15th Hate: First Loves are hard to forget.

1.8K 80 14

"Sino kayo?" isang lalaking naka tokong na itim at orange na t-shirt na parang pang masasaka ang lumabas ng kubo ng magtawag kami ni Asher. Sa likod nya rin ay ang hanggang balikat nya na babaeng mukhang nasa edad 50s na nakadaster ang kasama nya.

"Ako po si Ash. Sya po si Jessica. Nasiraan po kasi kami ng sasakyan ilang kilometro ang layo mula dito. Ang bahay nyo po ang una naming nakita. Pwede bang makituloy kami kahit ngayong gabi lang?" pagpapaliwanag ni Asher.

Tiningnan kami nung lalaki mula ulo hanggang paa.

"Magkaano ano ba kayo?" matatalim na tingin nyang tanong.

"Ah..." nag aalangan munang lumingon sa akin si Asher. Yung tanong kasi nung lalaki parang may laman. Parang pag nagkamali kami ng isasagot ay hindi nya kami patutuluyin. "Mag asawa po kami." Agad ko syang hinampas sa braso nya.

"Hindi ata." Tugon nung lalaki ng mapakunot noo sya sa panghahampas ko.

"Hindi po, mag asawa talaga kami." Mabilis nyang depensa. "Diba Jessie?" pilit ngiting tanong nya sa akin sabay akbay.

Makisakay ka nalang Jessica. Mukha namang hindi talaga kami papasukin ng mag asawang ito kung isang simpleng babae at lalaki lang kami ni Asher. Alam mo na, baka iniisip ng dalawang to na gagawin lang naming motel itong kubo nila.

"Mag asawa talaga kami." Suportang sagot ko nalang. "May lamok kasi sa braso nya kaya ko sya nahampas. Ayan meron na naman oh." Sabay hampas kong muli sa braso ni Asher.

Tumingin muna yung lalaki dun sa babae. Sa isang tango ng babae at konting eye contact nilang dalawa. Tumango yung babae at pinatuloy na rin kami nung lalaki.

*

"Mukha kang magsasaka." Nakangisi kong sabi kay Asher ng manghiram sya ng damit kay Roel, pangalan nung lalaki na tumulong sa amin.

"Ikaw naman parang nanay na. Bagay sayo." Nakangisi nya ring sagot. Napatingin tuloy ako sa daster naman na pinahiram sa akin ni Linda, pangalan naman nung babae.

"Psh" siring ko sa kanya.

Maliit lang ang kubo. Sa totoo lang, malaki laki na nga ito para sa isang kubo. Dalawa ang kwarto na meron sa loob. Isang kusina, na puro pawid ang dingding, maliit na mesa para sa hapag-kainan at maliit na banyo sa gilid.

Walang ibang taong nakatira sa kubo na ito kundi ang mag asawa lang. Nagkaron sila ng anak pero namatay din nung kabataan nito dahil nagkasakit daw. Itong tinutuluyan namin ngayon ni Asher ang kwarto nung anak nila. Ang creepy lang pero keri na yan kesa lamukin sa labas.

Walang foam itong matigas at malapad nilang katre, yun yung kahoy na ginawang kama, parang sahig lang na ginawang kama. At least naman daw ay may unan, kumot at kulambo para makatulog.

"Eto, ang boundary natin." Inilagay ko ang unan sa pagitan namin ni Asher dahil pareho kaming matutulog sa iisang katre. "Subukan mong lumagpas dito, papatayin kita." Warning ko sa kanya.

"Eh paano kapag ikaw ang lumagpas?" nakangisi nyang tanong.

"Hindi mangyayari yon!" bulyaw ko. "Matulog na nga tayo." Agad na akong humiga para makapagpahinga. Nakakapagod ng sobra ang araw na ito.

Natawa lang naman ang loko sa pambubulyaw ko.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog pero nawala nalang ako bigla sa aking ulirat. Sa gitna ng malamig na gabi, bigla akong nagising. Maayos kong inadjust ang katawan ko mula sa matigas na katre. Ang tigas kasi talaga nito kaya randam ko ang sakit sa likod ko.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!