27th Hate: The Ultimate Revelation

1.1K 53 15


"As much as I wanted to propose, hindi yun ang dahilan kung bakit tayo nandito." nakangiti nyang pananalita.

Napakunot noo ako at nagtaka sa kanyang sinabi. Hello? Hindi ba obvious sa set-up na mag prpropose sya?

"Kung hindi, eh ano? Bigyan mo ko ng matinong dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito." cross arms ko pang tanong.

Tipid ang mga ngiting isinukli nya sa akin. Saka sya tumalikod para kunin sa di kalayuang mesa ang isang envelope. Mariin ang pagkakahawak ni Asher sa envelope na para bang napakamahalaga ng bagay na iyon.

"Dahil dito." iniabot nya iyon sa akin.

Habang may halong pagtataka, kinuha ko ang envelope. Napatingin pa ako sa kanya na para bang nagtatanong na ano ba, bubuksan ko ba to? Pero nakatingin lang sya sa akin kaya binuksan ko na ito.

Mission: Jessica Misteryo

Ang mga unang salita na aking nakita. Pamilyar agad ang mga salitang iyon. Bakit nga ba hindi eh may kopya ako ng papel na iyon.

Lalo ko pang inilabas ang papel. At tama nga ako, laman ng papel na iyon ang kontratang naglalaman ng panloloko sa akin noon ni Asher.

Mission: Jessica Misteryo

I, Ash Calleja, vows to make Jessica Misteryo, a literature student and member of University Radio broadcasting club fall in love as a "mission" for Ian Valios for an exhange of Ash's debt to Ian of 20 million pesos. The "falling in love" mission however are fake and should be ended within 3 months of courtship as requested by Ash. After three months, the relationship should last for a week and on the 7th day, Ash should break up with Jessica. If the "mission" is a success, the money debt of Ash will be wiped out completely.

Signed by:

Ash Calleja

Ian Valios

Witness: Enrico and Jack.

Kung dati ay halos patayin ko ang aking sarili kakatanong kung bakit nga ba ako nagpakatanga sa isang virus na katulad ni Asher, ngayon, wala na itong epekto sa akin.

Tapos na kasi ang walang humpay na pagtatanong ng walang kasagutan at paninisi sa aking sarili na wala namang malinaw na rason kung bakit nga ba nangyari.

"I'm sorry Jessica." mapakumbabang tono ng boses ni Asher. "To tell you the truth, I did this to you. Yung dati...minsan na kitang niloko." sa tingin ko ay pilit nyang gustong ipaliwanag ang kanyang sarili pero hindi nya maexpress kung paano.

"So what?" tanong ko sa kanya ng walang kagana gana. Ano ba kasi to? Maypa-dramatic effect pa ng hindi mo maintindihan. "Actually wala akong pakialam." pag aabot ko sa kanya pabalik ng kontrata.

"Walang pakialam?" gulat nyang tanong. "I just showed you..." napatigil sya sa kanyang pananalita na para bang meron syang bagay na narealize. "Alam mo na to Jessica hindi ba? Alam na ang tungkol sa kontratang to kaya ganyan ka magreact ngayon."

Aba aba, at matalino sya ngayong gabi. Mabilis makagets ng mga bagay bagay kahit hindi pa sinasabi.

"Oo alam ko na nga. And so what? It's not like may magbabago kung ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito." mabilis kong sagot sa kanya.

"Pero paano mong nalaman? May nagsabi ba sayo? Sinong nagsabi---" muli syang napatigil sa kanyang pananalita. "Yung contract noon sa broadcasting studio natin. Nawala yon at..."

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!