Chapter 13: Liers go to Hell Chantelle go to Hell

251 11 0

1 week na kaming hindi nagkikita at nagkausap ni Ranz.

     Simula ng sinabi ko yung totoo ay nagalit na siya. Naguluhan sa nararamdaman niya para sakin.

     Naglagay naman ako ng entry sa diary ko.

Dear Diary,

     Hindi ko na siya nakikita. Hindi ko na rin siya nakakausap. Siguro hindi niya talaga ako mahal.

     Nadala lang siya sa emosyon niya na makapag- move on kay Chantelle kaya niya nasabi na mahal niya ako. Siguro nga, rebound lang ako.

     Isang tao na sumalo sa kanya nung sinaktan siya ng pinakamamahal niya. Yung taong akala na mamahalin ka ng taong mahal mo. Na kahit anong sakit na iniwan ng past ay mawawala dahil andyan ka. Kaso, hindi pala.

     Siguro, nakipagbalikan na siya dun kay Chantelle. Siguro masaya narin sila.

     After kong magsulat, nag-ayos na ako para sa first day sa new school ko. Susubukan kong makalimot kahit saglit lang.

     Pumasok ako sa The seed Montessori as a transferre. Dito kasi dating nagtatrabaho ang tita ko. 3rd year student.

     Pagkapasok ko, naisip ko na imposible akong makalimot kahit saglit.

     Nakita ko si Ranz. . . na kasama si Chantelle. Nagtatawanan at mukha nga talagang masaya.

     Napalingon naman si Chantelle sa direksyon ko at tumakbo palapit sa akin.

     " Hi Avery!!! Wow!! Dito ka na pala mag-aaral? How exciting!! Magkaklase na tayo. "

     " Ah- eh oo nga eh. Exciting " Lier alert nanaman ako. Bakit hindi ko nalang kasi sabihin na ayaw ko na pala pumasok dito kasi nandito sila at masasaktan lang ako.

     Ang bobo ko talaga eh!! Bakit kaya nakalimutan ko na sa The Seed nag-aaral si Ranz. Ang tanga lang eh!! Tsk.

     " Welcome sa the seed " Ang cold na pagkakasabi ni Ranz. Pwede niya naman sabihin na lumayas ka dito. Ayaw kita makita.

     " Thanks " malumanay kong sagot.

     ' Tama nga ako. Hindi niya ako mahal. Never. Talagang isang rebound lang ako para sa kanya. ' Nasabi ko nalang sa sarili ko.

- - fast forward - -

     Tapos na ang klase. Masaya sana sa new classmates ko kaso yung piling na lahat ay hindi ko makakasalamuha.

      Tulad kay Ranz. At masyado silang sweet ni Chantelle kaya kapag kinikilig ang buong classroom ay yumuyuko nalang ako dahil sa selos,inggit at lungkot.

      " Avery!! " May tumawag sa akin.

     " Oh? Ano yun Chantelle? " Ah ikaw pala. Ang babaeng sobrang mahal ng mahal ko.

     " Gusto ko sanang magthank you. Thank you kasi sinabi mo kay Ranz. " At ngumiti siya.

     " Ah.. W-wala yun. " Actually meron. Sobrang meron na baka hindi ko na kayanin at sumabog nalang ang puso ko sa selos.

     " Infact, hindi ko alam na maniniwala siya. Or ikaw sa mga sinasabi ko sayo noon. "

      Nalito naman ako sa sinabi niya. " Anong ibig mong sabihin? "

     " What I'm really trying to say is , napakauto-uto mo. Wala namang nagbabantay sa akin na mga kasamahan nung boyfriend ko sa fraternity. Tapos, to make things clear, tinutwo-time ko si Ranz ngayon. I'm just using him para sumikat ako. Para makilala ako. He's not really my type. "

     Sa mga sinabi niya, biglang nagdilim ang paningin ko. At bigla ko nalang siyang nasampal.

     " How dare you?!?! Bakit mo kami niloko?!?! "

     " DUH!!! Para makuha ko siya ulit. Para magamit ko siya. Alam kong REBOUND kalang ni Ranz nung nag-break kami. Akala niyo makukuha niyo ako sa parevenge revenge niyo!? Sorry ka. I can tell the difference if the scene is real or fake. Mahal pa niya ako at pinagsisiksikan mo yang sarili mo sa kanya. "

     " Hindi pwede!!!!! Sasabihin ko sa kanya lahat. . . Sasabihin ko na niloloko mo siya!!!! "

     " What makes you think na paniniwalaan ka niya? Nagtago ka na nga ng katotohanan sa kanya dba?. So he doesn't trust you anymore. Besides, sinong paniniwalaan niya. Ang mahal niya . . . ? O ang isang REBOUND "

     Ayan nanaman sa rebound na iyan. Bigla naman akong napaluha.

     " Bakit mo sinasabi sa akin ito? "

     " Para malinawan ka na to stay out of my way. Dahil hindi mo alam kung ano ang mga pwede kong gawin. "

     Then may isang guy na may tumatawag kay Chantelle.

     " Chantelle! Chantelle! " Tawag sa kanya. Kailan ko kaya ulit maririnig ang pangalan ko sa kanya?

     " Hi hon. " Bati ni Chantelle.

     " Tara hatid na kita sa inyo." Alok ni Ranz sa girlfriend niya. Ang sakit pala kapag ganun.

     " Sige. Bye Avery. " Sabi sa akin ni Shan. Naku kung hindi lang masakit ang puso ko ngayon. Nasapak na kita.

     " Ah una na kami. " Paalam ni Ranz.

     Tumango nalang ako at nauna nang umalis para hindi nila makita ang mga luha ko.

     Bakit ito nagawa sakin ni Chantelle??? Bakit???!!!!!!

Rebound ( A Ranz Kyle Fiction )Basahin ang storyang ito ng LIBRE!