12th Hate: What defines happiness?

2K 82 9


Isang matandang babaeng may magandang pangangatawan ang pumasok. Puro puti na ang kanyang kulot at maikling buhok. Ngunit nakaayos yun na tipong kahit manipis na ang buhok nya, maganda parin ang dating.

Ang kanyang damit ay bulaklaking satin na blouse. Habang agad ko rin namang napansin ang mga perlas nyang kwintas at hikaw. Ganun din ang light make up na nakapinta sa kanyang mukha.

Pero, ang pinaka unang mapapansin sa kanyang pasok ay ang tulak tulak nyang wheel chair. Nakaupo sa wheel chair ang isang matandang lalaki. Nakangiti ang kanyang mga mata gayundin ang maliit na pagngiti ng kanyang mga labi. Nakapako ang kanyang kamay sa tila ba remote control na nasa gilid ng wheel chair.

At sa kanyang gilid ay ang lalagyan ng isang oxygen. Ang hose na nakaconnect dun ay diretso sa butas ng lalamunan ng matandang lalaki. Nakangiti man sya, hindi naman sya makapagsalita.

"Jessie, lola ko, si Lola Angela. Lola, si Jessie" Pagpapakilala ni Jack the Bangs sa kanyang lola at sa akin.

"Hello Jessie." Nakangiting agad na bati ng kanyang Lola.

"Ah, hi po. And its Jessica." Marahan kong ngiti. Pilit kong ipinapako ang tingin ko sa mukha ni Lola Angela pero hindi ko parin maiwasang mapasulyap sa kanyang asawa.

"Ah, Jessica." Nakangiting bigkas ni Lola Angela sa aking pangalan. "Ito si Frederiko, Fred nalang, ang aking asawa." Pagpapakilala nya sa kanyang asawa.

Awkward akong ngumiti. "Hello po." Tipid kong bati. Tumango lang naman ito at para bang gustong itaas ang kamay pero hindi kaya.

"Kain muna po tayo." Yaya din ni Jack the Bangs sa kanyang Lolo't Lola. Na agad namang itinulak ng kanyang Lola ang wheelchair ng kanyang Lolo tapat sa hapag kainan.

Ng paupo na ako sa aking upuan, napatingin ako kay Asher, na nahuli kong nakatingin din pala sa akin. Ngumiti sya sa akin saka umupo ng tuluyan sa kanyang upuan.

*

Ang dapat kong gawin ngayon ay ang maghanap ng prospects para sa mga gagawin kong articles. Pero, eto, titig laptop lang ang nagagawa ko. Naiisip ko parin kasi yung si Fred, yung asawa ni Angela. Bakit kaya sya nagkaganun?

Buti nakaka---"Ay palaka!" halos maibato ko ang laptop na nasa harapan ko ng makita kong bigla bigla ay nasa gilid ko na si Asher, nakangiti at parang nag eenjoy sa pagiging tulala ko.

Natawa sya. "Ang gwapo ko namang palaka." Inilapag nya sa kama ko ang isang pares ng mukhang pajama.

"Tse! At ano namang ginagawa mo dito? Para ka dyang kabute na bigla bigla nalang sumusulpot. Try mo kayang kumatok." Inis kong sagot sa kanya. Sobrang nagulat kaya ako.

"Kanina pa ako kumakatok jan sa pinto mo. Nasa 5 minutes na rin akong nakatayo dito pero tulala ka parin jan nakatingin sa laptop mo. Akala ko nga nanuno ka na." natatawa pa nyang sagot. As if naman nakakatawa yun.

"Eh ano nga kasing ginagawa mo dito?" pagtatanong kong muli sa kanya. Epal eh, nanggugulat pa.

"Dinala ko tong pajamas na to. Eto na suotin mo ngayong gabi." Tinuro nya ang pares ng mukhang longsleeves shirt and pants pajamas na dinala nga nya.

"Nakapantulog nako. Okay na to." Turo ko sa aking maong shorts at white shirt.

"Naku, manununo ka talaga sa suot mong yan. Bukod pa dun, gagawin kang dessert ng mga lamok dito. Kawawa naman yung mga lamok, bitter ka pa naman at hindi sweet. Concern lang ako sa kanila kaya ito nalang ang suotin mo." Nakangiti nyang bilin.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!