14th Hate: Cinematic

1.8K 62 4

Napagdesisyunan ko munang umalis mula sa ospital na yon. Masyadong nakakastress at mabigat ang lugar. Hindi bagay sa akin.

Sa totoo lang, hindi ko din alam kung saan ako papunta. Mahirap din kasing bumalik dun sa isla dahil una, wala akong alam na masasakyan pabalik. At pangalawa, ayoko munang mang istorbo ng mga taong todo ang pag eemote ngayon.

Mahaba at blanko ang aking naging paglalakad. Lakad lang ako ng lakad ng hindi ko naman alam kung saan ako papunta. Ang alam ko lang,marami akong nadaanan na mga tindahan ng souvenirs, street food, pabalik balik na paglalakad ng mga tao, at kalembang ng bell ng mamang sorbetero.

Pero napalingon ako ng makarinig ako ng mga sigaw. Parang may nag aaway. Nawala ako sa blanko kong pag iisip at napalingon sa direksyon ng ingay. Katulad ng typical na squatters area, hindi kalayuan ay katabi ng palengke ay ang buhol buhol na barong barong ng squatters. Mula doon ay natanaw ko kung paanong sinasabunutan at binubugbog ng isang mataba at maitim na lalaki ang isang payatot at duguang babae.

Lumapit ako. Marami man kasi akong hinawing taong nanonood, wala naman tumutulong para awatin ang matabang maitim na lalaking nakahubad pa ang panitaas sa pambubugbog nya sa isang payat at maliit na babae.

Kawawa naman. Siga kasi yan. Ayokong umawat, nakakatakot eh. Mga stupidong komentong rinig ko.

Kaya naman nung konti nalang ay mamatay na yung babae sa mga pasa at itim ng kanyang mukha, at nung saglit ay mabitawan sya nung matabang baboy sa pananapak, agad kong binato yung malaking bato na nakuha ko kani kanina lang nung nabwiset ako sa kaitiman ng batok ng matabang baboy na to. Swerte pa nga sya dun dahil lagpas lang ang laki nun sa kamao ko. Pasalamat sya.

Mabilis at gulat na gulat ang mga tao ng batuhin ko yung matabang baboy. Agad syang tumumba sa kalsada at mabilis ko ding nakita ang pagtagas ng dugo sa mataba nya ring ulo.

Ang pinaka kinagulat ko sa lahat ay yung naging reaksyon nung babaeng binubugbog nya. Saglit lang syang nagulat tapos sumama na yung tingin sa akin at tinulungan na yung nambugbog sa kanya.

Aba nga naman!

Natulala pa ako saglit sa mga pangyayari at para bang isang mabilis na kidlat, nakatayo agad yung matabang baboy at tinulak ako mula sa aking pagkakatayo.

Patalikod akong natumba at agad kong naramdaman ang aking bigat sa aking mga siko. Shet. Hindi ako prepared sa panunulak nyang yon.

Bago pa man ako makarecover, Nagulat na akong bigla bigla nalang ay nasa harapan ko na naman yung matabang baboy. Ang pang aamba lang ng kamao nya ang nasilayan ko dahil ang sumunod ay nahilo na ako ng makaramdam ako ng pananapak sa kaliwang bahagi ng mukha ko.

Shet.

*

Isang bag ng yelo ang nakatapal ngayon sa kaliwa kong mukha. Namamaga, Feeling ko ay magkakapasa at higit sa lahat, mukhang tanga lang ako dahil kailangan kong babaran ng bag na may yelo ang mukha ko, kung hindi, lalong lalala.

Dinala kami ng mga tao sa barangay ng bayan nila. At eto pang baboy na to ang may gana na mag ingay at magsasampa kuno daw sya ng kaso sa akin, dahil daw sa pambabato ko.

"SINO BA YANG BABAE NA YAN? MAY PAMPAGAMOT KA BA SAKIN? HA?" dinuro duro pa nya ako habang pinipigil sya ng mga tanod na nandun. "GAGO KA HA! SINO KA BA?!"

"HOY!" dinuro ko din sya. "KAYA KONG BILHIN KAHIT BUHAY MO OY! EH AKO, KAYA MO BA AKONG BILHIN? BAKA KAHIT BRAND NG PANTY KO, HINDI MO AFFORD!!" sakit ng lalamunan ko kakasigaw sa kanya.

"ABA'T GAGO TAL—" gusto nya pa ako ulit sugurin pero pinigilan ulit sya ng mga tanod at pilit lang pinapaupo dun sa upuan nya.

Gago to, walang sinasanto kahit babae. Walang hiya!

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!