28th Hate: His Ultimate Love

1K 33 16

Makalipas ang dalawang linggo...

"I want all of you to double check everything before sending them to printing. No errors or mistakes on our magazine. Understand?" paalala ko sa harap ng mga empleyadong pumupuno sa meeting room.

"Yes Ma'am" sabay sabay nilang sabi.

"Okay. Tomorrow nalang ulit. You can go." pagdidismiss ko ng aming meeting.

Sabay sabay namang nagsitayuan ang mas dumadami ng empleyado ng kumpanya. Matapos kasi ang launch namin dalawang linggo na ang nakakalipas ay naging sobra kaming in demand sa iba't ibang online and printing publishers. Imbis na outsourcing, napag desisyunan na rin naming mag hire na mga permanenteng empleyado na mas magpapatibay ng kumpanya.

"Grabe ka. Brain dead na yung mga kameeting mo" napalingon ako ng biglang pumasok ng kwarto at magsalita si Mikaela. "Alas siyete na kaya ng gabi di mo pa agad tinapos yung pameeting mo." dagdag pa nya.

Napatingin ako sa aking relos. Alas siyete na nga gabi. "Eh ano naman. Para walang magkamali." sagot ko sa kanya.

"Hay nako girlush. Hindi sa pananabotahe ang magiging pagkakamali nung mga yun kundi pagkakamali sa sobrang pagod at puyat." mabilis naman nyang resbak na sagot.

"Oh eh ikaw ano ba kasing ginagawa mo pa dito at ako ang sinasabotahe mo ng panrereklamo?" tanong ko din sa kanya.

"Eh syempre hinihintay ka. Alangan kay Berns ako sumabay eh pang forever sila ng jowa nya. Magsama tayong dalawang happy na kahit single." hindi ko alam kung kabitteran ba yung tono ng pananalita nya o panseselos. Ewan ko sa kanya.

Naglalakad na kami palabas ng building ng maalala kong itanong sa kanya ang kailan lang ay pinagmamayabang nyang "prospective" jowa.

"O kamusta naman si Mr. Hot kung makakindat na may abs na sinasabi mo isang linggo palang ang nakakalipas?" tanong ko sa kanya. Naalala ko lang. Nacurious ulit ako.

"Ah yun ba? Wala eh. Gago ang lolo mo. Okay lang naman isabay ako sa iba. Pero pwede ba, wag sa matandang matrona. Kadiri." nanginginig pa nyang sabi na may panget na expression.

"Pero OKAY LANG NA ISABAY KA SA IBA?" ulit kong pagtatanong dahil mukhang naguguluhan pa ata tong babaeng to sa sinasabi nya.

"Oo naman. Natutunan ko na natural lang ngayon ang isabay sa iba. Sabay sabay. Para matikman lahat." natatawang turing ni Mikaela na sa panghuhusga ko sa facial expression ay may nakakadiri ng iniimagine.

"Hay nako, basta ako, ayoko ng sinasabay sa iba." sagot ko sa kanya.

"Hindi naman kita isasabay sa iba." may biglang bumulong sa tenga ko kaya sobrang gulat ang gumulantang sa buong katawan ko.

"Ay baklang palaka!" biglaan kong nasabi dahil sa gulat.

"Ang gwapong palaka naman nyan." nakangising komento ni Mikaela.

"Tama yan. Gwapo pero hindi bakla." at sino pa nga ba. Asher Calleja. Nagkasundo pa sila sa pagngisi ni Mikaela. At natuwa pa talaga sila sa pagkakagulat ko.

"At ano na namang ginagawa mo dito?" pag nakikita ko sya, inis agad nararamdaman ko.

"Syempre sinusundo kayo. Mahirap na. Delikado ang daan ngayon. Ayoko namang may mangyari sa mahal ko." nakangisi nyang sagot.

"Oh Em Gee ang korni! Pero kinikilig akoooo." napatalon pa ang kinikilig na Mikaela sa gilid ko. Kung pwede lang mang kurot ng singit ginawa ko na.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!