13th Hate: Love is Weird

2K 73 18


Natawa si Asher at Jack ng pagtingala nila ay makita nila ako.

"Anong tinatawa tawa nyo jan?" masungit kong tanong sabay upo sa tapat nilang dalawa para mag almusal.

"Ang kulit mo kasi, oh edi ngayon, mukha kang may pantal jan." natatawang sagot ni Asher kupal sabay subo ng tinapay sa bibig nya.

Walanghiya. Pinapak nga ako ng mga lamok. Nakalimutan ko kasi magpalit nung pajama na pinapapalit nya tapos, ibaba yung kulambo na nakalagay dun sa kama. Eh sa nakatulog ako agad eh. Badtrip tuloy. Pinagtitripan tuloy ako netong dalawang to.

"Wala kang pakialam." Natawa lang at napailing yung dalawa sa sinagot ko. Tsl. "Nga pala, anong oras natin sila pwedeng interviewhin?" pagsesegway ko nalang ng tanong ko.

"Ah maya maya. Mga after lunch okay lang ba?" tanong ni Jack.

"Fine, sige." Pagsang ayon ko nalang. Sila naman ang dapat naming sundan ng schedule.

*

Ang panget ng mukha ko. Parang bukol bukol na pantal na para akong nabugbog ng maliliit na kaaway. Ang panget talaga pag nakikita ko dito sa salamin. Pag pinipisil pa, mamasa masa. Grabe naman ang mga lamok dito.

Napalingon ako sa pinto ng makarinig ako ng dalawang katok sa pinto.

"Pasok." 

Sumilip ang ulo ni Asher.

"O bakit?" agad kong tanong sa kanya.

"Ointment." Pinakita nya ang isang maliit na tube na hawak nya sabay pumasok ng tuluyan sa kwarto ko. "Lagay natin yang mukha mo."

"Akin na. Kaya ko na yan." Kukunin ko na sana yung ointment pero nilayo nya.

"Ako na. Upo ka dun." Turo nya sa kama. "O, baka ayaw mo na naman makinig ha. Yan na nga nangyari sayo." Warning at pagpapaalala pa nya.

"Psh." Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama para malagyan nya ng ointment.

Malamig ang tila ba wax na ointment na nilalagay ni Asher sa akin. Nag iinit yun dahil sa warm na temperatura ng kanyang kamay ng dahan dahang humahagod sa aking mukha.

"Yung...lolo nung kaibigan mo," pananalita ko habang nagpapahid lang sya ng ointment sa mukha ko. "Anong sakit nya at bakit sya may tubo sa lalamunan?"

"Ah, stroke daw yun." Mabilis at kalmado naman nyang sagot.

"Stroke? Kasama na nanigas yung lalamunan nya?"

"Hindi. Nung na stroke daw kasi si Lolo Fred, nahirapan na syang lumunok ng pagkain o uminom ng tubig. Kung hindi sya bubutasan sa lalamunan, pwedeng hindi sya makasurvive." Paliwanag naman nya ulit.

"Ah..." ganun pala. Malala siguro yung stroke nun.

"Uhh, kamusta na nga pala si...si Briton, yung girlfriend mo." Naalala ko lang. Might as well tanungin na. Buti nga, kinakamusta ko pa yung britong hilaw na yun eh.

Natawa sya. "Bakit naman napunta yung usapan dun?"

"Wala lang. Masama bang mangamusta? Kung ayaw mo edi wag. Tss." Pasiring kong sagot sa kanya.

"Okay lang naman sya. Baka in a month, bumalik na sya dito." Nakangiti nyang sagot. Inlababo si kupal. Tss.

"San nga pala kayo—"

Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang may biglaang nagbukas ng pinto ng kwarto ko.

"Ash! Marunong ka magmaneho ng de motor na Bangka di ba?" hingal na hingal at nagmamadaling tanong ni Jack.

The Ultimate Man Hater 2.0 (Revising)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!