17th Hate: Close Doors.

1.6K 60 16

Ano kaya ang dahilan at hinahanap ako ng ugok na yon? May nangyari kaya? May sasabihin? MAG COCONFESS?

Pero ng ano?

Tsk. Ano ba yan. Bwiset yun ah. Pinag iisip pa ako.

Binuksan ko na ang pinto ng opisina. Bahala nalang. Wala naman yun magagawa eh. Teka, lakas ng pagka on ng aircon ah, o, mainit nga lang kaya talaga sa labas.

"O Jess!" tawag sa akin ni Bernadette ng makita nya ako. "Kamusta? Ano yung sinasabi mong problema?" salubong nya agad sa akin.

"Sinabotahe na naman kasi tayo ni Octavio. Ayun, yung venue natin, hindi na available." Inis kong sagot ng maalala ko na naman yung matabang baboy na yon.

"Ha?" mabilis na napatayo si Mikaela sa pagkakaupo nya ng marinig nya ang sinabi ko. "At ano na naman ba ang ginawa ng bakulaw na yon?" nakakunot noo nyang tanong habang nakapameywang na papalapit sa akin.

"Basta, mahabang kwento. But to cut the story short, nang agaw ng venue ang loka loka. Ayun, kahit patayin ko naman yung manager dun, hindi naman ibibigay yung venue sa atin." Buntong hininga kong sagot.

"Naiinis na ako sa babaeng yan ah." Pabulong na turing ni Bernadette.

"Kapag kami nagkita, naku! Mata lang nya ang walang pasa pag binugbog ko sya." Gigil na gigil na react ni Mikaela with matching suntok pa sa hangin.

"Sya nga pala..." pag iiba ko ng usapan ng maalala ko ang dahilan kung bakit nga pala ako nagmamadali at nag dadalawang isip na bumalik ng opisina kanina. "Akala ko ba, nandito na si Asher. Nasan na yung ugok na yun at bakit nya ako hinahanap?" aka cross arms kong tanong habang tinatanaw ang maliit na lugar ng aming opisina.

Nagkatinginan yung dalawa sa tanong ko.

"Ah, nandun sya sa conference room Jess. Dun mo nalang puntahan at tanungin." Turo ni Mikaela kasama ang nguso nya.

"Ah sige." Sagot ko naman saka lakad papunta sa conference room.

Curious ng sobra syempre. Hindi naman sa gusto ko syang makausap o makita. Kung saan...basta.

Binuksan ko ng dahan dahan ang pinto ng conference room. Nandun sya sa dulo ng mesa. As usual, maayos ang itsura. Gusto kong iwasan na purihin sya sa itsura kahit sa pag iisip lang dahil alam kong pagsisisihan ko din lang yun.

Sobrang focused sya dun sa ginagawa nya sa harap ng kanyang laptop.

"Knock knock." Mabilis syang napatingala ng magsalita ako. Itinaas ko ang aking ulo pati ang aking kilay saka nag cross arms at hindi nakatingin sa kanyang nagsalita. "Hinahanap mo daw ako. At bakit?" mataray kong tanong.

"Ha? Hindi naman kita hinahanap ah." Sagot nya sa ilalim ng kanyang malalim na boses.

Napatingin naman ako agad sa kanya. "Pero sabi nila..." Oh My God, niloko lang ba ako nung dalawang yon? Shit, bwiset naman oh. Ang lakas mantrip. Kainis! "Ah...baka, nagkamali lang sila ng sinabi. Sige." Tinaas ko muli ang kilay ko saka sinara ang pinto ng conference room.

Oh My God, bwiset talaga yung dalawang yon! Nasan na yun?!

Ayun, at inabutan ko yung dalawa dun na natatawa ng bumalik ako sa pwesto nila.

"Anong sabi?" nakangiting tanong ni Mikaela.

Malakas ko syang hinampas sa braso, tapos si Bernadette din. "Hindi naman pala ako hinahanap! Kayo ha! Wag nyo nga akong pinag titripan jan!" nakasimangot kong sabi sa kanila. Napahiya kaya ako.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!