7th hate: Mood Swings

2K 72 1

"Ano yan, suicide?" nakakunot noo at cross arms na tanong ni Mikaela habang nakatingin sa schedule of activities na aking ginawa. Mga bagay na gagawin namin in the next two months para makarecover mula sa kahihiyan na nangyari samin.

"Kaya ba yan?" tanong ni Bernadette ng may mga mapandudang mga mata.

"We will carry on the original concept. Kung gusto natin makarecover, we have to research and execute it in its most successful form." Sagot ko sa kanilang lahat na nakatulala parin at pinag aaralan ang schedule of activities na dapat naming gawin sa susunod na walong linggo.

Kaya naman, masusi kong inisip ang mga dapat naming gawin para maging successful ang mga plano.

Dahil nasa "hashtag may forever" ang gusto naming maging konsepto, kailangan namin maghanap ng mga istorya. Istorya ng mga couples na makakapagpatunay ng "tunay" na pag ibig. Pero dahil maganda din ang konsepto kung saan hindi naman pang forever lang ang pagiging in a relationship kundi pati din ang pagiging single, gusto ko din mafeature namin ang mga ganung storya. At hindi lang basta istorya ang gusto ko. Dapat unique ang mga storyang yon.

Pagkatapos nun, kailangan na naming gumawa ng mga articles, layout at kung ano ano pang gimmick para maipasa namin sa mga tao ang aming mensahe. Naisip ko na hindi namin dapat muna ipublish ang lahat ng aming articles online. Kailangan na patikim o pa-preview lang muna ang sa online. Tapos, sa magazines na ang buong storya.

Pangalawa at ang pinaka kakaiba sa plano ay ang tila ba "re-launching" na gusto kong gawin. Dahil para bang gusto namin ng bago at mas magandang imahe sa industriya, kailangan naming gumawa ng event kung saan iimbitahan namin ang iba't ibang critics and reporters para ifeature ang aming event at maibalita. Sa ganung paraan, mas lilikha kami ng ingay na kailangan namin para mapansin ng aming target market.

Ang lahat ng pagpaplano ay dapat tapos na sa loob lamang ng pitong linggo. Sa huling linggo, dapat ay confirmation nalang ang lahat. Sa huling araw ng ikawalong linggo ay ang aming big event. Kailangan perfect. Bawal ang magkamali.

Napabuntong hininga si Aden. "Sa tingin ko, tama naman ang lahat ng activities. Mukhang yan nga ang kailangan natin. We don't have any choice but to work hard from now on until the day of execution." Pagsang ayon nya sa akin.

"Ugh, haggard na naman ang beauty ko neto." Pananalita ni Mikaela sa kanyang sarili.

"Ah nga pala, may pangalan na ba tayo para sa project na to?" dagdag pang pagtatanong ni Aden.

"I think maganda na yung idea ni Mikaela. Love is Forever." sagot ko ng may hindi napipigilan na pagrolyo pa ng aking mga mata.

"Perfect! Ang smart ko talaga." Pagmamayabang pang react ni Mikaela kasabay ng pagflip nya ng kanyang buhok.

"Sige, let's go with that plan. Ah! Parang maganda mag pair up tayo with the activities para mas mabilis di ba? Two-four-six. Yun! Pair pair sa activities na gagawin. Buddy system" Mabilis na binilang ni Bernadette ang mga tao sa loob ng conference room.

"Ah kasama po ako Ma'am?" tanong ni Belinda.

"Oo naman. Workforce ka din." Mabilis nyang sagot.

"Edi kami na ni Belinda ang pair." Agad ko din na pananalita. Ayoko nga na mapasama pa kay Asher na kanina pa lang nakatingin at nakikinig sa amin. Wala talagang alam. Tss.

"Ay may tinatakbuhan?" napakunot noo naman ako sa react na iyon ni Mikaela. Ano na naman bang ibig nyang sabihin dun? "Magbunutan nalang tayo para fair and square." Kinuha nya agad ang papel at bolpen na nasa mesa at agad na nagsulat dun ng kung ano para magbunutan. "Kapag same number ang nabunot ang nakuha nyo, yun ang pair ah." Pananalita nya habang nirorolyo ang mga papel.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!