9th hate: Why did you broke up?

2K 68 1

Dalawang linggo lang ang panahon namin para magconduct ng researches and interviews. Gamit ang ideya at impormasyon na meron si Asher, feeling nilang lahat sa opisina ay sigurado na ang magiging tagumpay namin.

Pero hindi yon ganun kadali.

Lalo na ngayon.

"1 week? Kailangan mo ng 1 week para lang sa interview na to? Hindi ba't parang masyado naman atang mahaba yun?" inilapag ko sa table ni Asher ang schedule na ginawa nya para magawa namin ang interview dun sa longest couple alive na sinasabi nya in the Philippines.

Bumuntong hininga sya saka marahan na ngumiti. "Jessie, 4 days ang travel time natin balikan. What do you expect? Pagdating natin dun, interview agad ng wala man lang kahit na anong pakikisama? Hindi ganun ang mga tao dun Jessie. And besides, mas magandang magtagal din tayo dun para malaman din natin ang buhay nila at mas maging malaman ang articles na gagawin natin." Pagpapaliwanag nya.

"Alam mo, pwede namang email nalang ah. Send your interview questions sa kanila para hindi na natin kailangan pang magsayang ng oras natin." I just had the thought. Bakit nga ba hindi nalang email. Nasa modernong mundo naman na tayo kaya kailangang makisabay.

Muli syang bumuntong hininga. "Alam mo namang hindi posible yan. Again, para mas maganda ang mga articles natin. Pack your things for a week okay?" nakangiti nya muling sagot. Kakainis!

Eh kasi naman. Wala pa akong sources para dun sa inputs ko. Yung negative side ng life.

"Hoy Aden!" napatingala naman si Aden mula sa computer nya. "Maghiwalay na nga kayo ng asawa mo para may divorce couple na ako."

"Oy wag naman." Mabilis nyang sagot. "Kakakasal ko lang no. Ah! Tsaka, may house warming pala sa bahay mamayang gabi. Punta kayo ah." Yaya nya sa aming lahat.

"Yay ang saya!" mabilis na pagrereact naman ni Mikaela.

"Hoy Mikaela, magtrabaho ka." Warning ko sa kanya. "Busy ako Aden." Tanggi ko naman sa offer ni Aden.

"Sus! Busy-busyhan kamo. At tsaka Ms. Tapia, may leads na kaya ako. Ikaw ba meron na?" pang aasar ni Mikaela sa akin. Ang babaeng to! Nakikisabay pa!

"Shut up!" sagot ko sa kanya na hindi maiwasang mabitter dahil wala pa talaga akong leads.

"It will be fun. Sama na tayong lahat." Nakangiti namang komento ni Bernadette na matindi ang pagkakapako ng mga mata sa monitor ng kanyang computer.

"Ayoko." Matigas kong tanggi.

*

Napabuntong hininga ako ng tumigil na ang kotseng aming sinasakyan. Sinabi ko na nga kasing ayaw ko sumama. Mapilit pa tong mga to. Tinago pa ni Mikaela ang cellphone ko at ayaw ibigay unless sumama ako sa pesteng housewarming na to. Wala naman akong magawa dahil pinagtulungan na nila ako.

Tsk. Ang dami ko pa ngang gagawin sabi eh.

"Cute~ White house!" napatingala ako sa bahay na tinigilan namin ng magkomento si Mikaela.

Kahit gabi na at madilim, kitang kita parin ang simpleng white bungalow house na bahay ni Aden at ng kanyang asawa. Bago ito ay ang isang mababang red wooden gate at maliit na garden na pumapalibot sa bahay na may kung ano anong uri ng makukulay na bulaklak.

Typical na bahay na gusto ng mga kababaihan, katulad nalang ni Mikaela.

"Si Linda ang mas nagdisenyo nyan kaya ganyan." Sagot ni Aden kay Mikaela habang pababa kami ng sasakyan.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!