5th Hate: The Gang is Back.

2.3K 84 1

7am.

Masyadong maaga pero bakit nga ba nandito na ako sa tapat ng opisina? Tanging ang guwardiya na magdamag na nandito palang ata ang tanging tao na nakita ko. Pinapasok na rin naman nya ako. Sa itsura nya ay gusto na nyang umuwi at matulog dahil sa puyat.

Hindi ko alam kung anong bagay ba ang maganda sa umagang to. Hindi ko alam kung bakit para bang wala ang usual kong sarili. Dapat ay bwiset ako ngayong araw dahil sa nangyari sa kahapon pero bakit parang wala akong nararamdaman na kahit katiting nun ngayon?

Siguro ay dahil alam ko na aalis na ako ngayon sa kumpanya. Relief? Letting go? New start? o Runaway? Nag eecho parin kasi sa akin ang mga salitang sinabi ni Bernadette; na naaapektuhan parin ako hanggang ngayon ni Asher.

Nakakatawang isipin na ganun ang dating ko sa kanila. Dahil hindi nila alam kung paanong sa proseso ng lahat ay hindi ko tuluyang napatay yang si Asher dahil sa mga kasinungalingan nya. Sa aspetong yon, nakakaproud lang sa sarili. Alam ko kasing hindi ako bumaba sa standard ng pag iisip nya.

Strange. Bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko?

Napatigil ako sa aking paglalakad ng makarinig ng ingay sa kwarto sa dulo ng hallway, ang opisina ni Anthony. Aba, bakit nandito na agad ang matandang to? Ano to, hindi umuwi?

Mabilis akong naglakad para makausap sya. Mabuti na yun na nandito na sya. Hindi na ako maghihintay ng mamaya pa para makipag usap. Hindi masasayang ang oras ko.

Isang katok lang ang aking ginawa saka ko agad binuksan ang pinto. Nagtagpo naman agad ang aming mga mata ng pagkapasok ko pero tumango lang sya at nagpatuloy sa pagsasalita habang may kausap sa kanyang cellphone.

"Let me know of the details when you get there...Yeah, talk to Atty. Cameron and let me know of everything that's going on out there...Okay, take care." saka nya ibinaba ang kanyang cellphone. "Well?" tanong naman nya sa akin habang inaayos ang mga papel na nakapatong sa kanyang lamesa. "Ang aga mo naman ata?"

"Nagtataka din ako kung bakit ako maaga. I had a weird body clock today. But anyway, buti na nga rin na nandito ka na. I assumed you have accepted my resignation letter. And besides, this is just for formality purposes. Like it or not, I will resign." dire diretso kong sagot sa kanya.

Napangisi sya sa akin. "Tinanong lang kita kung bakit ka maaga, ang dami mo ng sinabi."

"Ayoko lang ng paligoy ligoy pa. That's all." mabilis ko namang tugon sa kanya.

Tumango sya. "Well, I might as well say that I am not allowing you to resign. I need you Jessica. Sige na, I was about to allow you to resign kung hindi lang sa nangyari."

"Bakit? Anong nangyari?" mabilis kong naitanong kasabay ng pag upo ko sa upuan na kaharap sya. Tanong na walang pag aalala pero isang tanong na may kasama pang pagtataas ng kilay. Ano na naman kaya ang naisip nyang palusot ngayon.

"Beatrice's mother died. Just yesterday night. Kailangan nya agad bumalik sa England to arrange things, a whole lot of things. Magulo kasi." pagpapaliwanag nya.

Saglit muna akong napaisip bago nakapagtanong muli. "Hindi ba't pamangkin mo yung Britanyang yon? So, kapatid mo or biyenan mo yung namatay?" pagtataka kong tanong. Para sa isang taong namatayan, mukhang hindi apektado ang itsura ni Anthony ha.

Bumuntong hininga sya sa aking tanong. "It is complicated but to make the story short, her mother is just her mother. We are not in any way related dahil hindi naman sya anak ng kapatid ko which is ang step father nya. So, malayo na. I was able to see Beatrice's growth though kaya malapit sya sa akin." pagpapaliwanag ni Anthony. Aba, malay ko bang may chismis palang ganun. Nagtatanong lang naman.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!