Chapter 3: Fake Date :D

370 13 3

Napagisip isip naman ako. Rebound? Yun ba yung mas sosyal na word sa panakip butas? Parang ang sakit naman ng word na iyon. Pero, dahil nakikita ko ang kondisyon ni Ranz na nasasaktan, no choice na ako.

" Sige. For how many years? "

Tanong ko sa kanya. 

Malay niyo naman kasi. Baka ang motto ni Ranz ay Try and Try until you'll be mine. 

" Hanggang sa marealize ni  Chantelle na malaking kawalan ako sa kanya. " 

" Eh ano naman gagawin mo kung marealize niya iyon? " Sana nga hindi na. Nang mapasakin ka na.

"  Ewan ko. Bahala na. Basta pumayag kana. " Paalala sa akin sa desisyon na napilitan lang ako.

" Oo sige. Bahala na. Basta ikaw Ranz. Malakas ka sa akin eh. " Ang naisagot ko nalang na malaman niya kahit paano ay suportado ko siya.

" Thanks sweetheart. " 

" Oo na. "

* fast forward *

Mga one week na nakakalipas.   simula nung tinanong ako ni Ranz about sa rebound thingy. Kinuha niya number ko at sinabi na itetext niya nalang daw ko.

" Hindi kaya nagkabalikan na sila nung ex girlfriend niya kaya hindi na niya ako tinetext? Hala!! Ang daya naman nun. " Sabi ko sa isip ko with matching pout pa.

Nang may nag-text.

Ringtone:

Sa iyong ngiti

Ako'y nahuhumaling

At sa tuwing ikaw ay gagalaw

Ang mundo ko'y tumitigil

1 message receive from: +63906*******

Hi Avery. Si Ranz ito. Free ka ba today?

O_O ! ! Is this true? Nagtext na si Ranz. Teka,rereplayan ko lang.

Ah oo. Bakit?  At gamit ang nanginginig ko sa kilig na mga kamay, sinend ko.

*1 minute later *

" Fake date tayo. "

Ah ganun. Sige. Anong oras mo ako susunduin?

Medyo dissapointed ako. Okay na sana. Kaso may kasama pang FAKE eh. Tsk. -___-

*29 seconds*

" Nasa tapat na ako ng bahay niyo. "

Again, O_O !!!!!!!!!

Lumabas ako at nakakita ako ng isang black na kotse. Biglang bumaba ang bintana nito at lumitaw ang gwapong gwapo na mukha ni Ranz na kumakaway.

" Hi sweetheart!! Tara na? " Sabay yung expression na nag-aaya na.

" Teka lang. Bibihis lang ako, mag-aayos pa ako. Wag kang magmadali. Dapat kanina mo pa ako tinext eh. " Sabi ko sa kanya.

" Sorry naman. Excited lang ako na pagselosin si Chantelle. " At halata nga sa mukha niya ang excitement.

" Haixt.. Okay. Give me 30 minutes. " At pumasok na ulit ako para magbihis.

Nung sinabi niya na excited siya na pagselosin si Chantelle,  hindi ko alam kung bakit pero, medyo naiinis ako kay Ranz. Or baka, nagseselos ako.

Medyo napa-isip ako. Kailangan ba talagang ako ang maging rebound.?

Wala na pala akong magagawa eh. Mahal ko na si Ranz kahit dati pa bago ko pa siya na-meet in person at maging friend niya or REBOUND nga. I mean, sinong hindi mahuhulog sa charms, talent at attitude niya na hindi mo mapipigilan kundi mahulog nalang.

Nalulungkot lang kasi ako na malayo ang possibilities na mainlove siya sa akin dahil mahal pa niya ang ex niya. 

At sigurado ako nakapag nahulog sa patimbong ni Ranz si Chantelle, maaring maging sila ulit. Ewan ko ba.

* after 30 minutes *

Lumabas na ako at pumunta sa kotse ni Ranz. Pumasok na ako lang dito at tahimik lang.

" Saan ba ngayon yung ex mo? " Medyo pataray kong tanong sa kanya.

" Huh? Ah-eh. Basta. Hindi ko alam ang pangalan. " 

" Okay." 

" Parang ang tahimik mo at  ngayon? At ang taray? "

" Mood swings. Its a girl thing. " Yan lang ang sagot ko sa kanya. Alangan sabihin ko na nagseselos ako. Eh wala naman akong karapatan.

" Ah.. Okay. Basta, magugustuhan mo itong fake date natin. "

Tumango na lang ako. Kahit papaano ay nasasaktan ako. Na iniisip ko na ginagamit lang niya ako na pampalipas oras kapag nalulungkot siya o kaya gagamitin sa revenge niya para mapabalik sa kanya ang mahal niya. 

Ang sakit pala maging rebound. Then may naalala ako.

" Uy. Dba GT niyo ngayon sa SM MegaMall ? " Naitanong ko.

" Ah oo. Bakit? "

" Hindi ka ba aatend? Maraming madidissapoint na fans mo sige ka. "

" Basta. " At nagsalpak nalang siya ng headset at naglaro na ng candy crush sa tablet niya.

Then dumating na kami sa mall. Habang hinaharangan ng mga guards ang nakadisguise na si Ranz, pumunta kami sa isang backstage. Then nakita ko yung ibang member ng chicser. Hindi ko mapigilan ang kiligin doon. Then nag-apiran sila.

" Oh Ranz. Kala namin hindi ka na sisipot eh. " Sabi ni babe Owy. Yie!!! The dimples!! Its killing me!! Haha!!

" Hindi sinundo ko lang yung friend ko. " Sagot naman ni Ranz kay Owy.

" Siya ba yung sinasabi mong - - " sabi ni sunshine Biboy na may turo-turo effect sa akin gamit ang mata at nguso niya. Mas cute si Biboy sa malapitan.

" Sinabi niya sa inyo? " Pagtataka ko naman. Paano niya nalaman?

" Friends don't keep secrets from each other. " Pasabi sa akin ni love Oliver. The BANGS!! MIKOY!!!! 

" Sorry kung nasabi ko. Golden rule kasi namin yun eh. " Pagpapasensya sa akin ni Ranz. Ah. So sinabi pala niya.

" Pero Ranz, kapag tapos ka na pwedeng sa akin naman siya? She looks cute kasi. I want to be her friend too. Sayang naman. " Sabay nakipag-kamay sa akin si baby Cav. The dimples, the smile, the muscles. Ahhh!!! No air!! I need air!!

Medyo natawa ako at na offend at the same time sa sinabi ni Cav. Pero, alam ko naman talaga ang pinaka-ibig sabihin niya.

" Nice to meet you Avery. Sana maging kayo ay este maging succesfull ang plano niyo. " At nakipag-kamay naman si cutiepie Ully sa akin. Mabait naman pala siya hindi katulad ng sinasabi nila.

" Thanks. "  

Napatingin naman ako kay Ranz na nakatitig sakin na nakangiti. Medyo, kinilig naman ako.

" Teka, kala ko ba may fake date tayo? " Naalala ko yung pagaaya ni Ranz sa akin sa fake date namin kaya ako napadpad dito.

" Oo nga. "

" Paano eh may show ka? "

" Hindi ito show, fake date nga natin ito. Dun tayo. "  Huh?? Nakakalito na ah!

At tinuro ni Ranz yung stage. Bigla naman akong kinabahan.

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!