4th Hate: Beast Mode

2K 92 2

Napabagsak ang mga balikat ni CEO Anthony ng makita nya ang mga salitang nakasulat sa piraso ng papel na dala dala ko.

Resignation Letter

Hindi na baleng mawalan ako ng trabaho kesa naman makasama si Asher at yung syota nyang Briton na mukha namang walang maitutulong sa akin at magiging pasanin ko pa.

"Jessica, ano na naman ba to?" kunot noo nyang tanong sa akin na para bang isa akong tupakin na tao at isa lang to sa magiging tantrums ko. Pwes, hindi to isa sa mga ganun.

"As obvious as it is, its a resignation letter. Ayoko ng mag--"

"You know I can't let you resign. Kailangan ka ng kumpanyang ito." mabilis nya pang sagot kesa sa aking inaasahan.

Napangisi ako sa pananalita nyang yon. "Ako? Kailangan mo?" turo ko pa sa aking sarili. "I don't think so. I think kaya ng ihandle ng pamangkin mo ang problema ngayon ng kumpanya." patungkol ko sa Briton na yon. Bwiset.

Napabuntong hininga sya. "Is it Beatrice or is it Ash?"

"Huh?" hindi ko naman maintindihang tanong nya sa akin.

"Nabanggit na sa akin ni Bernadette kanina na naging boyfriend mo si Ash. Kaya ka ba nagiging impulsive ngayon dahil sa kanya?" What the fuck. Napataas talaga ang kilay ko ng tanungin nya yon. Sino? Si Asher? As if naman deserve nya.

"Hindi ko alam kung ano ang nabanggit sayo ni Bernadette but let me just get myself clear here Anthony, yes, minsang naging kami ni Asher, pero mabilis pa yun sa isang linggong pag ibig. And its been ages, hindi ko na nga maalalang naging kami kung hindi mo pa pinaalala. I'm a pro, I don't handle stupid amateurs like them." so what. Magreresign na rin naman ako kaya okay lang sa akin mag all out sa pananalita. Besides, wala naman akong dapat katakutan.

Ilang segundo muna nya akong tiningnan bago mahinang napailing. Ipinatong nya ang kanyang kamay sa aking resignation letter na tila ba kukunin na nya ang papel pero, para bang nag isip pa ng ilang segundo, kinuha nya iyon at iniabot sa akin.

"Umuwi ka muna Jessica. Bukas nalang natin to pag usapan. Masyado ng maraming nangyari sa araw na to. For now, hindi ko muna matatanggap ang resignation letter mo." kalmado nyang pananalita sa akin.

"Wala ka namang magagawa kung ayaw ko ng magtrabaho dito Anthony." sagot ko sa kanya matapos ang pagsulyap ko sa resignation letter na inaabot nya.

"See me tomorrow then. Pag usapan natin ulit ito." inilapit pa nya lalo ang papel.

Kinuha ko na lamang ito matapos ang saglit din na pag iisip. Gusto nya akong kausapin pa bukas, ibig sabihin, mag iisip pa muna din sya.

Kinuha ko na ang aking resignation letter. Hindi ko man kailangan ang trabahong ito para magkapera, kailangan ko naman ito para magkaron ako ng purpose at ginagawa. Masasabi kong sa ganito kasi talaga tumatakbo ang aking buhay.

"Sige. Babalik ako dito bukas. Pero sana lang pag isipan mong mabuti ang sitwasyon ng kumpanya." sagot ko sa kanya. Tumango naman lang sya sa akin saka ako tumalikod at lumabas na ng kanyang opisina.

Naging napakahaba ng araw na to.

Bukas, its either matutuloy ang resignation ko o paalisin ni Anthony si Asher at yung Briton. Take it or leave it.

*

"Sorry na kasi~" pag uulit na pananalita ni Bernadette habang kausap ko sya ngayon sa telepono.

Tinawagan nya ako ng malaman nyang umuwi na ako galing sa opisina. Nanghihingi sya ng tawad dahil daw nasabi nya kay Anthony yung tungkol sa amin ni Asher dati. Wala naman daw syang choice. Confirmation lang naman daw yung ginawa nya dahil nung ipatawag naman daw sya ni Anthony sa opisina nito, nalaman na nya ang impormasyon mula kay Asher. Aba, parang proud pa sya na naging kami ha. Wala man lang kahihiyan!

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!