26th Hate: What is this surprise?

1.3K 42 6

Isang mahalimuyak na amoy ng pagkain ang gumising sa akin. Agad na napamulat ang aking mga mata.

Napatungan ng buntong hininga ang una'y excitement na nararamdaman ko ng maalala kong dito nga pala sa bahay natulog si Asher. Mukhang pinakialaman na ng ungas ang kusina ko.

Ano nga bang nangyari kagabi? Nakatulog nalang ako sa kakataboy kay Asher na umalis ng kama ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding. Alas nuwebe na pala ng umaga. Tanghali na rin pala. Dali dali akong nagbanyo at nag ayos bago lumabas ng aking kwarto.

Papasok na ako ng aking kusina ng bigla akong mapatigil sa aking paglalakad. Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Agad akong napatalikod at hindi makapaniwala kung totoo ba ang aking nakita.

Totoo nga ba? Kaya dahan dahan akong humarap sa kanya at sumilip. At Aba! Ang Asher nagluluto ng walang pang-itaas na suot! Kitang kita ko ang pag flex ng muscle nya sa likod habang gumagalaw sa aking kusina at nagluluto. 

Kahit well ventilated din ang bahay na ito, mabilis din na nasundan ng mga mata ko ang pagbagsak ng iilan nyang pawis sa likod. Pababa ng pababa ng pababa hanggang sa kung saan mang pababa na hindi ko na tiningnan dahil tumalikod na ako.

Walanghiyang lalaki to. Napakamakasalanan. Ano bang gusto nya? Tatlo na kaming lumabas ng bahay na ito? Una, ang lakas makapanukso kagabi, ngayon naman...hay nako, sasapakin ko talaga tong lalaking---

Napatigil ako sa pag-iisip ko at mabilis na nagtaasan ang buhok sa buong katawan ng makaramdam ako ng biglang yumakap sa akin. At hindi lang basta yakap. Isang mainit, mahigpit, at balat sa balat na yakap.

Sa ilalim ng kanyang husky na boses, sya ay bumulong sa aking tenga, "kanina ka pa ba dito?" tanong nya na nagdala ng matinding paninindig sa balahibo ng halos buo kong katawan.

Bago pa man magtagal ang pangingilabot na nararamdaman ko, agad na akong nagpumiglas at kumawala sa kanya. 

"Ano ka ba! Ano bang tema mo at nakahubad ka pa?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.

"Asus kunyari ka pa gusto mo rin namang--"

"Isa, wag ka lalapit sakin kundi sisipain talaga kita." pigil at pag atras ko ng masense kong papalapit pa sya. Lakas manukso walang hiyang lalaki ito.

Natawa sya. "Joke lang to naman. Ang init kasi dito sa bahay mo. Kain ka na muna magbibihis lang ako." pinat pa nya ang balikat ko, na iniwas ko pa pero nahawakan nya parin saka sya lumabas ng kusina at pumunta sa direksyon ng kwartong ibinigay ko sa kanya.

Kainis na lalaki. Lakas mang asar. Nakita ko pa tuloy yung nagflflex nyang muscle sa likod. Ay walang hiya!

*

"San ka pupunta ngayong araw?" tanong ni Asher habang kumakain kami ng almusal.

"At bakit mo tinatanong?" sagot ko sa kanya ng may mapanuring mga mata. Ano na naman bang gusto sa akin ng lalaking ito?

"Para alam ko kung anong oras kita susunduin." mabilis nyang sagot.

Sarkastikong ngiti naman akong napasinghal. "Huh, at bakit mo naman ako susunduin? Close ba tayo? At tsaka busy ako. Tigilan mo na nga ang pangungulit." sagot ko sabay subo ng steamed asparagus na ginawa nya.

"Gaano pa ba kaclose ang kailangan mo?" lalapit pa sana sya ng nakangisi ng tutukan ko sya ng tinidor ko. Kaya tumawa nalang ang loko at umatras. "Sabi ko naman sayo diba, may pupuntahan tayo." mas maayos na nyang sagot.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!