10th hate: To Palawan

1.9K 75 2


"I will see you then next week on Thursday to check on the site. Yes. Thank you." Pinatay ko na ang telepono matapos makausap ang head manager ng isang villa na gusto naming gamitin para sa aming event. Hindi pa sigurado kung doon nga pero maganda ng makapaghanap agad.

"Jess!" napatingala naman ako ng kakapasok palang ni Mikaela mula sa pinto ay ang lakas na ng tawag nya sa pangalan ko.

"O bakit?" tanong ko ng makarating sya sa tapat ng table ko.

"Yung dalawang leads stories ko, parehong nag break na! Gosh, pano nangyari to? Ugh." Matinding pagsisimangot at paglalabas ng sama ng loob ni Mikaela.

"That's life." Kibit balikat kong sagot sa kanya. "Maghanap ka nalang ng mga bagong leads."

"Kainis. Back to zero na naman kami ni Belinds. Kayo ba ni Ash kamusta?" napakunot noo ako sa tanong nya.

"Bakit ba kayo tanong ng tanong ng tungkol sa aming dalawa? Wala na nga kaming koneksyon ni Asher noh." Mabilis at matigas kong sagot. Lagi nalang kasi tinatanong yung tungkol sa amin ng kupal na yon.

Kainis. Hindi ko parin maalis yung housewarming kagabi.

"Ha?" napatayo nya pang pagtatanong sa akin. "Ang ibig kong sabihin ay kamusta na yung Palawan nyo ni Ash. Mamaya na yung alis nyo di ba. Anong pinagsasasabi mo jan. tsk tsk."

Napanganga at mabilis naman akong namula sa isinagot na yon ni Mikaela. Yun ba ang ibig nyang sabihin? Parang hindi naman yon ang pagkakaintindi ko.

*

Awkward.

Sobrang awkward.

Bakit ko ba inihagis ang headset and ipod ko sa maleta imbis na ilagay lang yun sa hawak ko ngayong handbag? Wala tuloy akong choice kundi makinig sa usapan ni Asher at ng britanya nyang girlfriend. Nakakasuka.

"We'll be on a trip to Palawan. With Jessica, the editor-in-chief. It's okay. It's inevitable, and everything is for the next publication." Ano naman kaya ang tinatanong ng britanyang yon dito kay Asher? Argh. Bastusan? Pagusapan daw ba ako ng harapan? Bastusan talaga. Mahaba munang pakikinig ang ginawa ni Asher bago nila tinapos ang kanilang pag uusap. "I'll just call you later. Okay bye."

Ang landi. Tsk.

"Gusto mo bang—"

"Hindi. Okay lang ako." Mabilis kong sagot kahit hindi pa tapos ang itatanong nya.

"Ha? Hindi pa nga ako tapos magtanong eh." Pagtatakang tono ng pananalita nya. Ayokong lingunin. Hindi worth it. Badtrip.

"Kahit ano pa yan. Ayoko." Agad kong sagot.

"Okay?" may gana pa syang magkaron ng tonong hindi makapaniwala sa akin na para ba akong isang weirdong babaeng kausap nya. Well whatever.

Imbis na eroplano, ferry ang sinakyan namin papuntang Palawan. Una, wala na daw kasing mabook na flight ng mabilisan. At pangalawa, para daw tipid. Peste, bakit ba ako nagtatrabaho sa kumpanyang walang pera. Ewan ko ba.

"Tapat lang ang kwarto natin." Pananalita ni Asher ng makarating na kami sa dalawang kwarto na magkatapat nga. Ako sa Room 201 at sya naman ay sa Room 205.

Hindi ko sya sinagot at ininsert lang ang aking room card saka pumasok at pinagdabugan sya ng pinto. Wala ako sa mood pansinin sya. Leche sya.

Ang kwarto ay simple lang naman. Maliit lang din ito kung saan sakto lang ang lahat ng bagay. Isang single bed, maliit na side table and side lamp, maliit na flat screen tv, petite na ref, lababong may iilang plato at kubyertos, maliit na CR na sakto lang ang laki, at daanan na pang isang tao lang ang pwede. Kung titingnan, smart na ring matatawag ang disenyo dahil maliit din lang naman ang barko.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!