Chapter 16: Cav's Side of the Story

248 9 0

Cav's P.O.V

     " Ah-guys papahangin muna ako. " Paalam sa amin ni Avery.

     Hindi na kami sumagot dahil bigla nalang siya umalis. Natahimik nalang kaming lahat.

     " Anong nangyari kay sunshine? " Natanong ni Bibs.

     " Oo nga? " Sabat naman ni Oliver.

     " Tinatanong pa ba iyon? Malamang eh binabastos na ni Cav si Avery eh. " Malakas na pagbibintang sa akin ni Ranz. Bigla naman uminit ang dugo ko.

     " Para sabihin ko sayo Ranz, hindi ko siya binabastos. Ganun lang talaga ako manligaw. Eh kayo nga ni Shan makapag-PDA wagas. Dude,parang walang tao. Grabe ka Ranz!! " Sumbat ko sa kanya.

     " Eh sino ba unang nag-PDA ha!!!! Grabe ka makapagbintang ng PDA ah?!!!!??!!!!! "

     " Dude, PDA sige. Pero hindi kasing laswa ng sa inyo. Aamin na ako sayo dude ha. Nakakainis ka na. Napakamanhind mo!!! Bakit mo ginanon si Avery huh!!! Ang bait bait na tao. Minamahal ka na nga tapos ganun lang!!!! Iwanan sa ere!!!!???? "

     " Eh kung sayo kaya mangyari yun!?!?!? Na pinagtaguan ka niya - - "

     Nataasan ko na ng boses si Ranz.

     " EH MAHAL KA NGA RANZ!!!! Mahal ka niya kaya niya nagawa iyon!!! Natatakot na mawala ka pa sa kanya!! Eh tama nga ang hinala niya sayo!!!! Na hindi mo siya mahal at napilitan ka lang dahil desperado ka nang makapag move-on!!!!!! Hindi mo ba alam na muntikan na siyang marape noon?!?!? Pasalamat ka at ako ang nakakita sa kanya.. Sayang lang ang nararamdaman niya para sayo. "

     " Oi guys, umawat na. Mahiya kayo. " Awat sa amin ni Ully.

     " Oo nga. Mapaguusapan naman sa mahinahon na paraan ah? " Saway naman ni Owy.

     " Tumigil na kayo . Para kayong mga bata. " Dagdag ni Oliver.

      Pero hindi ako nakinig. Nag-salita parin ako.

     " Hindi pare. Kailangan malaman ni Ranz ang mga ito!! Para hindi na siya mabulag sa Chantelle na yan. Alam mo ba pare, hindi ka nan mahal ni Shan. Ginagamit ka lang para makilala siya!! Sumikat!! Naiintindihan mo ba iyon?!?!? "

     " Pare, girlfriend ko na yang pinagbibintangan mo " at tinutulak-tulak na ako ni Ranz.

     Hinawakan nila Owy at Oliver si Ranz, si Biboy at Ully naman sa akin kasi mas malaki muscles ko kaysa kay Binyel.

     " Totoo naman ah. Ginagamit ka lang niya!!! Kung tutuusin, bagay nga kayo. Alam mo kung bakit hah?!?!?!? Kasi pareho kayong manggagamit!!! "

      Hindi na nagpaawat si Ranz. Nasuntok na niya ako sa mukha. Syempre, alangang hindi ako gumalaw doon.

     Gumanti naman ako kaya nagkagulo na. Talaga.

     " Hoy CAAAVV!! Tama na!!! " Sigaw ni Ully habang hinihila na niya ako palayo kay Ranz.

     " RAAANNZZ, umawat ka na pre!!!! " Sabi naman ni Owy na gumigitna para hindi na kami magkasakitan.

      Nahablot na nila kaming dalawa kaya napaawat na.

     " Ano bang pakielam mo kung ginamit ko lang siya ah? " Isang shungang tanong ni Ranz sa akin.

     " KASI MAHAL KO SIYA RANZ!!!!!! MAHAL KO SI AVERY!!!!!! HINDI KO ALAM KUNG NAHAHALATA NIYA PERO MAHAL KO SIYA!!!!! "

     " MAHAL KO RIN SIYA CAV!!! Kaya ko lang nagawa iyon dahil magpapakamatay si Chantelle. Kahit papaano ay may awa pa ako sa kanya. May mga dahilan ako. Pero isa lang ang gusto kong sabihin, Mahal na mahal ko si Avery. At sigurado akong hindi ka niya sasagutin kasi kahit anong gawin mo, ako ang mahal niya. "

     Nabitawan nanaman nila kami kaya nagsuntukan na ulit kami. Hindi na nila kami maawat.

     May dugo nang lumalabas sa ilong ko at nagdudugo na ang labi ni Ranz. Natigilan lang kami ng may sumigaw.

     " TAMA NA!!!!!! " Si Avery. Umiiyak siya.

    " Akala niyo ba makakatulong iyang pag-aaway niyo huh?!? Ikaw Cav?? Bakit mo pa pinatulan huh??!! Akala ko ba pagseselosin lang natin siya para may mapatunayan ka na ako ang mahal niya. Oh naputanayan mo na!!!! Wala naman sa usapan na gulpihin mo siya. "

     Umiiyak na siya ng sobra. Basang-basa na ang panyo na ginamit niya. At halata na lalo pang sumakit ang mga nararamdaman niya sa nakita niya.

     Tumingin naman siya kay Ranz.

    " At ikaw Ongsee!!!! Ang kapal mo naman para sabihin na hindi ko kayang sasagutin si Cav. Paano kapag nagawa ko huh?!?!?! Kung mahal mo ako, sana pinaglaban mo ako.. Hindi yung basta-basta ka na lang mang-iiwan sa ere. Magpapakamatay?!?! Psshh... Naniwala ka naman. Alam mo totoo ang mga sinabi ni Cav. Ginagamit ka lang niya. Kung ayaw mo maniwala, fine!! Problema mo na iyon. Pero kapag sinaktan ka ulit nung Shan na iyon, wala ka nang babalikan na rebound. "

     At nag-walk out na siya. Hinahabol ko naman siya kaso sobra siyang bilis. Alam kong naririnig niya na tinawag ko siya.

    " Avery!!!! Avery teka lang!!! Mag-usap na muna tayo!! " Kaso hindi niya ako nililingon.

     Nasa labas na kami ng restaurant, at talagang hinahabol ko siya.

     " Avery!!!! Avery!!!! "

     Hindi niya parin ako pinapansin, dire-diretso lang siya sa pagtakbo ng - - - . . .

*screech* ( tunog ng kotse )

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!