29th Hate: The Ultimate Turn

298 9 3

"Asher! Asher" patuloy ang pagtawag ko sa kanya pero wala syang kahit na ano mang tugon.

"Mam, injured din ho kayo, kailangan namin kayong malagyan ng first aid" pilit akong pinapasandal ng isa sa mga rescuer. Sinasabing injured ako pero konting dugo lang naman ang nagmumula sa akin. Okay lang ako. Ako ang may katawan at nakakaalam kung okay lang ba ako o hindi.

"Okay lang ako" mabilis kong tugon sa kanya. "Sya ang bigyan nyo ng pansin. Tingnan mo nga wala syang malay" turo ko kay Asher. May isang rescuer ng nag aassist sa kanya pero mukhang hindi pa rin yon sapat. Wala pa din kasi syang malay.

"Mam, okay lang po sya. Kayo naman po ay———-"

"BP dropping! dropping!" mabilis na nakuha ng isa pang rescuer ang atensyon namin ng sumigaw syang bumababa ang BP ni Asher.

"Kuya, pakibilisan pa!" sigaw na din ng isa pang rescuer sa driver ng ambulansya.

"Sir! Sir!" nagtutulungan ang dalawang rescuer sa pagrevive kay Asher. Kung ano anong pinipindot at pinapakinggan nila sa kanyang katawan. Hindi ko rin maintindihan ang ibig sabihin ng mga linya sa medical monitor na nakakakabit sa katawan nya. Ang alam ko lang, hindi ok ang kalagayan nya. Hindi sya ok.

Wala akong magawa. Para akong natutulala na hindi ko maintindihan. Nararamdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib at ang panginginig ng aking kalamnan. Hindi ko maintindihan ang sakit ng aking tyan sa sobrang nerbyos ng mga nangyayari.

Lalo pang humarurot ang lumilipad na naming ambulansya. Para bang napakatagal ng byahe kahit ang totoo ay nasa dalawang minuto palang ang nakakalipas mula ng marescue kami nito.

Hindi ko alam ang gagawin. Natataranta na din ako.

*

"Pangalan?" agad na tanong ng nurse na sumalubong sa amin sa tapat ng emergency entrance.

"Asher Calleja" agad na tugon ng isang rescuer. "Car Accident. Suspected head concussion and hemorrhage. Needs immediate treatment" dagdag pa nya.

"Sige, ipasok na sa ER" instruction ng nurse.

"Mam! Mam!" napalingon ako sa isa pang lalaking nurse na tila ba kanino pa ako tinatawag. "Kasama po kayo ng pasyente? Kasama po kayo sa aksidente?" tanong nya.

"Oo kasama ako" mahina ang naging tugon ko sa tanong nya.

"Pangalan po Mam?" tanong nya habang inaalalayan akong maglakad kahit ok lang naman talaga ako.

"Jessica Misteryo. Pwede bang——" bago ko pa man maipagpatuloy ang pananalita ko ay bigla akong nakaramdam na napakanipis na sakit sa aking ulo. Para bang kasing nipis ng karayom ang sakit na tila ba dumaan lang sa ulo ko at bigla bigla ay nanghina ang buo kong katawan. Mula ulo, pababa sa aking paa. Hindi ko na bila makontrol ang akong katawan hanggang sa patuloy akong tumumba at nawalan ng malay.

*

"Siguradong magugulat si Jess pag nalaman nya ang nangyari" pananalita ng isang pamilyar na boses"

"Wag ka nga maingay. Dito mo pa sasabihin yan kung san nandito si Jess. Hintayin natin syang magising saka planuhin kung paano natin to sasabihin sa kanya" tugon naman ng isa pang pamilyar din na boses.

Gusto kong gumalaw, gusto kong idilat ang aking mga mata para makita kung sino ang mga nag uusap, o makapagsalita para matanong kung ano ibig nilang sabihin pero hindi ko magawa. Wala man sa kahit na anong parte ng katawan ko ang gustong sumunod sa gusto kong gawin.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!