30th Hate: Hug. Please?

404 17 9

          

Nagising si Ash ng namamanhid ang kanyang buong katawan. Wala sa kahit na anong parte ng kanyang katawan ang sumusunod sa kanyang gustong gawin. Hindi nya ito maramdaman.

Nakatulog syang muli.

Muling nagising si Ash. "Mr. Calleja? Naririnig nyo ho ba ako?" tanong ng isang babaeng nurse kay Ash. Hindi man sya nakasagot agad pero unti-unti ng bumabalik ang kanyang kamalayan.

"Tatawagin ko lang ho ang doktor Sir." Saka umalis at lumabas ang nurse.

Mabigat pa din ang pakiramdam ni Ash sa kanyang katawan pero inuunti unti nya ang kanyang pag galaw.

*

"Dok, kanina ko pa gusto sabihin to pero bakit hindi ko ho maigalaw ang mga binti ko? Para syang mabigat pero at the same time ay namamanhid kaya hindi ko maramdaman. May problema po ba Dok?" tanong ni Asher matapos syang check upin ng doktor.

"Mr. Calleja, wag kang mabibigla. We run down some tests and it seems like you have paralyzed both of your legs with the accident. Paralysis is caused by the damage that happened to your nervous system especially in your spinal cord, medyo naapektuhan kasi yun ng aksidente. It could have been temporary but right now, we don't see any possibility na maibabalik natin ang mga binti mo. I'm sorry Mr. Calleja." Paliwanag ng doktor.

Nagulat si Ash sa kanyang mga narinig. Hindi nya alam ang kanyang dapat itugon sa narinig nyang yon.

"Mr. Calleja, are you okay?" tanong muli sa kanya ng doktor.

"Yeah yeah. Okay lang po ako." Actually hindi , isip isip ni Ash. Sino ba naman kasing tao ang magiging okay matapos mong marinig na mababaldado ka na.

"Im sorry to deliver such saddening news Mr. Calleja. Gusto ko sana sabihing may possibility pang maibalik ang binti mo but right now, there is really none. I don't want to get your hopes to high with that." Dugtong pa ng doktor.

Bumuntong hininga si Ash. Isang malalim na buntong hininga. Para bang tumitigil hanggang sa kalahati lang ng katawan nya ang oxygen na kinukuha nya. Dahil ba patay na ang mga binti nya, hindi na din pumupunta dun ang oxygen? Isip isip nya.

"Dok...yung kasama ko pong dinala dito. Si Jessica Misteryo, kamusta naman po sya?" tanong ni Ash para kahit papaano ay maiba ang usapan.

"We had an operation on her. It was a hemorrhage on her head pero luckily ok naman sya. She also had some fractures on her hips but she's ok. She's under anesthesia and medication right now so I don't think gising pa sya o magigising anytime soon." Sagot ng doktor kay Ash.

Napatango si Ash. "Ok po. Salamat" At least she's ok. I am more than ok when she's ok.

"Dok, pwede bang iwanan nyo ho muna ako. Gusto ko lang muna mapag isa at makapag isip." Request ni Ash sa doktor.

"Ok Mr. Calleja. You can call me whenever you needed to." saka sya pinat sa balikat ng doktor at umalis na ito.

Kalma lang. Kalma lang. You are alive which means you are okay. Yung iba nga dyan, namamatay agad. Hindi na nagkaka chance sa buhay. O yung iba naman, nabubuhay nga, mas malala naman ang nangyayari pag nagigising sila. At least mga binti lang ang nawala sayo at hindi buong katawan mo ang na paralyzed, isip isip ni Ash.

You are alive and you are okay, para bang isang mantra ay paulit ulit nyang sinasabi sa kanyang sarili.

Hirap nyang inabot ang remote control ng tv sa bedside table. Binuksan ang tv at nilakasan ang volume.

Para bang isang automatikong makina, halos kasabay ng paglakas ng volume ng tv ang pag iyak ni Ash. Hindi nya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Kung mababaldado ako, hindi na ako makakapag karera. O kahit drive nga ng kotse hindi ko na magagawa.
Hindi na ako makakapunta sa mga gusto kong gawin ng mabilis at malaya.
Lalong hindi ko na mahahabol si Jessica pag umiiwas sya sakin.
Ano pang silbi ko? Wala na kong silbi.

Nagsidatingan ang mga negatibong ideya sa isip ni Asher ng sya ay tuluyang mapag isa. Takot, pangamba at matinding lungkot. Litong lito ang binata sa dapat nyang gawin o sa kung kanino sya dapat humingi ng tulong.

Wala syang nagawa kundi ang umiyak na lamang.
*
Halos tumigil ang puso ko sa gulat sa mga narinig ko.

"Anong..." hindi ko maipagpatuloy ang gusto kong sabihin. Fuck hindi na sya makakalakad? What the fuck? "Sorry Asher, kung hindi dahil sakin—"

"No Jessica hindi mo pwedeng gawin sakin to. Hindi mo kasalanan ang nangyari." hindi ko alam kung bakit may pagngiti pa syang nagagawa.

Pero alam kong masakit at mahirap tanggapin ang bagay na to. Gago hindi na sya makakalakad. Kung ako yan baka nagpakamatay na ako.

"Hindi. Kung hindi dahil sakin...kung hindi mo ako pinuntahan, hindi sana mangyayari to sayo" I feel guilty. I fucking feel guilty. Bakit ako ok lang? Bakit ako wala man lang kahit katiting ng naranasan nyang sugat at galos? Bakit kailangan nyang mabalda eh mas kailangan nya ang mga paa nya kesa sa walang kwenta at selfish na si ako. Bakit?

Nagbabadyang lumabas ang mga luha sa akin.

"Jessie pls. Hindi ikaw ang may kasalanan nito. Trust me, naitanong ko na rin kung bakit nangyayari aa akin to. Pero sa totoo lang, kung sayo to nangyari, mas hindi ko mapapatawad ang sarili ko. This is meant to happen to me. And I'm okay because you are okay. Sobrang importante nun sakin." tinatry nyang mag reach out sa akin. But I'm too guilty to touch him. Too guilty para maging deserving ng mga ngiti nya.

"Jessica pls? I can't do the initiative na mas lumapit pa sayo. Pwede bang rumequest ng hug? Miss na kasi kita ng sobra."  nag pupuppy eyes pa sya. Pero bakit parang napansin kong namamaga din ang mata nya?

"Asher, I don't deserve you. Hindi mo ba nakikita?" how can he still do these things? hindi ko maintindihan.

"Hug. Please?" hindi nya pinansin ang himutok ng punto ko.

With his situation, sino pa ba ako para tumanggi sa request nya. I stood and leaned to him. Doing the initiative na ihug sya kahit may kirot akong nararamdaman sa balakang ko.

"I miss you Ms. Misteryo. Don't ever think na kasalanan mo to." bulong nya habang hinahaplos ang buhok ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Natutulala nalang ako at napapaisip. Hindi ako kumbinsido. Bad things happen when I'm around and this is not an exception. Well done Jessica, you just ruined a life.

Kumawala ako sa pagkaka hug sa kanya.

"Hahanap tayo ng second opinion." madiin kong suhestyon.

**
Hello Man Haters!
Update agad! To make it up for all the delayed updates in the past. I hope more than I promise na maupdate ko na palagi ang story na ito. And I'm planning to release another story so yun, tututukan ko na ito. Hopefully magawa ko talaga.

Dami ko kasi plano para maayos ng muli ang account ko.

Anyway, short update at pagpapatuloy lang sa last chapter. Medj nakakalungkot ang chapter na ito. But I hope you are happy with the update.

Maraming Salamat sa pagbabasa.

Till our next update.

MsRedMonster,

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!