2nd Hate: What the hell

2.5K 90 3

"Argh!" malakas na pagdadabog ni Mikaela ng malaman nya ang nangyari kaninang umaga.

Bilang creative planning director ng kumpanya, isa sya sa mga pinaka unang taong matindi ang pagpupuyat para lang makaisip at makaipon ng mga artikulong ipupublish namin. Nag uumpisa yon sa magiging tema para sa buwan na iyon at mula doon, ay ipoproduce ang mga klase ng artikulong isa isa naming pag gugugulan ng pansin.

Dahil sa nangyari, para bang ibinasura at nilukot lukot pa ang mga ideyang ang tagal nyang inisip, pinagtrabahuan at pinagpuyatan.

"Sino? Sino yang nagsabotahe satin? My gahd! Gusto kong pumatay ngayong araw!" pagpipigil nyang bulyaw habang nandito kami sa labas ng restaurant malapit sa aming building, sinusubukang magpahinga muna at uminom ng maraming kape para mawala ang inis na aming nararamdaman.

In the past years, masasabi kong nag mature na si Mikaela. Wala na ang dati nyang maintained blonde hair nung college. Makinang na copper short wavy hair na ang kanyang minementenang hair style. Mas defined na rin ang kanyang katawan. Mas daring na ang kanyang pananamit. Kung saan, mas madalas na ang laced sleeveless shirts and shorts with high killer heels tuwing pumapasok sya ng trabaho. Mapaglaro at mabiro parin sya katulad ng noon. Pero katulad ni Bernadette, kapag trabaho, trabaho talaga din sya. Pareho silang magaling sa kanilang mga ginagawa. Kaya talaga namang nakakafrustrate kapag nasasabotahe ng ganito ang mga bagay na sobra naming lahat na pinaghirapan.

"Kung malalaman ko lang din kung sino yon, I swear, tutulungan pa kitang itorture yung taong nanabotahe satin." dagdag din ni Bernadette. Ganyan ang nagagawa ng kahihiyan, nakakahigh blood. Tinatablan kahit yung mga taong may matinding self control katulad ni Bernadette.

"Pwes, ihanda nyo na ang silya elektrika dahil kilalang kilala nyo kung sino ang nanabotahe sa atin." nakakunot noo ko paring pananalita kasabay ng aking paghigop sa aking mainit na kape.

"Sino?" pareho nilang tanong habang nakaumang na mas malapit ang kanilang mga ulo.

"Sino pa, edi si--"

"Well, well, well," napatigil ako ng aking pananalita ng biglang may magsalita mula sa aking likod. Sabay din namang napatingala si Bernadette at Mikaela na nasa harapan ko. At sa pag angat ng kanilang ulo, sabay din silang napasiring sa taong nakita nila. "Look who's here, the losers." sabay tawa ng malakas.

Napabuntong hininga ako. Kasabay nun ang inis at sobrang galit na may matinding pagpipigil.

Patricia Octavio. Ang editor-in-chief ng Lollipop, ang kumpanyang nagsabotahe sa amin. Sya din ang taong unang pumasok sa isip ko ng malaman kong ang Lollipop ang sumabotahe sa amin.

"Sinong losers ang tinutukoy mo? Sarili mo? FATricia?" nakangising tanong ni Mikaela habang nakacross arms at gamit ang pangalang madalas nyang tawag dito. FATricia dahil na rin sa pagiging obese type na babae netong Patricia na to.

Kung legal lang ang pumatay, matagal ng napatay ni Mikaela yang si Patricia. Literal na patay. Minsan na kasi silang nagsabunutan dahil sa pagkakainisan noon.

"Well shut the hell up Mikaela. Alam naman natin na kayong tatlo ay walang future ngayon dahil sa mga katangahan nyo. Or, sorry, sex stories and scandals na ba ang focus nyo ngayon because I saw the articles.Very dark,Very juicy." pang aasar nya kasama ang nakakadiring kagat labi bilang ekspresyon.

"Dark?" natatawang mabilis na tanong ni Mikaela. "Bakit, may iitim pa ba dyan sa batok mo? Wag kang mag alala, mas maitim pa yang batak batak mong batok kesa sa mga articles na nakasulat dun." muling pang aasar ni Mikaela.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!