Chapter 41: WTF!!!! Here comes another heartache.

148 9 1

*boooooooommmmmm*
*tsssssss - - boooooooommmm* (haha!! Epic fail yung sounds)

     Fireworks!! Sa may taas ng little aisle namin. Ang ganda!! Napa-colorful.  Inakbayan naman ako ni Ranz.

     “ You like it? “ tanong niya.

     “ I Love it. “ sagot ko naman.

     Hinawakan naman niya ang parehas kong kamay. ” Mabuti naman at nagustuhan mo. ” at ki-niss niya ako sa hands. ” Since ginawa na natin ito, its almost official na kasal na tayo so, akin ka lang at syempre ako ay sayo lang. “

     “ Yes daddy. “ maluha-luha kong sagot sa kanya.

     Binigyan naman niya ako ng kiss sa forehead.

“  I love you Avery. “

      “ I love you too Ranz.  “

- super fast forward -

     2 years na kami ni Ranz. College na kami parehas at nag-aaral na sa Ateneo de Manila. Ang course na kinuha ko ay Tourism while Performing in Arts naman siya. 

     Marami na kaming pinag-daanan na problema. Pero, nalagpasan namin lahat. Tumatagal ang away ng mga 1 or 2 weeks pero nagkakaayos naman. Ngunit, may isang pangyayari lang talaga ang sumubok samin na sobrang ikinasira ng relasyon namin.

- flashback -

     1st year college. Mga freshmen. Sa school namin, maraming artista or anak ng mga artista. Kaya naman si Ranz ay kahit papaano, pinagkakaguluhan.

     Isang araw, may mall show SIYA. Hindi pa naman watak-watak ang chicser noon. Nagkakataon lang na minsan ay kinukuha sila as individuals na at hindi as a group. Madalas nang merong Solo Mall Shows si Ranz.

     Album launch, Endorsements, etc. Ang case ngayon ni Ranz, isang promo tour para sa movie nila ni Ella Cruz. Minsan nagseselos ako sa mga sweet scenes nila pero naiintindihan ko naman sila kasi mga professionals naman sila.

- next day -

     Premiere na ng first movie ng sweetheart ko. Syempre kasama ako at ako ang kasama niya sa red carpet. Nung pumasok na kami sa theater, syempre nagtilian silang lahat sa boyfriend ko kasi ang gwapo niya. Then kasama naman ni Ella si Francis. Ang cute nila! 

- sa loob ng theater -

     Nasa gitna palang ng movie ni Ranz ng bigla siyang tumayo. Magc-cr lang daw siya. So, sumama narin si Ella. Kaya katabi ko na ngayon si Francis or kami nalang yung naiwan. Ganito kasi seating arrangement namin.

Ranz| Avery| Francis| Ella|

     ” Ang galing talaga ni Ella noh? ” panimulang sabi ko para magkaroon kami ng convo ni Francis.

” Oo nga eh. ” sagot naman niya.

” Ahmmm, pwede bang magtanong? ”

” Sure. Ano iyon? ”

” Kayo ba ni Ella? ” medyo wala ko nang hiya na tinanong. Curious lang talaga ako eh kaya diniretso ko na siya.

Ngumiti nalang siya sakin. ”  Hindi. Bestfriends lang talaga kami.”

” Ah.. Pero bagay kayo ” compliment ko naman.

” Salamat. Pero, may iba kasi akong gusto eh. ” banggit niya.

” Talaga? Sino? ”walang hiya ko nanamang tinanong.

” Secret. ” at ngumit lang siya. ” Oo nga pala. Pwede bang makuha # mo? ”

” Bakit naman? ” medyo shocked na kinikilig kong sagot. Syempre, si Francis iyon. Ang cutest teen actor sa generation ko. Haha! Pero syempre, mas gwapo parin sakin si Ranz.

 ” Ah wala lang. Friends naman tayo d'ba? “ tanong niya sakin.  Syempre, magiging choosy pa ba ako ?

 ” Ah oo naman. Oh ito. ”

Sinabi ko na agad-agad yung digits ko. Sinabi na niya rin yung kanya. After 5 minutes ay wala pa sila Ranz at Ella. Napagisipan ko naman na puntahan sila.

” Ah Francis, puntahan ko na muna sila. “ paalam ko sa kanya,

” Ah okay. “

     Umalis na ako at papunta sana sa cr. Kasi kapag naglakad ako sa may balcony nung theater may 2 daanan, left and right. Left yung cr at parang space lang yung nasa right. Diretso na sana ako sa cr kaso may narinig ako.

     “ Ano ba? Wag kang ganyan. “ medyo pa-flirt na sinabi nung girl. Tss. Sa may theater pa talaga naglandian. Pero parang kilala ko yung voice nung babae. Medyo kinutuban na ako.


     “ Bakit naman? “ sagot naman nung guy na pa-flirt din. Doon naman medyo nag-break ang puso. ‘ Wag ka ngang mag-isip ng ganyan Avery. Wag ka munang mag-assume. ‘ sabi ko sa sarili ko.


     “ Kinikilig ako sayo. “ sagot naman nung babae

     Kilala ko yung mga boses. Bigla akong kinabahan at tumulo ang luha kahit hindi ko pa sila nakikita.

     Mas lumapit ako dun sa dilim kung saan nanggagaling ang mga boses. Then,on cue, bumagsak ang mga luha ko.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!