25th Hate: The Ultimate Night

1.5K 57 19

"Tatawag ako ng pulis kapag hindi ka pa umalis dito." panththreat ko kay Asher na pusturang pusturang nakahilata sa aking sofa. Feel at home na feel at home ang loko kung makahilata.

Ngumisi sya sa aking sinabi. "Edi tumawag ka. Sasabihin ko, boyfriend mo ako at nanlalambing ka lang sa akin." natatawa nyang sagot.

"Wag ka nga feelingero jan. Boyfriend daw. In your dreams. Umuwi ka na!" bulyaw ko sa kanya habang nakapameywang pa. Kung kaya ko lang talaga sya kaladkarin palabas ng bahay ko ay ginawa ko na. Pero mabigat ang mala-baboy nyang timbang kaya wala akong magawa.

"Isang gabi lang to naman. Makikitulog lang ako ngayong gabi. Nakakatamad na kasing umuwi. Para namang may bago. Nakitulog naman na ako sayo dati ah." pagpapaliwanag nya ng halos nakanguso pa. 

"Yun na nga eh, lagi kang nakikitulog sa bahay ko. Aba, mahiya ka naman. Lagi nalang--" napatigil ako sa aking pananalita ng may malakas na bagay ang tila ba bumagsak sa labas ng bahay.

Nagulat ako ng parang halos ay bumuka ang lupa sa tunog na iyon.

"Ano yon?" tanong ni Asher saka sya dali daling tumayo saka sumilip sa bintana para tingnan kung ano nga ba ang meron. Sa likod nya ay kasunod naman din ako.

Hinawi nya ang malalaki at malahiganteng gray na kurtina ng bahay. Tumambad sa amin ang malakas na ulan at hangin na pumipito sa labas. Dahil sa laki ng bahay at sa kakapal ng mga pader nito ay parang ambon lang ang naririnig namin na nangyayari sa labas. Akala ko ay simpleng ulan lang ang meron. Mukhang malakas na bagyo na naman pala ito.

Nagulat din akong makita na ang malaking puno na nasa tapat ng bintana ay wala na. Itinumba na ito ng bagyo. Grabe namang bagyo yan. 

Isinara ni Asher ang kurtina at lumingon sa akin. Nakapinta sa mga tingin nya ang isang lalaking may nagtagumpay na motibo.

"O paano ba yan, bumabagyo. Hindi ako makakauwi ngayong gabi. Ang ibig sabihin, kailangan kong makitulog ngayon dito. Tanggapin mo na kasi, kapalaran ang magsama tayong dalawa." nakangisi nyang pananalita.

"Che! tumigil ka sa pagpapantasya mo. " mabilis kong sagot sa kanya. Kung makapagdrama akala mo nasa isang pelikula. Hindi naman nakakakilig. Tss. "Ngayong gabi na ang last mong makikitulog sa bahay ko ha. Sa susunod, kahit landslide o baha pa ang dumagundong sa atin, uuwi at uuwi ka sa bahay mo." sabi ko sa kanya ng puno ng emphasis. Wala naman akong magagawa dahil sinang ayunan na naman sya ng panahon. Lalo tuloy sya nagkaroon ng rason para magstay.

Tumango tango lang sya habang nakangiti. Mga ngiting nagsasabing hindi ngayong gabi ang huli. 

*

Idinadryer ko ang aking buhok matapos akong maligo ng marinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto. Pinatay ko muna ang dryer saka lumabas ng banyo para tingnan ang pinto.

Napabuntong hininga ako ng makita kong pumasok na pala si Asher sa kwarto ko. Ang kyuryosidad talaga ng lalaking to, lagpas langit.

"Wow, ang laki naman ng kwarto mo. Pati yung kama oh pang king sized." turo nya sa aking kama na napapalibutan lang ng itim at puti na kulay.

"At sinong nagsabi sayong pumasok ka dito? Pano kung nakahubad ako at nagbibihis? Manyakis ka talaga. Dun ka na sa kwarto mo. Matulog ka na dun." taboy ko sa kanya. 

Pinatulog ko nalang sya sa isa sa mga bakanteng kwarto ng mansyon. Madami dami man ang mga kwarto rito, mostly naman ng mga ito ay ginawa ko lang storage o masyadong madumi at tinatamad akong maglinis o tumawag ng maglilinis. Buti nalang, may isang kwarto dito na konting pag aagiw lang ay pwede ng tulugan. 

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!