31st Hate: Back to Square One

300 15 5

"I would have to say na based on your records here, masyadong naging mabilis ang desisyon ng mga doktor mo para sabihin na hindi ka na nga makakalakad pang muli Mr. Calleja. I am not saying that they are wrong but they are not entirely correct as well." Nakangiting sabi ni Dr. Misty, ang doktor na hinihingan namin ngayon ng second opinion.

"So, may pag asa pa ngang makalakad sya Doc?" tanong ko sa kanya.

"I don't want to get your hopes to high Misis. I highly recommend Mr. Calleja for Physical Therapy sessions and let's see kung makatulong ito sa kanya." Sagot ni Doc.

"Ay Doc, Ms. palang po ako. Hindi ko ho kaano ano itong lalaking ito." Turo ko kay Asher na patawa tawa nalang sa kinauupuan nya.

"Ah ganun ba. Pasensya na. Akala ko kasi mag asawa kayo." Gulat na sagot ni Doc Misty.

"We'll get there." Simpleng sagot ni Asher na pangiti ngiti lang.

"Anyway, if you would want to be transferred to our hospital for your further treatment, please coordinate with the nurses sa station and they will let you know of the documents needed to be accomplished." Pagpapaalala ni Doc.

"Sige po, we'll do." Nakangiting tugon ni Asher.

*

Sa mga sumunod na araw, naasikaso ang pagpapa transfer kay Asher sa mas malaking ospital na kumpleto sa mga gamit para matulungan syang maka recover.

Salamat sa tulong ng mga kaibigan nya at kaibigan ko, mabagal man pero unti unti syang nakikitaan ng pag asang makalakad muli.

Nakaupo ako sa isa sa mga benches sa labas ng ospital. Maganda ang panahon sa araw na ito. Makulimlim ang langit pero hindi naman sobrang nagbabadya ang ulan.

Hinihilot ko ang leeg at kaliwang balikat ko. Paminsan ay nakakaramdam pa din ako ng tila ba pangangalay sa leeg at balikat ko. Siguro dala na din ng aksidente. Hindi pa din ako tumitigil sa aking physical theraphy sessions. Minsan kasi talaga sumasakit ang katawan ko.

"Okay ka lang ba?" napatigil ako sa paghilot sa leeg ko ng hindi ko mamalayan ay nasa likod ko na pala si Asher. Ipinedal pa ng mga kamay nya ang gulong ng kanyang wheel chair para mas makalapit sa akin. "May masakit ba sayo? Gusto mo bang pumasok para mapatingnan?" bakas sa mukha nya ang pag aalala.

Umiling ako. "Hindi na kailangan. Na stiff neck lang ata ako kasi hindi maganda yung higa ko kanina sa kama." sagot ko sa kanya. Sa tingin ko kasi ay hindi naman nakakaalarma ng sobra ang nararamdaman ko.

"Sigurado ka ha. Mahirap na. Baka bigla mas may malalim palang dahilan kung bakit masakit ang katawan mo." dagdag pa nya.

Umiling ako. "Hindi, okay lang talaga ako."

Dala na din siguro ng magandang panahon at ng syempre ay mahirap naman magalit o mainis pa sa isang pasyente ay mas nabawasan ang masasakit na salitang naibabato ko kay Asher. Kung dati ay wala talaga akong pakialam sa kanya, ngayon ay mas nag iingat na ako. Ayoko naman kasing palalain pa ang nararamdaman nya lalo na't alam kong dahilan din ako kung bakit sya naaksidente.

"Anong iniisip mo?" napalingon muli ako sa gilid ko ng magtanong si Asher.

"Huh? Wala naman. Kung ano ano lang." sagot ko sa kanya.

Mabagal ang pagtango nyang tugon sa akin. Anong meron at bakit parang nagpapakiramdaman kami sa isa't isa.

"Sorry nga pala." napakunot noo ako at muling napatingin kay Asher.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!