kagaya nito?" tanong ko sa lalaki at ipinakita ko sa kanya ang litrato ni Lance.

"Wala miss eh." sagot ng lalaki na ikinalungkot ko.

"Gano'n ba? Pakitawagan na lang ang number sa ibaba kapag nakita mo siya." sabi ko sa lalaki.

"Sige miss." sagot niya.

Isang buwan ko na ring hinahanap si Lance pero wala pa rin akong ideya kung nasaan siya. Halos natanong ko nga ulit yung mga natanong ko dati.

Nakaramdam na rin ako ng sakit sa aking tiyan. Kailangan ko munang magpahinga.

"Rafaela? Anong ginagawa mo rito?" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

Si Daniel.

Napatingin ako sa gawi niya. Nakatingin ito sa akin na may pagtataka.

Hindi niya pwedeng malamang hinahanap ko si Lance.

"Ah kasi ano... Araaayyyy!"

Sasagot na sana ako ngunit nakaramdam ako ng sakit sa aking tiyan at sa may puson ko. Mas lumalala pa ang sakit.

"R-rafaela, anong nang..." Hindi natuloy ang pagsasalita ni Daniel at may gulat sa mukha niya habang nakatingin ito sa may binti ko. "M-may dugo Rafaela."

"Aaaaaahhh! Danieeellllll."

Napapikit ako dahil hindi ko na talaga matiis ang sakit.

Hanggang sa hindi ko na namalayan kung ano ang sunod na nangyari.

📌

Nagising ako at halos puro puti ang nakikita ko.

"N-nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili. Tila nanlalabo pa ang aking paningin.

"Gising ka na pala Rafaela." may nagsalita sa aking gilid.

Napatingin ako sa aking kaliwa at nakita ko si Daniel na mukhang nagising ko yata.

"N-nasaan ako Daniel?" tanong ko sa kanya.

"Nasa hospital ka." sagot niya.

"A-anong nangyari?" kinakabahang ani ko.

Pinaliwanag niya akin ang nangyari na ikinatigil ko.

Ang baby ko. Baka napano na siya.

"'Wag kang mag-alala Rafaela. Ligtas yung batang nasa tiyan mo. Buti na lang at nadala agad kita rito. Sabi ng doktor ay kailangan mong magpahinga dahil hindi maganda sa buntis ang sobrang pagod." paliwanag pa niya.

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Pero kung may mangyari mang masama sa aking baby ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Napatingin ako sa aking tiyan.

Sorry anak kung hindi ako nag-iingat at nasaktan kita. Nadamay ka pa tuloy dahil sa akin. Simula sa araw na ito ay aalagaan ko na ang sarili ko para sa 'yo.

At hinaplos ko ang tiyan ko.

📌

Tatlong linggo ang nakalipas ay mas naging maingat na ako sa aking sarili. Tinulungan ako ni Daniel sa paghahanap kay Lance. Nalaman niya ang katotohanan noong dinala niya ako sa hospital. Nakita niya yung flyers kung saan nandoon ang mga litrato ni Lance at may nakalagay doon na 'MISSING'. Wala akong magawa kundi umamin na rin. Pero sinabi ko sa kanyang 'wag niya itong sabihin kay Lucas at sa pamilya nito dahil baka masaktan sila. May tamang panahon para malaman nila ang totoo.

Ngayon araw na ang solo debut ko as a singer at ngayong araw na rin i-re-release ang single album ko.

"Five minutes left Rafaela." sabi sa 'kin ng isang staff.

The Fangirl [Published under Dreame]Where stories live. Discover now