8th hate: Dreams of the past

1.9K 79 0

"Never look back," we said
How was I to know I'd miss you so?
Loneliness up ahead, emptiness behind
Where do I go?

And you didn't hear
All my joy through my tears
All my hopes through my fears
Did you know, still I miss you somehow

From the bottom of my broken heart
There's just a thing or two I'd like you to know
You were my first love, you were my true love
From the first kisses to the very last rose
From the bottom of my broken heart
Even though time may find me somebody new
You were my real love, I never knew love
'Til there was you
From the bottom of my broken heart

Sa ilalim ng nag fofog na paligid at malakas na patak ng mga ulan ay ang lakas ng tugtog mula sa radyo.

Labinlimang minuto na rin ang nakakalipas mula ng sumakay ako sa kotse na ito ni Asher at labinlimang minuto na ring hindi kami nag uusap.

Marahil, dahil na rin sa focus nya sa pagmamaneho at sa kagustuhan kong hindi kami madisgrasya kaya hindi ko sya agad kinausap.

Pero dahil na rin siguro sa dami ng mga bagay na nasa isip ko ngayon, mga bagay na hindi ko din naman alam kung ano, kaya kahit may tugtog na namamagitan sa aming dalawa, nabibingi parin ako sa katahimikan ng hindi namin pag uusap na dalawa.

"Ano? Dun parin ba?" napalingon ako kay Asher ng bigla syang magtanong.

"Ha?" hindi ko maintindihang tanong din sa kanya.

Sumulyap sya sa akin tapos balik muli sa nagigitgitang kalsada. "Ang sabi ko, kung doon ka pa rin ba nakatira sa dati mong condo? Dun nalang ba kita ihahatid?" tanong nya.

"Ah hindi." Mabilis kong sagot. "Pwede bang...well actually, sa mall mo nalang ako idrop, may bibilhin pa kasi ako." Pagpapalusot ko. All of a sudden, gusto ko lang agad dumistansya sa kanya.

"Anong bibilhin mo?" tanong nya.

Napakunot noo naman ako. "That is something personal. Hindi mo na kailangan pang malaman. Drop me off at the mall, jan lang." turo ko pa sa establisyamentong tanaw ko na sa ilalim ng malakas na ulan.

"Sige." Tipid na sagot nya lang sa akin.

"Kasinungalingan lang ba yon? Yung input na sinasabi mo?" pagtatanong ko sa kanya matapos ang ilang segundo. Para bang bigla bigla ay nakaramdam ako ng inis.

"Hindi. I actually have an input to say." Agad naman nyang sagot ng halatang puno ng confidence at walang pag aatubili.

Napataas kilay naman ako ng hindi naman nya kita. "Oh yeah? Then let's hear it. Yun naman ang dahilan kung bakit ako sumakay ngayon sayo dito."

Nilingon ko sya sa aking tabi at napataas muli ang kilay ko ng saglit pa syang mapangiti. Yung ngiting pang sarkastiko.

"Makakapaghintay naman yun bukas. As of now, we're here." Napatingin ako sa kalsada. Vehicle entrance na pala ng mall. Hindi ko naman mapigilang maparolyo ng aking mata. If I know, wala lang yan. As if naman meron.

"Fine." Bumaba na ako ng sasakyan nya matapos ang isa lang pagtango. Hindi na rin ako lumingon at dire-diretso nalang ding pumasok ng mall.

Kung saan, naglakad ako papunta sa likod na entrance ng establisyimento, doon na lamang ako mag aabang ng taxi para makasakay at makauwi.

*

Nanlulumong tumitig ang dalaga sa pigura ng lalaking kanyang pinagkatiwalaan.

Naglaho na ang mabait nyang pagkakakilanlanan dito at ang natitira na lamang ay ang malalakas na tunog ng tawa ng binata. Mga tawa na dumudurog sa pagkatao ng dalaga. Mga tawang nagpapaalala sa kanya ng kanyang katangahan.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!