16th Hate: Project Preparations

1.7K 57 10

"Nakita ko na yung article na ginawa mo. Ilalagay ko na rin sa column layout natin." Pananalita ni Bernadette habang kausap ko sya sa cellphone.

"Idouble check mo muna yung article. Just in case, may nakaligtaan ako. Kung ano pa man, bukas naman nandyan na ako." Sagot ko sa kanya.

"Okay sige. Ah sya nga pala, yung event venue natin, ikaw nalang ang dumaan pag dating mo ha. Masyadong demanding yung venue manager, may mga bagong demands. Nainis na din ako makipag usap."

"Okay sige. Ako ng bahala. Bukas nalang tayo ulit mag usap." Tugon ko saka ko na tuluyang pinatay ang aking telepono.

Pabalik na ako mula Palawan. This time, hindi na kami sabay sa paguwi sa Maynila ni Asher dahil bwiset pa din ako sa kanya.

Isang araw palang ang nakakalipas simula ng gawin nya ang nakakalecheng panghahalik na yon sa akin. Ng makabalik kami agad sa isla ng Lolo't Lola ng kaibigan nya, agad na akong nagmadali ng interview kay Angela. Sige na, kahit ano nalang na mahihita ko sa matandang yon, dahil hanggang ngayon ay nasa coma parin ang asawa nya.

Kinausap ko naman si Asher. Sinabi ko sa kanya na mauuna na ako bumalik dahil kailangan agad ako sa opisina. Mabuti naman at um-oo lang sya. Yun lang ang naging pag uusap namin. Punyeta sya.

Muli kong inuntog ang ulo ko sa gilid na dingding ng eroplano habang nakaupo ako malapit sa bintanang upuan. Ang dami ko ng bukol dahil sa kakauntog ko sa ulo ko. Tuwing naiisip ko kasi ang hindi ko pagpigil sa kanya na mahalikan ako, ay punyeta, gusto ko nang kumuha ng kutsilyo at isaksak yon sa sarili ko sa sobrang kahihiyan.

LECHE! ANG TANGA KO TALAGA! LECHE TALAGA! SOBRANG KAHIHIYAN! ARGH!

Ouch! Umuntog ulit yung ulo ko.

"Ma'am, may kailangan po ba kayo?" napatingala ako ng biglang magtanong yung flight attendant sa akin.

"Ha? Ah wala wala." Napalingon din ako dun sa katabi kong matandang babae. Kung makatingin sa akin, parang mukha na akong nababaliw dito.

Tumango yung flight attendant saka umalis na din.

Kainis! Bakit ba kasi iniisip ko pa yung bwiset na lalaking yon. Erase, Erase! Hindi nya deserve, wag mo syang isipin Jessica.

*

Ilang oras lang ay nakalapag na rin ang eroplano ko sa Maynila. Dahil hating gabi na, dumireto nalang ako pauwi sa bahay. As usual, ang malaking bahay na ito ay nagiging haunted house kapag may ilang araw na walang taong tumira. Para syang vaccum ng alikabok sa dami ng naiipon na dumi sa bahay.

Mabuti nalang at iniwan ko si Maya kay Mikaela para may mag alaga naman. Ang tanong lang, ay kung okay pa kaya yung aso ko sa kanya. Bukas ko nalang din kukunin.

Kinaumagahan, 7am na ng makarating ako ng opisina at umpisahang basahin ang lahat ng mga artikulong gagamitin namin para sa nalalapit naming pagbabalik.

Infaireness naman sa mga naiwan ko dito ha, nagawa nila ng maayos ang trabaho nila sa paggawa ng mga articles na nakaassign sa kanila. Wala akong naging problemang mag isip ng dapat pa nilang idagdag.

"Ang aga natin ah!" napatingala ako ng biglang pumasok si Mikaela. Sa unang tingin, mukhang nangayayat sya. At kahit naka make up sya, halata pa din ang eyebags na nagpapamukha na sa kanyang panda.

"Syempre, next week na ang grand event natin. Anong nangyari sayo? Bakit mukha ka na jang white lady na ginahasa ng sampung impakto?" natatawa kong tanong sa kanya.

"Grabe ka naman maka compare. Sobrang nagsunog kilay lang ako para sa articles natin." Nakanguso nyang sagot.

"Mabuti naman kung ganun dahil patay ka sakin kung hindi. Infaireness, okay naman ang articles na nagawa ninyo." Kaunting compliment. Deserve naman nya."Si Bernadette?" dagdag kong tanong.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!