18th Hate: Old Memories

2K 81 42



"Maraming Salamat ho sa pagpayag nyo na dito namin gawin ang aming event." Ngumiti ako saka inoffer ang aking kamay para sa isang handshake kay Dean Arlene. Ang Dean ng Art and Fashion College ng dati naming university.

Bilang alumni ng unibersidad na ito, nagkaron na ako ng advantage para madaling makapasok sa loob at makausap ang mga dean. Dito ko nalang naisip gumawa ng event, total, youth naman ang target market namin. Saan pa ba madami kundi sa eskwelahan. Nasa Art and Fashion College lang nakalista ang aming activity pero gagawin ito sa court ng buong eskwelahan kaya makakapunta ang lahat ng mga estudyante.

"No problem Jessica. I look forward to a meaningful and fun event next week." Nakangiti nyang tugon sa akin.

"It will be. Thank you." Sagot ko sa kanya saka na ako lumabas ng kanyang opisina.

Madami na ring nagbago sa unibersidad na ito. Isa na nga dyan ang Art and Fashion College na ito. Palibhasa'y bagong curriculum lang ang mga degrees na inooffer dito, at kahit na mismo ang pagkakabuo ng college ay bago, kaya kailangan nila mag host ng mga activity na katulad ng sa amin.

Blessing in disguise sa amin pareho. Parehong magkakabenefit ang dalawang panig.

Napatigil ako sa aking paglalakad ng biglang tumunog ang aking cellphone. Ng dukutin ko ito sa aking bag at tingnan kung sino ang tumatawag, nakita ko ang apelyido ni Asher, Calleja, kung paano kong sinave ang apelyido nya lang sa cellphone ko.

Hay nako, ano na naman bang distraction ang dala ng lalaking kupal na to. Imbis na sagutin, aba't patayan ko nga sya ng telepono sabay off ko nun para hindi na makatawag ang walanghiya, pakialam ko ba sa kanya.

"Jessica?" habang binabalik ko aking cellphone sa bag ay napatingala ako ng may biglang tumawag sa pangalan ko.

Isang pamilyar ngunit hindi rin pamilyar na mukha ang nakaharap sa akin. May pagka balbas sarado ang lalaking ito, malalalim ang kanyang mga mata, makakapal na buhok, malaking built ng katawan na may pagka chubby at medyo tan ang kanyang balat.

Hindi ko man sya makilala agad agad, pero sa kinang ng mga mata nya, parang...kilala ko sya.

"I'm sorry?" tanong ko sa kanya ng hindi ko talaga maalala kung sino sya.

"Ian! Ian. Yung kaibigan ni Ash nung college. Ian." Puno na emphasis at paulit ulit nyang pakilala sa kanyang sarili.

"Ah, Ian!" turo ko din sa kanya ng maalala ko sya. Ang laki naman kasi ng pinagbago nya. Yung dating patpatin, aba't chubby chubby na ngayon. Pero sakto lang, ganyan naman talaga pag tumatanda. "Ian the wicked right? The wicked ang naaalala kong apelyido mo."

"Ah right, sobrang childish ko pa kasi nun at sa ganun ko gustong umiscore sa mga babae." Natatawa nyang sagot sa akin. "Anyway, you're looking good. Huh? Sexy and beautiful as always."

"No sweat. Hindi pa nga ako nag ggym nyan." Pagmamayabang ko namang sagot. "You too. You are looking good. Bakit nandito ka sa school?"

"Professor na ako dito." Mabilis nyang sagot. "Actually, coach professor, kasi nasa sports department ako. I train Judo. Kakagaling ko lang sa Thailand for an international seminar kaya pasensya ka na kung mukha akong ermitanyo. Mas mainit pala kasi dun sa kanila kesa sa atin dito." Pag iinform nya sa akin.

"Ah ganun ba. Good for you." Tugon ko na lamang. Hindi ko ineexpect na ang Ian the wicked na nakilala ko ay magiging propesor din pala ng unibersidad na ito. Kapalaran nga naman.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!