Prologue

3.1K 129 3


Sobrang init ng ulo ko. Kung pwede lang pumatay ng mga sobrang tangang tao, kanina ko pa sinimulan patayin ang bobong emplayado ko na yon.

Ang tanga tanga talaga! Nakakabwiset!

Paulit ulit na instruction na ang binigay ko. Oo lang naman sya ng oo na para bang naririndi na sya sa mga pagbibilin ko. Pero, bwiset! Tanga talaga! Akala mo alam na nya pero magkakamali parin pala talaga.

Nakarinig ako ng tatlong katok sa pinto ng aking opisina. Siguro, si Bernadette na naman yan. Sya at ang pagrarason nya na hindi kasalanan ni Jasmine ang nangyari sa amin ngayon. Hindi kasi sila nakikinig sa akin.

"Pasok!" sigaw ko habang nakatalikod mula sa pinto at nakaharap sa glass na dingding ng aking opisina. Overlooking ang iba pang mga building at ang highway na kalsada sa baba.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Hindi pa ako tapos sa panenermon ko kay Bernadette. Pati sya, damay sa paninisi ko dahil isa rin sya sa mga hindi nakikinig sa akin.

Inis na inis akong umikot at humarap sa kanya pero, agad akong napatigil sa kinatatayuan ko ng makita kong hindi si Bernadette ang taong pumasok sa aking opisina.

It's been...years.

Ilang taon na nga ba? Ilang taon na nga ba ang nakakalipas simula ng huli kaming magkita?

Nag sepia ang aking paningin. Ang pagtayo nya sa gitna ng aking opisina ay parang setting sa isang lumang pelikula. At sya, ang main subject sa pelikulang iyon.

Sa ala ala ko, sya parin ang maputi, palangiti, mascular at cute na lalaking nakilala ko. Pero, nagkamali ako. Ilang taon na nga pala ang nakakalipas simula ng mga ala alang iyon.

Suot ang isang plain black leather jacket, black pants at white shirt sa loob, kitang kita ko mula sa distansyang ito ang mas manly ng dating ni Asher.

Sa tingin ko ay mas tumangkad sya kesa nung huli ko syang makita. Kung dati, naka side style pa ang buhok nya, ngayon, mas maikli na ito at medyo nakataas. Sa ilalim ng kanyang leather jacket ay ang halatang mas lumaking frame ng kanyang katawan. Meron din syang kaunting facial hair sa kanyang baba.

Ibang iba na sya kesa sa huli ko syang nakita pero, tila ba isang matinding koneksyon, agad ko syang nakilala sa isang sepia background. Hindi lang sya ang nagbabalik ngunit pati ang ang aking mga ala ala kasama sya.

"Hello Jessica." nakangiti nyang bati sa mas malalim at husky na nyang boses.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa.

Tang ina, ang kapal parin ng mukha nya. Pagkatapos ng panloloko nya noon, eto sya ngayon sa harap ko at may lakas ng loob pang ngumiti.

"Mr...?" tanong ko habang nagpapanggap na hindi maalala ang kanyang pangalan.

"Si Ash! Jessie naman, hindi mo na ko naaalala?" tanong nya ng nakangiti parin pero hindi makapaniwala.

Napataas ang isa kong kilay. As if. Paano ko naman sya makakalimutan. Eh sya ang kauna unahang lalaking nangahas manloko sa akin.

Jessie. Tang ina, bakit parang kinikilabutan ako ng marinig ko ang salitang yon. Ang tawag nyang yon sa akin. Kinikilabutan ako hindi dahil sa napaka nostalgic ng pangalang iyon kundi dahil sa galit kung paanong ginagamit nya parin yon para tawagin ako.

"Oh yeah!" pagrereact ko. "Asher Calleja is it? Sorry if I'm mistaken. How many years has it been? Ang tagal na kasi. Sorry, hindi na kita makilala. What brings you in my company anyway? I don't think an engineer has anything to do in a company of girls' magazine." pagmamayabang ko at silently, pagpapaalis sa kanya sa harapan ko. Bwiset syang hinayupak sya.

Ngumisi sya. Isang facial expression na hindi ko na nga ikinagulat pero nostalgic parin ang epekto. Matagal ko na kasing hindi nakikita ang mga klase ng ngiti nyang iyon.

"I am stalking you." sagot nya sa akin.

Isang pananalitang mabilis na nagpakunot ng noo ko.

**

this chapter has been proofread and revised.


MsRedMonster,

12/07/18

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!