6th Hate: Hashtag Forever

1.9K 67 0

Nag iinit ang balat ko na para bang paulit ulit itong tinutusok ng maliliit na karayom.

Sinusubukan kong kausapin internally ang aking sarili at kontrolin ang aking nararamdaman pero para bang hindi sapat ang command mula sa aking utak para magrespond ang aking buong katawan.

Inis, ah hindi, galit. Galit talaga ang nararamdaman ko tuwing alam kong nasa iisang lugar lang kaming dalawa.

Patuloy lang silang nag uusap, nagkekwentuhan, nag kakamustahan kung ano ang mga nangyari sa isa't isa sa nakaraang mga taon. Pero hindi ako nakikisali. Ni hindi ko rin kaya makinig dahil marinig ko lang ang boses nya, kakaibang galit na talaga ang nararamdaman ko.

"Itabi mo dyan sa gilid." Turo ko sa kanto sa kanan.

"Ha?" tanong ni Aden na nagmamaneho ng manibela. Napansin ko rin ang pagtigil ng lahat sa kanilang pagkekwentuhan.

"Naalala ko na may gagawin pa ko. Kayo nalang ang mag pizza." Sagot ko pa kay Aden.

Nakita ko pa ang pagtingin nya sa akin mula sa aking peripheral vision at nakita ko pa ang pag iling nya saka pagbuntong hininga.

Tumigil ang sasakyan sa kantong tinuro ko saka tumigil ang sasakyan.

"Sigurado ka ba Jess? Hindi ka man lang sasama?" tanong pa ni Bernadette bago ako makababa ng sasakyan.

"Oo. Prepare your presentations tomorrow," nilingon ko sila. "ASAP." Saka ako tuluyang bumaba ng sasakyan. Isang pananalita na nagsasabing wag na silang magtagal magliwaliw sa pizza parlor dahil kailangan na nilang gumawa ng presentations para bukas.

Napasiring ako at kasabay din na napangisi ng tuluyan ng umalis ang sasakyan nila. Humanda ka Asher Calleja, sisiguraduhin kong mag uumpisa ang mala impyerno mong araw bukas.

*

"Okay lang ba si Jessica? Sa tingin ko, apektado parin sya sa nangyari sa kumpanya." Pagtatanong at pananalita ni Ash habang hinihintay nila ang pizza na kanilang inorder.

Natawa si Mikaela. "Okay lang si Jess, Ash. Ang hindi okay ay tayong dalawa." Turo pa nya sa kanilang mga sarili. "Patay tayo bukas dahil kailangan natin makapagbigay na agad sa kanya ng presentations. Hay, walang tuluguan na naman ito." Nagststretching nya pang pananalita na dagdag.

"Consultant lang ako. Kailangan ko pa bang magbigay sa kanya ng presentation?" nagtatakang tanong ni Ash.

"Oo naman! Hoy umayos ka noh dahil mainit ang dugo nun sayo. Ang lakas kaya ni Anthony na ipagyabang kay Jess yung background mo. Galing mo ah. Nag work ka pala sa international magazine? Lakas!" compliment pa ni Mikaela sa kanya.

"Tulad ng sinabi ko, consultant lang ako dun. Opinyon ko lang ang kailangan." Mabilis naman na sagot ni Ash na para bang bigla pang naguluhan sa kanyang pinasok na trabaho.

"Well, welcome to Pink Planet." Nakangiting sagot ni Bernadette saka sila nagsabay sabay na napalingon sa waiter na dala ang kanilang inorder na pizza.

*

"Forever. Isang salitang napakapopular ngayon kahit ano man ang iyong edad." Ganyan sinimulan ni Mikaela ang kanyang presentation na pinag isipan daw nilang dalawa ni Asher.

Ngumiti si Mikaela saka patuloy pang nagsalita. Sa gilid naman nya ay nakaupo lang si Asher at nakikinig lang.

"Ikaw Aden?" turo nya kay Aden. "Dude, may forever ka ba?" tanong nya dito.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!