22nd Hate: Coffee Break

1.4K 51 15

Kakauwi ko lang mula sa ospital. Maalikabok man ang aking basurang mansyon, mas gugustuhin ko namang suminghot ng alikabok kesa amoy ng alcohol at betadine na mas kinahihilo ko pa kesa dito.

Kailangan ko ng magtawag ng maglilinis dito. Lagi ko kasing nakakalimutan o madalas naman ay tinatamad akong tumawag ng taga-linis.

Kakaupo ko palang sa aking sofa at kakapikit palang ng aking mata ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sino namang walanghiya na naman ba kaya to>

Ugh, Si Silva. Ang CEO ng kumpanya na si Anthony Silva. Kung iisipin, medyo huli na ang pagtawag nya sa akin ha. Ngayon lang ba nakarating sa kanya ang tantrums nung pamangkin nyang si Beatrice?

"Oh, bakit?" sagot ko sa aking cellphone.

"Akala ko ba sabi nila Berns at Mika may sakit ka daw? Sa tono mo, mukhang okay ka naman." Pambungad nyang pananalita.

Napasiring ako sa sinabi nya kahit hindi nya ako nakikita. "Oh bakit nga?" tanong kong muli.

"Gusto ko kasing magkita tayo para sa isang meeting para sa event natin this Friday. Okay ba sayo?" tanong nya. Aba, akala ko personal tungkol sa pamangkin nya. About sa trabaho naman pala.

"Sige, saan ba yan?" pagsang ayon ko.

"Sige, text ko sayo yung lugar." Saka nya pinutol ang aming tawag.

*

Sa Seattle's Best Café ako gustong imeet ni Anthony. Buti nalang at hindi dun sa mas mga mainstream na cafés tulad ng starbucks at CBTL. Para nalang kasi silang MCDO at Jollibee ngayon sa dami ng taong laging pumupunta dun.

Kakaupo ko palang matapos ang aking pag order ng makita kong pumasok na ng café si Anthony. Pusturang pustura. Naka coat and tie pa na parang may international conference na pupuntahan.

"Kamusta? Naka order ka na?" tanong nya agad sa akin ng lumapit sya sa pwesto ko.

"Oo. Sige umorder ka na muna ng sayo." Pumunta na sya muna sa counter saka dun namili ng oorderin nya.

"Anong agenda natin ngayon? Anong meron about sa event?" tanong ko agad sa kanya ng makabalik na sya at umupo sa tapat ko.

"Gusto ko lang iconfirm kung okay na ba ang preparations natin para sa event. Alam mo nama, comeback ito ng kumpanya matapos ang iskandalong nasangkutan natin." Sagot nya.

"Don't wory. Everythings good. Constantly namang nagrereport sa akin si Bernadette about the preparations. Aden have been hands on as well. Ganun din naman si Mikaela. So, don't worry. It will go as planned." Pagbibigay ko ng assurance sa kanya in a business like tone.

"Good. Indeed, that's my editor-in-chief." Nakangisi nyang turing. "Nga pala, inform na din kita na may mga inaasahan akong mga special guests from an international magazine. Hindi ko pa alam kung ilan sila pero makakarating sila sa event. Just be ready for special guests."

Napatango ako sa impormasyon na sinabi nya. Kung may mga ganung opportunity, mas okay yon. Baka matulungan pa kami ng mga kakilala nya na mas mapadali ang pagbangon namin. "Sige, inform ko na din sila about dyan." Sagot ko sa kanya.

"Good. Now, let's go personal." Napakunot noo ako agad saka napangisi na magets ko in half a split second ang ibig nyang sabihin dun. "Ano bang nangyari sa inyo ni Beatrice na kulang nalang ay magpakamatay yung isa sa harapan ko para lang tanggalin kita sa trabaho mo?" tanong nya in a curious tone. Yung parang walang halong pagkabias pero parang gusto nya lang malaman kung ano ang nangyari.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!