1st Hate: Plain Stupid

2.9K 97 5

Aldub pa more! Hindi parin makaget over ang Aldub Nation sa naging pagkikita ni Yaya Dub at Alden nung nakaraang sabado. Ang pinakahihintay na tamang panahon, sa wakas, ay naisakatuparan na rin ng ilang linggo lang ang nakakalipas ay pumayag na si Nidora na pagtagpuan ang dalawa. Naging dramatiko ang kanilang naging pagkikita. Nagngitian, nagkamayan ng kamay at bahagya pang napaluha si Yaya Dub ng makita nya ang Pambansang Bae Alden Richards. Naghihin--

People and their stupid fantasies.

Kinuha ko ang remote control sa ilalim ng aking unan saka hindi nakatingin na pinatay ang nag iingay na tv na hindi ko pala napatay kagabi.

Napaka stupid ng mga tao. Imbis na ang kakatapos lang na eleksyon ang pag usapan, puro aldub aldub na yan ang naririnig ko. Wala namang naitutulong sa ekonomiya ng bansa yang mga lecheng yan.

Sa ilalim ng madaming unan na nakapaligid sa akin habang nakahiga sa kama, sinilip ko ang maliit na alarm clock sa aking side table. 8am.

Leche. Stupid din ako. Late na ako. Sobrang pagod to kahapon kaya bagsak na bagsak na ako sa kama at hindi na namalayan pa ang orasan. Hindi na kinaya ng body clock yung pagod.

Ilang segundo muna akong nag adjust ng tuluyang pagdilat ng aking mga mata bago ako umupo sa kama. Kasabay nun ay ang pagkakatingin ko sa cellphone kong biglang umilaw dahil may tumatawag pero hindi naglikha ng ingay dahil naka vibrate mode.

Si Bernadette.

Tama, hanggang ngayon ay kabuntot ko parin si Bernadette. Silang dalawa ni Mikaela. Nasa iisang kumpanya lang kaming tatlo. Hindi kami magkakasama ng buo sa mga nakaraang taon pero hindi nawala ang panggugulo ng dalawang yan sa akin.

Sya na ngayon ang HR Manager ng kumpanya. Habang si Mikaela ay ang Creative Planning Director namin. Ako naman ang Editor-in-chief. May maturity ng kadikit ang aming mga tumatandang edad pero hindi parin talaga maiwasan ng dalawang yon maging isip bata paminsan minsan.

"Ano?" inaantok ko pang tanong ng sagutin ko ang telepono.

"Goodmorning Jess! Kamusta naman ang tulog mo?" masaya nyang bati. Baliw baliwan na naman.

"Hindi maganda. Anong kailangan mo?" sabay hikab pagkatapos ng aking pagtatanong.

"Ah...ganun ba...well Jess, nabasa mo na ba yung news papers? May nagdeliver na ba jan sa bahay mo?" paligoy ligoy nyang tanong.

"Kagigising ko palang. Hindi ko pa nababasa. Bakit ba?" inis kong tanong. Nakaramdam na kasi ako ng pagkaihi pero hindi pa ako makatayo dahil sa kanya.

"Hm...may konti kasi tayong problema." pag aalangan nyang sagot sa isang iniipit na boses.

Nawala ang lahat ng antok ko sa narinig kong yon. Sa tono ng kanyang boses, parang hindi maliit na problema ang tinutukoy nya. "Leche, gaano kalaking problema yan?"

*

"NAPAKA BOBO MO!" inihagis ko sa sahig ang print ng mga artikulong ipinrint kahapon at ipinublish ngayon online at dinistribute sa mga bookstore sa Pilipinas. "Imbis na magtrabaho, inuuna mo kasi yang paglalandi mo kaya ka nagkamali ng ganito. Paulit ulit kong sinabi na tutukan mo ang trabaho mo pero kapag nakatalikod ako, lumalandi ka kaagad!" bulyaw ko sa kanya na halos magputukan na ang ugat ko sa leeg.

"Sorry Ma'am. Hindi ko po talaga alam na--"

"Oo wala ka talagang alam leche ka! You know what, wala ka naman ng silbi sakin kahit patayin pa kita dito o mura murahin ng ilang beses. Lumayas layas ka sa harapan ko dahil baka hindi ko mapigilan pa ang sarili ko, mapatay talaga kita." everything is coming up to my head. Yung lahat ng dugo ko nasa ulo ko na. Ngayon lang ako nagalit ng ganito dahil SOBRANG katangahan talaga.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!