19th Hate: The Ultimate Scene

1.8K 93 32

"Anong ibig mong sabihin sa sinabi mo kanina?" nakakunot noong tanong sa akin ni Asher.

Mabilis kong tinanggal ang kamay nya mula sa pagkakahawak sa akin. Halos ma-out of balance pa nga ako sa lakas ng pwersa ng pagtanggal ko nun.

"E diba matalino ka? Edi isipin mo kung anong ibig sabihin nun." Pamimilosopo ko habang nakataas ang isang kilay.

"Pwede ba Jessica! Diretsuhin mo na nga ako kung ano bang problema mo sa akin. Hindi yung puro ka pasaring na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin." Lalong tumaas ang tono ng kanyang boses.

"Ako? Ako pa ang nagpapasaring at may problema sayo?" panduduro ko sa kanya. Lalong tumataas ang galit ko at ramdam kong umaakyat yon sa aking ulo. "Okay naman ang buhay ko eh. Hanggang sa nagpakilala ka, kunyaring mabait at concern tapos, GAGO DIN NAMAN PALA!" kasabay ng paghampas ko sa dibdib nya ang malakas na kulog mula sa kalangitan. Paunti unti palang ang ambon pero nagbabadya ang isang bagyo sa lakas ng kulog at kidlat.

"At ano naman ang ibig sabihin nyan? Wala akong naaalalang kagaguhan na ginawa sayo. Lahat yan ay nasa imagination mo lang. Ikaw ang gumagawa ng sarili mong kalaban!" sigaw nya sa akin. Pareho na kaming nag iinit sa galit.

Pero siguro nga ay dapat nya ng malaman ang alam ko. Sino ba ang mapapahiya? Sino ba ang natural ng pinanganak na gago at sino ba ang mas demonyo sa aming dalawa? Sya yun. Dahil walanghiya sya at nanggulo lang sa buhay ko.

"Ah, eh ano yung Mission: Jessica Misteryo"?" halata ang pagkagulat sa kanyang mukha ng sabihin ko yun. "Yung, "the falling in love" mission, imagination ko lang ba yun?" kasabay ng malumanay kong pagtatanong ang malakas na buhos ng tuluyan ng ulan. Kaakibat din nun ang pilit kong pagpapatibay ng aking dibdib na hindi umiyak at maging emosyonal.

Hindi. Eto na yon. Eto na yung hinihintay kong pagkakataon para mailabas ko ang tunay kong nararamdaman sa kanya at para matapos na rin ang katangahan kong ito.

Kailangan na ng tuldok sa storya namin.

Eto na yon.

"Pano mo...nalaman yung..."

"Paano ko nalaman?" sarcastic akong natawa sa bigla nyang pagkautal. "Mas importante ba yang tanong mo sa tanong ko? Dapat ba hindi ko nalaman na pinaglaruan mo lang ako na parang isang manika sa mga palad mo. Anong pakiramdam? Siguro sobrang saya mo na napaka dali ko lang paikutin." May halong galit, bwiset, inis, at sarcastic na tawa ang pagtatanong ko sa kanya. Pero hindi ako mapasigaw kasi, parang feeling ko, kapag sinigawan ko pa sya, mapapahikbi ako sa gitna ng aking pananalita. Ayokong malaman nya na kinokontrol ko lang ang sarili ko ngayon.

"Si Rico? Si Jack? O Si Ian? Isa ba sa kanila ang nagsabi sayo tungkol dyan?" nakakunot noo nyang tanong na para bang nag iisip kung bakit napunta sa ganito ang usapan namin.

Napailing ako habang sarkastikong natatawa sa kanya. "Walang nagsabi sa akin Asher. At kahit meron man, hindi nun mababago ang katotohanan na niloko mo lang ako, at gago ka. Pwede bang magtanong Asher? Isang tanong lang. Bakit ka nagpakilala sakin para lang manloko? Ganyan ka ba kadesperado sa pera?"

"Hindi mo naiintindihan Jessica. Nung mga panahon na yun—"

"At ako pa ang hindi makaintindi ngayon ha!" pagtataas ko ng aking boses. "Tanong lang ulit Asher, YUNG TOTOO, NILOKO MO BA AKO O HINDI?" nakita ko ang pag aalangan ng kanyang mga mata sa aking tanong. At alam kong magiging masakit ang isasagot nya.

"I'm sorry Jessica. Pero pakinggan mo muna akong magpaliwanag—"

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo Asher. Kasi kahit baliktad-baliktarin ko man, kahit tingnan ko man sa kahit na saang anggulo, kahit alam kong nadominate na ng katanghan tong utak ko, may katiting pading portion na nagsasabing nagkamali ako sayo. Kahit anong formula pa ang gamitin natin, iisa lang naman ang sagot, niloko mo ako. Kaya kahit ano pa ang sasabihin mo, wag mong sabihin na paliwanag yan, dahil it will always be an excuse to what you have done to me. At hindi ako tumatanggap ng excuse." Sa ilalim ng maulan at makulog at kidlat na kalangitan ay nakatago ang mga tahimik na luhang unti unti at patuloy na umaagos sa aking mga mata. Masakit sa puso, masikip sa dibdib pero eto na ang huli kaya kailangan ng mailabas ang lahat lahat.

"Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sarili ko sayo Jessica. Alam ko sa sarili kong nagkamali talaga ako tungkol dun. Pero sana, sana talaga, mapatawad mo pa ako." Nangungusap ng mga mata nyang sabi.

"Napatawad na kita Asher. I can forgive you but I cannot ever, ever, forget. But to be fair with you, sasabihin ko na sayo na you had my firsts in love. First love, first kiss and first heartbreak. Congratulations, sobrang successful ka para madurog ang puso ng isang Jessica Misteryo. You were excellent. Pero sana, eto na ang huli nating pagkikita. Dahil please lang, ayoko ng makita ka. You always, always remind me of my stupidity at ayoko ng maramdaman yun." Mas lalo pang nagtago ang mga luha ko sa ulan. Hindi ko alam kung umiiyak ba sya o hindi. Baka hindi. Baka isang nakakaboring na conversation lang ito para sa kanya.

Pero ano pa baa ng pakialam ko tungkol dun. Ang importante ay nailabas ko na ang matagal ko ng itinatago sa kanya.

Saka ako tumalikod para maglakad na at umalis.

Pero dalawang hakbang palang muli, naramdaman ko ang biglang pagyakap sa akin ni Asher mula sa aking likod. Nagulat ako sa ginawa nya. Biglang naging blanko ang aking isip ng maramdaman ko sya sa aking likod.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Sa kanang bahagi ng aking mukha ay randam ko ang pagdikit naman ng kanyang mukha sa akin. Lalo pa nyang hinihigpitan ang kanyang yakap sa akin. Lalo din tuloy bumilis ang tibok ng aking puso.

"I've loved you Jessica. Minahal kita. At Mahal na Mahal padin kita." Pananalita nya sa kanang bahagi ng aking tenga kahit ang lakas lakas na ng tilamsik ng ulan sa kalsada. Para bang kami nalang dalawa ang nagkakarinigan ng mga sinasabi nya. "For all the unbelievable reasons, minahal talaga kita, sincerely." Halos matunaw ako sa kanyang yakap, halos matunaw ako sa kanyang mga salita. But I can't be stupid twice. Alam ko kung kelan ako mag gigive in at kung kelan ako magmamatigas.

"Wag mo kong hawakan Asher. Hindi mo alam kung gaano ko gustong patayin ang sarili ko dahil nandito ako at nakikipagusap sayo." Pagsasalita ko habang yakap pa din nya ako. "Sobrang galit man ako sayo, hindi mo alam kung gaano ako mas galit sa sarili ko." Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sa akin, randam ko din naman ang paaghiwalay nya sa akin matapos ko yun sabihin. Hindi na ako lumingon pa sa kanya at tinuloy ang aking paglalakad palayo sa kanya.

Ayoko ng lumingon pa, ayoko ng tingnan pa ang kanyang itsura, ayoko ng malaman kung sincere ba ang kanyang mga salita.

Dahil sa huli, alam kong ako lang ang masasaktan. Tama man o hindi ang aking desisyon, eto ang desisyon na pinipili ko at alam kong karapat dapat para sa isang Jessica Misteryo.

**

Hello Man Haters!

Its been a while alam ko. Two weeks ata since last update pero eto na po at naisulat ko na ang pinakahihintay nating confrontational scene.

Ano yung thoughts nyo sa scene na ito?

Satisfied ba kayo? Dissapointed? Or the way you expected it to be?

I really really want to know. Dahil pa ra sa akin, I find it beautiful although hindi pa sobrang naopen ang side ni Ash. Nakita nyo naman, puro kay Jessica lang yung nailabas nating emosyon sa scene na ito.

Bigyan ko lang kayo ng konting background kung nasaan si Ash ngayon sa storya na ito. Sobra syang shock sa nangyari at sobrang blanko din yung isip nya sa kung paano nya sasagutin ang mga tanong ni Jessica. Yun din siguro ang rason kung bakit hindi talaga naipakita ang side ni Ash dito. As much as shock and expectant si Jessica sa nangyari, si Ash naman ay puro shock lang ang nararamdaman.

Anyway, more of their story sa mga susunod pang chapters ng story.

Maraming maraming salamat sa lahat ng nangungulit na magupdate na ako sa story na ito. Okay lang talaga sa akin. I really love na makulit kayo para mag update ako. Haha! Pero yun nga, pasensya na kung hindi ako agad makapag comply dahil full time working na ang author nyo. 8am to 5pm na schedule at 6 hours in total travel time pa so imaginin nyo nalang ang kalagayan ko. Haggard sa kakabiyahe. HAHA. I will always try my best pero sana ay maintindihan nyo. Comment lang kayo ng kahit ano, I completely love them.

Bale, hanggang dito nalang muna man haters. Hanggang sa susunod na chapter nalang.

Maraming Salamat sa pagbabasa!

MsRedMonster,

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!