20th Hate: The Ultimate Guy

1.9K 65 23

Naalimpungatan ako sa aking pagtulog ng maramdaman kong tila ba ang bigat ng aking katawan. Sa pagmulat ko ng aking mata ay sinalubong ako ng mainit na sikat ng araw. Sa sofa na pala ako nakatulog kagabi. Hindi na nakapagpalit pa ng damit matapos mabasa ng ulan at derecho lang na humilata at natulog sa sofa.

Napaubo ako ng bigla akong umupo mula sa aking pagkakahiga. Naramdaman ko rin na para bang mas mainit ang aking katawan. Sige lang, katangahan ko ba naman na matulog agad matapos magpaulan. Mas madalas na akong nagiging tanga kahit sa maliliit na bagay. Hindi magandang senyales ang ganito. Tsk tsk. Talaga naman.

Tapos, bigla kong naalala yugn nangyari kagabi.

Nakaramdam ako ng relief. Relief na kahit papaano ay nailabas ko na ang mabigat kong dala-dalahin na iyon patungkol kay Asher.

Pero tangina, tangina talaga, nakakahiya. Hiyang hiya ako sa sarili ko na alam kong iniyakan ko na naman sya. Na kahit ilang taon na ang nakalipas, ang lakas parin ng naging epekto nya sa akin.

Kung may doktor lang na pwedeng puntahan kung saan pwede akong magpabura ng mga ala alang ayoko ng maalala, pipiliin ko ang lahat ng ala ala ko kay Asher.

Nakakasira kasi ng moral. Nakakasira ng pagkatao. Nakakatanga. Nakakabwiset. Parang ang sarap patayin ng sarili ko sa sobrang katangahan ko. Sobrang tanga tanga talaga.

Pero wala na akong magagawa pa dun. Naging tanga at nagpakatanga na ako sa kanya.

Naging tanga na nga, mukhang nagkasakit pa.

Hirap man, pinilit ko parin ang sarili kong pumunta ng banyo at maligo sa ilalim ng maligamgam na tubig. Naka heater man ako, malamig parin ang ramdam ko sa tubig na patuloy na dumadaloy sa aking katawan.

Sinubukan ko ding kumain pero wala talaga akong gana. Kung hindi ako nasusuka sa amoy ng peanut butter, nahihilo naman ako sa amoy ng tsokolate. Kumuha nalang ako ng isang saging. Yun nalang ang kinain ko habang naglalakad palabas ng bahay.

Habang nagmamaneho ako, hindi ko mapigilang kabahan. Anong irereact ko kung sakaling nandun na naman si Asher at isnabin lang nya ako na parang walang nangyari? Paano naman kung nandun nga sya tapos ibring up na naman nya yung nangyari kagabi? Paano kung nandun sya, as in? Yung presence palang nya, nakakaintimidate na ng sobra. Kakainis.

Marahan ko pang pinihit ang pinto ng opisina namin. Para ba akong isang natatakot na empleyado na ayaw makita ang kanyang amo.

Pagpasok na pagpasok ko ng opisina, isang malakas na sampal ang agad agad na lumanding sa kaliwa kong pisngi. Sobra akong nagulat sa impact na iyon. Hindi ako handa. Sobrang hindi ko inaasahan. Agaran din ang biglang pagiging manhid ng pisngi ko.

Isang gulat na ekspresyon ang lumabas sa akin ng tingnan ko kung sino ang taong bigla bigla nalang sumampal sa akin. Gulat man din akong nandito na sya, siguro nga ay inaasahan ko na ang reaksyon nyang yon.

"You bitch! I know everything!" galit na galit na sigaw sa akin ni Beatrice, ang girlfriend ni Asher. Namumula sa galit ang buo nyang mukha, nawala ang pagiging mestiza nya sa sobrang galit sa akin.

Ng iaattempt na nyang sampalin akong muli, pumigil na bigla ang kamay ni Mikaela.

"Hoy Labanos, nakaisa ka na ha. Pinayagan na kita sa isa, abuso ka na kung gusto mo pa ng pangalawa." Nakataas kilay na sabi nya kay Beatrice habang mahigpit ang hawak nya sa wrist nito.

"Well this is MY office anyway. And I want this bitch! out of MY office. I know everything by the way if you are so curious as to why you had a big smack of my fist landed on your face. The first time I saw you, I know very well that you are such a bitch. You really did stole my boyfriend from me." Galit na galit nyang panduduro sa akin. Kulang nalang ay kainin nya ako sa sobrang inis nya sa akin.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!