"Pakyu!" Sabay patay ko ng tawag.

Napagpasyahan ko ng matulog dahil nahihilo na ako.

------

"Oo, wag kang maingay natutulog sila."

"Patingin nga kami."

"Oh eto."

"Sino yung dalawang magkayakap sa likod?"

"Si Oreo at Dj."

"Diba katabi ni Spicy si Oreo kanina? Bakit si Dj na ngayon?"

"Nagpalit sila kasi kanina pa nauuntog si Oreo sa may bintana habang tulog."

"E bakit hindi yung mga pinsan niya o ikaw?"

"Ewan ko sa kanila. Gustong gustong niyayakap ni Dj si Oreo noon, baka ganon pa din ngayon."


Nakinig lang ako sa pinag-uusapan nila, pero wait! Ako si Oreo ah? katabi ko si Dj? SHETE! NAKAYAKAP PA AKO. HABANG TULOG SA SA DIBDIB NIYA TAPOS YUNG ULO NIYA NAKAPATONG SA ULO KO!


Napaayos ako ng upo kaya nagising si Dj.

"Oh ayan! Gising na pala si Oreo e."


Sumilip ako doon sa phone niya at nakita kong nakadungaw doon sina Brent at Ricci dahil hawak ni Aljun yung phone na kausap si Malkist. Sila pala yung maingay na nag-uusap. Lahat tulog maliban na lang kay Malkist at sakin dahil ang katabi kong si Dj ay nayakap sa akin na nagpatuloy sa pagtulog.

"Hi Ri!" Bati ko kay Ricci.

"Hi mo mukha mo!" Sagot nito at nawala na yung mukha sa phone.

"Hala anong nangyari don?" Taong ko.


Nagsign naman ng "lagot ka" si Aljun at Brent.

"Lah! Bakit?"


Dumungaw saglit si Ricci at nakita kong pinatay na niya yung tawag.


Dahil nahihilo na ako ay napagpasyahan kong matulog ulit pero sa bintana na ako sumandal habang ang katabi ko ay ginawa akong unan.

------


Nakarating kami sa bahay kagabi ng mga alas nuwebe ng umaga at gumising ako ng alas dos para maligo at kumain. Pumunta ako sa salas para manood ng movies.

"Kamusta ang panget kong kapatid? Ilang araw ka ding nawala ah?" Tanong ni kuya Gray.

"Masaya kasi walang paepal don, in short wala ka kasi don." Sagot ko.


Nagsiupuan naman ang mga kapatid ko sa tabi ko at pinagsiksikan ang sarili nila sa sofa namin. Bale anim kaming nasa sofa.

Super Far (Ricci Rivero Fanfiction) Where stories live. Discover now