11th hate: Familiar Guy

2.2K 78 9


"Okay ka lang ba?" tila ba nag aalala nyang tanong sa akin.

"Paano ka nakapasok sa kwarto ko?" nagtataka kong tanong sa kanya.

Umupo sya sa kama saka napabuntong hininga. Nakapinta parin sa mukha nya ang nag aalalang ekspresyon, o pag-aalala nga ba o baka naman arte lang yon. "Nanghiram ako ng card key sa admin nung nag brownout. Di ba may trauma ka sa dilim?"

Naaalala nya pa pala yon. Sa bagay, ilang tao nga ba naman kasi sa Pilipinas ang may sakit ng katulad sakin. Unique lang kaya nya naalala. "Oo. Pero lalabas naman ako kung hindi ko kaya. Hindi mo na kailangan pang manghiram ng key card at pumasok dito ng walang paalam." Mataray kong sagot sa kanya.

Parang nagulat pa sya sa sagot ko. Ilang segundo din kasi syang hindi naman agad nakasagot. "Akala ko kasi hinimatay ka na dito. Nag alala lang ako." Bigla syang tumayo. Inilapag ang flashlight sa side table saka tuloy tuloy na lumabas ulit ng kwarto ko.

Anong nangyari dun? Weirdo.

Ilang minuto lang naman ang nakalipas matapos syang lumabas ay bumalik na ulit ang ilaw.

*

Kalahating araw pa ay nakarating na rin kami sa Palawan. Si Asher kupal, ayun, parang isang babaeng meron na namang period at hindi namamansin. Since nung gabi ng panghihimasok nya sa kwarto ko pa yan nag iinarte. Arte arte.

"San na tayo---" magtatanong palang ako kay Asher kung saan na kami papunta matapos makababa ng barko pero nauna na sya agad maglakad sa akin. Tuloy tuloy at hindi ako nilingon. Arte.

Napakunot noo ako ng makita kong isang matandang lalaki na ang kinakausap at kinakamayan ni Asher. Agad akong nagmadali sa paghila ng aking maleta para malaman kung ano ang pinaguusapan nila.

Ng makita ako ni Asher, agad naman na syang nagsalita.

"Mang Tonyo, ito po si Jessica. Jessica, si Mang Tonyo." Nakangiti nyang pagpapakilala. Kaso si Mang Tonyo lang ang nginingitian at hindi ako kasama.

"Magandang hapon Iha." Bati sa akin ni Mang Tonyo.

"Magandang hapon din sa inyo." Sagot ko.

"Sigurado akong napagod kayo sa byahe nyo, tara na, hinihintay na kayo ni Sir Jack." Anyaya ni Mang Tonyo.

Sumunod lang ako sa paglalakad. In a flash of light, bigla bigla lang, hinawakan ko sa braso si Asher ng may biglang pumasok sa isip ko.

"Jack is...di ba may kaibigan ka dating Jack ang pangalan?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Yung kaibigan ko sa college. Hindi ko ba nasabi sayo? Lolo't Lola nya ang oldest living couple in the Philippines." Natural na sagot lang nya saka muling nagpatuloy sa paglalakad at pagsunod kay Mang Tonyo.

Ay walanghiya! Kaya naman pala ang bilis ng info ng mokong to. At ang bilis ng arrangements, kakilala pala nya kung sino yun.

Pero teka, sino nga ba si Jack sa mga kaibigan nya?

Sino nga ba ulit sa mga manloloko ding yon si Jack?

*

Woah! Nasa Pilipinas pa ba ako o nasa ibang bansa na? Napakaganda ng lugar na to na kahit na sino ay talaga namang nakakamangha.

Wala akong malaking pagnanasa na makapagtravel at madiscover ang ganda ng mundo. Pero ngayong nakatingin ako sa ganito kagandang lugar, parang nagdadalawang isip ako sa pag iisip na ganun.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!