21st Hate: The Damage Has Been Done

1.5K 59 12

Pa? Papa! Papa? Papa! Papa!

Patuloy na sigaw ng batang babae habang patuloy nyang tinatanaw sa gitna ng malapad na kalsada at masukal na mga damo ang kanyang ama, ngunit, walang bahid ng katauhan nito ang matatanaw kahit saan.

Nabaling ang atensyon ng bata sa kadilimang nakapalibot sa kanya. Dala ng takot at pagkabalisa, nakakita sya sa gitna ng dilim ng matatalim na paningin.

Naiyak at tumakbo ang bata mula sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam nya ay hinahabol sya ng isang malademonyong halimaw na gawa ng kanyang isipan.

Tumakbo ng tumakbo ng walang tigil. Patuloy ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso na para bang puputok na ito sa sobrang bilis ng pagpintig.

Hanggang sa madapa ang bata ng matapilok sya sa isang bato.

Unang tumama sa kalsada ang kanang bahagi ng kanyang mukha. Dahilan para agad na magkagasgas at dugo ang mga ito. Ganun din ang kanyang mga tuhod at siko.

Nanginginig sa lamig ang katawan ng bata ngunit tila ba wala syang maramdaman na kahit na anong sakit sa mga nangyayari.

Dahil patuloy parin ang takot na nararamdaman nya sa kanyang kaloob looban dahil sa paghabol sa kanya ng halimaw.

At ng patuloy nyang pagtatanong sa kanyang isipan kung nasan ba ang kanyang ama sa sitwasyong iyon.

*

Isang bangungot. Ginising ako ng isang bangungot na matagal ko ng hindi nakikita. Malakas ang kabog ng aking dibdib sa pagkakaalala ng bangungot na yon. Ang tanging mga ala alang nakakapagpalambot sa buo kong katawan.

"Ms. Jessica, gising ka na pala." Isang nurse na nasa edad 20s ang hindi ko napansing pumasok ng aking kwarto at bumati sa akin. "Kamusta ka na? May kahit na ano bang masakit sa katawan mo?" tanong nya pa sa akin.

"Wala naman." Tipid ko lang na sagot sa kanya.

"Hm," chineck nya ang IV na nasa tabi ko na nakakonekto sa aking bisig saka sya nagsulat sa hawak nyang patient records sheet. "Alam mo ba kung nasan ka ngayon Ms. Jessica?" tanong nyang muli.

"Ospital." Tipid ko muling sagot.

"Yes po. Southwing General Hospital. Dinala ka dito ng mga kaibigan mo after kang mawalan ng malay kahapon. Halos isang buong araw na ho kayong tulog." Pag iinform nya sa akin.

"Ganun ba. Anong oras na ba?" kunot noong tanong ko ng malaman na isang araw na pala ang nakakalipas ng himatayin ako.

Tumingin sya sa kanyang relo. "Mag aalasais na ho ng gabi. Sabi daw ho ni Doc, pwede na kayong idischarge bukas kapag nabisita nya kayo ulit." Tumango ako sa mga sinabi nya. "May kailangan pa ho ba kayo Ms. Jessica?"

"Ah...actually meron." Sagot ko sa kanya."May psychiatrist ba kayo dito?" nag aalangan kong tanong sa kanya.

*

Dra. Karen Pastor. Head Psychiatrist ng Southwing General Hospital. Resident Pyschiatrist ng ospital at on-call 24/7 everyday ng kanyang mga kliyente. Hindi man nya ako pasyente ay pinaunlakan nya parin ang kagustuhan kong maka-kausap ng isang psychiatrist tutal naman daw ay pasyente din ako ng ospital.

Maaliwalas at magaan ang dating ng aura ni Dra. Karen, siguro nga ay dahil psychiatrist sya ay napag aralan nya na ang paraan kung paanong magmumukhang friendly sa kanyang mga nakakasalamuha. Kung iisipin din para sa isang 24/7 on call na psychiatrist, mukhang, maganda at maayos naman ang tulog na natatanggap nya.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!