3rd Hate: Out of Control.

2.2K 85 6

Mabibigat ang yabag ng aking paa habang naglalakad papunta sa opisina ni CEO Anthony Silva. Yung galit na nararamdaman ko sa araw na to, may itataas pa pala.

This is just f*cking great.

Ano bang akala nila sa kumpanyang to, playground?

Mga lecheng taong walang mga utak! Kainis!

Ibinuhos ko ang lahat ng lakas ng aking katawan para buksan ang mabigat na mahogany crafted nyang pinto. Ang nag iisang kahoy na pinto dito sa opisina dahil lahat ay glass na. Sa kanya lang ang katangi tanging kahoy.

Mabilis na napaangat ang kanyang ulo sa pagpasok ko at halatang gulat na gulat sa kakaibang paraan ng aking pagpasok.

"Jessica? What are you doing?" pagtatakang tanong ni CEO.

"Sino yung Beatrice na nasa opisina ko ngayon?" tanong ko sa kanya ng may nakataas na isang kilay. Wala akong panahon magrespetuhan portion sa kanya.

"Oh, so she came. My niece, si Beatrice, your consultant." cool na ngiti lang nyang sagot. Para bang walang niraranas na problema ang kanyang kumpanya.

"Hindi ko kailangan ng Britanyang consultant Anthony. And besides, I told you that I can handle this. Kaya ka ba nagpapasok ng consultant ay dahil kamag anak mo yan?" walang prenong pananalita kong tanong sa kanya.

"Watch your words Jessica." offended nyang tugon pero hindi naman sya mapagtanim ng galit so di masyadong seryoso. "She is very qualified to be a consultant. And I thought naipaliwanag ko na sayo last time ang dahilan kung bakit gusto kong magka consultant ka. Exactly because of this." turo pa nya sa akin at patungkol nya sa pananalita ko. "At isa pa, buti nga at nandyan na sya cause I already called the press to have an interview with you in an hour. We can't hide from the press as if this isn't a big thing." pag iinform pa din nya.

"Fine. I'll do the interview pero babalikan natin yang Britanya mong pamangkin. Hindi pa tayo tapos mag usap." agad na akong tumalikod at lumabas ulit ng kanyang kwarto bago pa man sya makapagsalita ng kung ano pa. Importante para sa akin ang interview, pagkakataon ko kasi yun para mapakinggan at makapagpaliwanag sa kung ano ba ang nangyari sa kumpanya.

Mamaya na ang Briton na yon, interview muna. Mas importante to.

Kinuha ko ang aking cellphone at mabilis na dinial ang numero ni Bernadette.

"Yes, Jess." agad nyang sagot matapos ang dalawang ring ng telepono.

"Ihanda mo ang Hall D. May interview tayo with the press in an hour." pagbibilin ko sa kanya habang papalakad ako pabalik sa aking opisina.

"Oh sure sige. Nga pala, nasabi sa akin ni Belinda na may pumasok daw na lalaki at babae jan sa opisina mo. Dumating na yung consultant na sinasabi ni CEO?" napasiring ako sa tanong na iyon ni Bernadette.

"Wag mo na munang intindihin yun. Wala yon kwenta. Basta yung pinapahanda ko sayo, asikasuhin mo na. Bilisan mo." sagot ko sa kanya. Naaalala ko na naman yung Briton na yun at ang sinungaling na si Ash. Umiinit na naman ang dugo ko.

"Okay sige." agad na nyang sagot saka ko na pinatay ang aking telepono.

Tingnan nating ngayon. Ipapakita ko kay CEO na hindi ko kailangan yung Briton nyang pamangkin para ihandle ang media o pati na ang kanyang kumpanya.

*

Napuno ang hall ng mga staff mula sa media. Iba't ibang tauhan ng tatlo sa pinakamamalaking tv networks sa Pilipinas. Mayroon ding maliliit pa at meron ding taga magazine na gusto ring kuhanan ang interview at maisulat din bilang kanilang balita.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!