24th Hate: The Ultimate Story

1.4K 44 21


"Is he your boyfriend?"
napakunot ang aking noo sa unang mga salitang lumabas sa bibig ng ginang na gustong kumausap sa akin.

Sabay kaming napatingin kay Asher na dalawang mesa lang ang pagitan ng pagkakaupo mula sa amin.

Hindi ko mapigilang mapamake face. Dahil daw kasi hindi ko kakilala ang ginang na ito na gustong kumausap sa akin ay dapat lang daw na nasa malapit lang sya. Parang isang guwardiya na kailangan akong bantayan. Baka naman daw kasi kidnapin ako, mahirap na daw. As if naman na hindi ko kaya ang sarili ko. Ugh.

"No he's not. " sagot ko sa kanya.

Ngumiti sya. "Eh ano mo sya, manliligaw?" tanong nya na may halong mapanlarong mga tingin.

"Just a colleague." Mabilis kong sagot. "Ano nga ba ang dahilan kung bakit nyo ako gustong makausap?" pagsesegway ko sa tunay na dapat naming pinag uusapan.

Tumango sya at mabilis na mas naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Marahan syang ngumiti. "Jessica, hindi mo na ba ako naaalala?" tanong nito sa akin.

Saglit akong napakunot noo at mas tinitigan ang kanyang mukha sa kanyang tanong. Pero kahit anong tingin ko sa kanya ay wala akong maalala.

"I don't think I know you. Sino ka ba?" tanong ko dito ng ilang segundo pa ay hindi ko talaga maisip kung magkakilala ba kami o hindi.

Bumuntong hininga sya. Saglit na napayuko. Saka nya ako muling tiningnan sa aking mga mata. "This is me Jessica, your mother."

Nagulat ako sa sinabi nya. Muli kong tinitigan ang kanyang mukha. Naghahanap ng pagkapamilyar sa sinasabi nyang itsura ng aking ina. Pero, wala akong matandaan sa kahit na ano pang detalye ng kanyang mukha.

Ngumiti sya. Isang malungkot na ngiti. "I'm sure hindi mo na ako namumukaan" pananalita nya ng patuloy ang aking pananahimik. "A fire accident happened years ago. Kinailangan kong magpa plastic surgery para maayos ang natunaw kong mga balat." Pagpapaliwanag nya.

Hindi ako agad nakapagsalita sa sinabi nya. "Paano mo mapapatunayan sa akin na ikaw nga ang inang para sa akin ay matagal ng patay?"

"You were only 6 ng iwan kita Jessica. Ang daddy mo—"

"Don't even mention him." Pagsingit ko sa pananalita nya. "What's the purpose? Anong ginagawa mo dito at matapos ang napakahabang taon ay nagbabalik ka at nagpapakilala?"

Ah naalala ko na. Nothing in her facial feature is familiar to me. Pero ang kanyang mga mata. Ang lalim ng kanyang mga tingin, ang ngiti at pag aalala ng kanyang mga mata, ang pungay ng mga ito na halos mabura na rin sa aking mga ala ala.

Maraming taon ko ng hindi nakikita ang mga matang iyon, simula ng iwan nya ako, kaya halos hindi ko na rin ito maalala. Pero ngayong matagal tagal ko na itong tinitingnan, kinikilabutan ako sa pamilyar na taong aking kaharap.

"Gusto kitang kamustahin. I am more than happy ng malaman kong iisa lang ang industriyang ginagalawan natin. Upon knowing more about you. I didn't hesitate to come here." marahan ang kanyang mga ngiti habang kinukwento nya ang kanyang mga saloobin.

"I am more than fine, obviously. Kung yun lang ang pinunta mo, pwede na ba akong umalis?" iritable kong tanong sa kanya sa ilalim ng nagpipigil inis na boses.

Nakita ko namang naramdaman nya ang tensyon na patuloy ko parin na nararamdaman sa kanya.

"There is another reason kung bakit ako nagpunta dito." napataas ang isang kilay ko sa isinagot nya sa akin pero hinayaan ko lang syang magsalita. "Your father is ill. He is very sick. The three of us doesn't have any good memories but I hope you forgive your father for everything he have done for you." nangungusap nyang panawagan patungkol sa demonyong ama na nakilala ko.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!