23rd Hate: The Ultimate Event

1.9K 58 25

An Announcement from Lollipop Media Inc.

Hello. This is Patricia Octavio, editor-in-chief of Lollipop Media Inc. I am pleased to invite everyone to the surprise launching of our new magazine brand, Vanilla. This will be happening at Grand Ballroom Hall, 6pm onwards. The surprise and content is on us.

We'll see you there!

Patricia Octavio

Editor-in-chief, Lollipop Media Inc.

Isang malalim na buntong hininga ang aking nailabas ng mabasa ko ang announcement ni Octavio at ng Lollipop. Demonyitang Octavio talaga yan, eto ba yung sinasabi nyang surprise surprise nya? Kaya naman pala wala pang reporter na dumadating eh, mukhang sinulot na naman nyang walanghiya sya.

"Anong gagawin natin?" tanong ni Mikaela. "Umepal na naman tong baboy na to sa launching natin. Tumawag na ang mga reporters na inimbita natin. Mas priority daw nila ang Lollipop dahil no.1 magazine daw yun ngayon at tayo, umeepal lang daw sa comeback. Wala ng reporters ang gustong pumunta ngayon dito. Nagsisiksikan na sila sa hawla ng baboy na yun." Nag aalala nyang pagbibigay impormasyon.

Napabuntong hininga muli ako sobrang inis. "May number ka ba ni Octavio?" tanong ko.

"Oo. Laging naka ready kung sakaling ipapa shoot to kill ko sya. Bakit?" nakasimangot padin nyang tanong.

"Hindi mo na kailangan kumuha ng mag sh-shoot to kill. Ako na mismo ang papatay sa demonyitang yon." Tumataas ang presyon ko sa galit sa pananabotahe na naman ng demonyitang yon. Lahat ng paghihirap, masasayang lang dahil sa kalokohan ng walanghiyang yon. Gusto ko talaga syang patayin tapos, ibenta ang laman loob nya sa palengke, na baka wala din naming magka interes bumili dahil paniguradong mabaho ang laman nya.

"Jess!" may bahid din ng pag aalala sa mukha ni Bernadette ng papunta sya sa kinatatayuan namin ni Mikaela.

"Bakit?" tanong ko ng makarating sya sa pwesto namin.

"Yung mga estudyanteng gusto ng pumasok dito sa covered court, naboboring na kakahintay dun sa labas. At si Anthony nandito na. May mga kasama na syang international executives. Si Aden na ang sumalubong sa kanila. Anong gagawin natin?" Pamamalita nya.

Kinabahan ako. The show must go on sabi nga nila. Oo nga naman, maitutuloy nga naman namin ang event namin kahit walang mga reporters na dumating. Pero, kung walang reporters na dadating, walang magsusulat ng mga artikulong magpapabalik sa imahe namin sa market.

Kapag ganun, walang pinagkaiba na ang event na to sa isang ordinaryong school event. Plus, sa amin pa ang naging gastos at pagod.

Anong gagawin ko? Nabablanko din ang isip ko sa dapat gawin.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na pinapasok na ni Aden si Anthony at ang tila ba, nasa limang taong puros naka formal business attire na ang tinutukoy ngang international executives na guest nya.

Sa itsura ni Anthony ay mukhang hindi nya pa alam ang nangyayari. Sinenyasan ko si Aden na iguide na sa nakareserve na table ang mga guest. Matapos nun, tumakbo din naman sya sa amin.

"Solve na ang problema natin." Nanlaki ang mata naming tatlo sa mga unang salitang lumabas kay Aden.

"Ha? Bakit? May dumating na bang reporters?" mabilis at patanaw tanaw sa likod ni Aden na tanong ni Mikaela.

Ngumiti si Aden. "Hindi. Naunahan talaga tayo ng Lollipop pagdating sa reporters. Dumating si Ash. May mga kasama syang bloggers." Nagttwinkle ang mata nya ng sabihin nya yon.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!